The Right Choice

6.3K 199 18
                                    

Good evening guys finally rest day medyo malungkot kasi hindi pinayagang mag RDOT hehehe pero dahil diyan draft na ako, ngayong sumuko na si Jonathan magiging masaya na ba si Dustin or mas lalong lulungkot ang kanyang buhay o baka naman dahil kay Andrei ay maging mas masaya na siya.

Picture of Jonathan Montero on the right=====>>>>>>>

Song is Goodbye by Secondhand Serenade

===============================================================================

CHAPTER TWENTY EIGHT

Dustin's POV

Isang nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa amin ni Jonathan, tahimik lang ito habang abalang nagdadrive, pinagkasya ko naman ang sarili ko habang nakatanaw sa labas ng bintana, kahit gaanong kaganda ang nakikita ko ay parang wala lang sa akin dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

Nang araw na din na iyon ay nagpasya nang bumalik ni Jonathan paMaynila at sa labis kong gulat ay meron pala talagang mga extrang gulong itong dala, talagang pinaniwala lang ako nito na stranded pala kami dito ngunit hindi naman pala, ngunit kahit nalaman ko iyon ay hindi na din ako nagreact ano pang sense gayong ito na ang huling beses nang makakasama ko nang ganito si Jonathan at sigurado akong hindi na uli mangyayari ito.

"Bakit ka nasasaktan?" narinig kong tanong nang kabilang bahagi ng utak ko, dahil isipin ko pa lang na hindi ko na makikita ng tuluyan si Jonathan ay parang ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko, kahit ilang beses kong ikaila ang paniwalin ang sarili ko na hindi ko na siya mahal ay hindi pa din mabubura non ang katotohanan na labis ko pa din siyang mahal.

Pasimple kong pinunasan ang nakatakas na luha sa mga mata ko at mas tinutok ko pa ang tingin ko sa labas ng bintana, ayokong makita nito na nasasaktan din ako dahil ito ang dapat na mangyari, pero kahit ganoon ay sobrang sakit pa din.

Pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabang biyahe na naranasan ko dahil sa damdamin na pilit kong tinatago mula dito, sandali kong tinignan sa gilid ng mga mata ko si Jonathan at wala akong mabasang emosyon sa mukha nito marahil ay napagod na din talaga ito.

"Congratulation Dustin you're free." pagak akong natawa sa loob loob ko, dahil ako lang siguro ang taong malaya na malungkot pa din.

Dali dali akong bumaba nang kotse nito at agad kinuha ang mga gamit ko nang makarating na kami sa Caloocan, walang lingon lingon akong naglakad palayo dito patungo sa bahay ni Marvin at pagkalapat na paglapat lang ng pinto ay malayang dumaloy ang mga luha sa magkabila kong mga mata, hinayaan kong tumulo ang mga iyon at umasa akong sana ay mailuha ko na ang lahat ng luha doon at sana ay tuluyan na ding mawala ang nararamdaman kong pagmamahal kay Jonathan, yes I'm still in love with Jonathan pero napapagod na akong laging masaktan nito.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Marvin kung saan ko tinuloy ang walang tigil na daloy ng luha ko, isang desisyon ang kailangan kong gawin at iyon ay ang lumayo sa lugar na iyon, natatakot akong baka hindi ko kayanin ang lungkot at puntahan ko si Jonathan at sabihin dito na magsimula uli kami kahit na nga ba iyon na mismo ang sinisigaw ng puso ko.

Dali dali akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama at agad kong binuhat ang mga gamit kong nakalagay pa din sa bag na dinala ko ng unang lumayas ako para pagtaguan si Jonathan ngunit bigla akong napatigil nang nasa baba na ako ng bahay ang buksan ang pinto ng bahay ng tumambad sa akin si Jonathan at kitang kita ko ang pagod sa mukha nito, sandaling napatingin ito sa mga dala kong mga gamit at sandaling gumuhit ang sakit at lungkot sa mga mata nito na agad din naman nitong naitago.

"I'm just here because you left one of your bag in the car." walang kaemosyon emosyon nitong sinabi at agad itong tumalikod at naglakad palayo sa akin, muli ko na naman naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko ngunit agad ko iyong sinawata dahil kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.

Naglakad lang ako hanggang makarating ako sa kalsada at ilang sandali lang ay may dumaan naman na Taxi na agad kong pinara.

"Saan tayo boss?" tanong ni Manong Driver sandali akong napaisip kung saan nga ba ako dapat na magpahatid dahil ayoko naman na bumalik sa Condo unit na inupahan ko sa Makati.

"Sa Antipolo po tayo." ang sabi ko dito na agad napakamot ng ulo.

"Don't worry dodoblehin ko ang bayad." ang sagot ko dito at hindi ko kailangan magsabi nang dalawang beses at agad na nitong pinaandar ang sasakyan, hindi ko maiwasang hindi mapatingin uli sa pinagmulan ko and again a tear fell from my left eye na agad kong pinunasan, enough tears from just one day thank you very much.

Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung tama ba ang naging desisyon ko ngunit, gulong gulo na ang isip ko at ayoko naman na mapag-isa dahil baka kung ano pa ang maisip kong gawin kaya kahit nagdadalawang isip pa din ay pikit mata kong sinunod ang desisyon na iyon.

Ilang sandali lang ay nasa kahabaan na kami ng EDSA patungo sa bandang Cubao kung saan kami dadaan patungo sa Antipolo kung saan ang bahay na tutuluyan ko, umaasa na lang ako na papayagan ako nitong makituloy nang kahit na ilang araw, maybe I also needed distraction para hindi ko maisip ng minu-minuto si Jonathan and I think he is the perfect distraction.

Sandali kaming tumigil para magpagas and that gave me a chance para tawagan ang cellphone nito ngunit ilang ring lang at napupunta na iyon sa voicemail ng phone nito.

"Kung kailan kailangan naman siya, saka naman hindi siya macontact." naasar kong sinabi at ilang sandali lang ay nagpatuloy na kami uli sa pagbibiyahe, hindi ko na nga napansin kung gaano na katagal ang naging biyahe namin kaya naman nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Manong Driver.

"Sir saan po tayo nandito na tayo sa Antipolo?" tanong nito, sandali akong nag-alangan dahil isang beses pa lang naman ako nagagawi sa bahay ng taong iyon, sandali akong nag-isip ng palatandaan hanggang may makita akong isang tindahan na natatandaan ko na nadaanan ko nang dalhin ako ng taong iyon.

"Liliko po tayo diyan." turo ko sa naturang tindahan at ilang sandali nga lang ay nasa tapat na kami ng bahay na balak kong puntahan, matapos magbayad ay bumaba na ako at naglakad na ako palapit sa pinto.

Isa munang mahabang paghinga ang pinakawalan ko bago ako nagkalakas ng loob na kumatok s naturang pinto.

"Sandali lang." narinig kong sigaw sa loob at bahagya akong nakahinga ng maluwang nang malaman kong nasa bahay naman pala ito at ilang sandali nga lang ay tumambad na sa akin ang taong kailangan ko ngayon.

"Dustin?" takang takang tanong ni Andrei nang mapagbuksan ako nito at sandali lang din ay napatingin naman ito sa mga dalahin ko.

"Can I stay here for few days please?" tanong ko dito sabay tulo ng mga luha ko.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon