Living With Andrei Montevista

6.9K 202 6
                                    

Magandang umaga ulit guys ito drafting na naman for Learn to Love Again malapit lapit na din matapos ang story na ito kaya sana'y patuloy niyong suportahan, ngayon makikituloy na si Dustin sa bahay ni Andrei may mabubuo bang something sa pagitan nila at mababaling na ba ang damdamin ni Dustin sa binata abangan......

Picture of Andrei Montevista on the right=====>>>>>>>>

Song is Without You by Karylle

===============================================================================

CHAPTER TWENTY NINE

Dustin's POV

"Stay as long as you want." seryosong sinabi sa akin ni Andrei nang makapagsettle na ako sa bakanteng kuwarto na inayos pa nito matapos kong makiusap dito na makituloy ako sa bahay ng ilang araw, minabuti kong dito na muna ako makituloy dahil ayoko munang mapag-isa.

Agad naman ako nitong tinaggap sa bahay nito at ngayon nga ay tutuloy ako sa isa pang bakanteng kuwarto nito.

"Maraming salamat talaga Andrei." nakangiti kong sinabi dito.

"No worries, anything that I can do to help, I'm happy to do it for you, specially for you." makahulugan nitong sinabi, hindi ko na masyadong nabigyan nang atensyon iyon dahil bigla akong nakaramdam nang antok marahil na din siguro sa pagod at stress sa mga nangyari nitong mga nakalipas na mga araw at kahit sa panaginip ay patuloy pa din akong sinusundan ng mga ala-ala ni Jonathan.

Madilim na nang magising ako at nang bumaba ako sa kusina ay nakita kong abalang abala sa paghahanda ng dinner namin si Andrei at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ngiting nakaguhit sa mga labi nito.

"Oh gising ka na pala, tara tapos na din akong magluto kaya puwede na tayong kumain." nakangiti nitong sinabi and somehow it suprises me dahil kakaibang Andrei ang nakikita ko ngayon wala na ang masyadong mapagbirong Andrei na kilala ko na madalas ay nakakapikon, ang kaharap ko ngayon ay isang mapag-asikasong binata.

Magiliw na magiliw pa din ito habang inaasikaso ako nito na labis kong naappreciate dahil ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nito kahit na nga ba hindi pa naman kami masyadong matagal na naging magkaibigan, at kahit na nga ba kaibang kaiba ang kinikilos nito sa una kong nakilala.

"Maraming salamat, ikaw kumain ka na din." nakangiti kong sinabi dito at masaya nga naming pinagsaluhan ang mga hinanda nito, hindi ko na naman maiwasang isipin si Jonathan lalo na't ito ang madalas na naghahanda ng makakain namin at mukhang nahalata naman ni Andrei ang biglang pagbabago ng mood ko kaya naman nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko at nang tingalain ko ito ay kita ko ang pang-unawang gumuhit sa guwapo nitong mukha.

"Magiging maayos din ang lahat Dustin, it will just take time." nakakaunawa nitong sinabi, sabay hawak sa kamay ko at banayad nito iyon pinisil.

For some reason the way he touched me made me feel uneasy, nakaramdaman ako ng kakaibang kilabot not in a good way.

I smiled at him ackwardly at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin, sandali muna kaming nagkuwentuhan sa labas ng bahay nito, meron kasing maliit na hardin sa tapat ng bahay nito, masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin nang gabing iyon, maliwanag ang kalangitan ng dahil sa mga bituin at sa bilog na bilog na buwan.

"Kamusta naman ang negosyo mo?" tanong ko dito nanatili pa din akong nakatingin sa kalangitan, naalala ko kasing may bar ito sa Timog kung saan ako sumakay sa motor nito nang hinahabol ako ni Jonathan, thinking about it made me smile because of my sillyness.

"Maayos naman ang negosyo ko doon, everything is going smoothly." sagot nito, ramdam kong nakatingin ito sa akin ngunit mas pinili kong huwag na lang iyon pansinin, I know may gusto ito sa akin, maaring hula ko lang iyon o baka naman nagiging conceited na ako pero nararamdaman ko na may something ito sa akin but now wala akong gustong gawin ngayon kung hindi ang makapagmove on at ayokong gumamit ng tao para maging rebound para lang magamit ko.

"How are you?" akala ko ay mananatili na lang itong tahimik kaya naman bahagya akong nagulat ng marinig ko itong magsalita.

"I'm ok maayos naman ako, I'm healthy." sagot ko dito kahit na nga ba alam ko naman kung ano ang nais nitong itanong.

"You know what I mean, I'm talking about what's inside you." diretso nitong tanong at muli ay naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko na pilit kong binabaon sa kaloob looban ko, hindi ko kailangan nang awa kahit an kanino pero tingin ko ay kailangan kong magpaliwanag dito dahil nakikituloy ako dito.

"I'm going to be better Andrei don't worry." pilit na ngiti kong sinabi dito, naramdaman ko na lang ang pagtabi nito sa akin, at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito sa balat ko at kung kanina ay medyo nailang ako ngayon naman ay parang masarap sa piling na malapit ito, ito naman ang dahilan ko kung bakit ako lumapit dito at iyon ay para hindi ako mapag-isa sa pinagdadaanan ko.

"Always remember Dustin, I will be always be here for you." madamdamin nitong sinabi, bigla tuloy dumapo ang tingin ko sa mga mata nito at kita ko ang sinseridad sa mga mata nito sa sinabi, unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko hanggang isang ilang pulgada na lang ang layo ng labi nito sa labi ko, amoy na amoy ko ang mabangong hininga ng binata na nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot.

"I'm sorry." hingi ko nang paumanhin nang bigla kong iiwas ang mukha ko dito, dahil talagang hindi pa ako handa sa kahit na anong relasyon lalo na't masyado pang durog ang puso ko and I don't want to be romatically involve to anyone na ganoon ang puso ko.

"I understand Dustin, I'm willing to wait that's how much I like you." nakangiti nitong sinabi at kahit nararamdaman kong may gusto ito sa akin ay kakaiba pa din kung maririnig mo ang bagay na iyon, what I heard is quite pleasant but it doesn't reached my heart, marahil siguro dahil nga masyado pang maaga pero alam kong dadating din siguro ang panahon na makakalimutan ko din ang pag-ibig ko kay Jonathan at maibabaling iyon kay Andrei.

"Kung dalawang taon nga hindi nawala ang pag-ibig mo kay Jonathan, how can you be so sure na dadating ang panahon na iyon?" kausap nang kabilang isip ko, ngunit alam kong ang dahilan niyon ay dahil hindi ko binigyan ang ibang tao na makapasok sa puso ko para pumalit sa puwang ng pag-ibig ko kay Jonathan.

And looking at Andrei alam kong hindi malabong mahulog ang loob ko sa binata, marahil ay talagang playful at mapagbiro siya pero kapag nagseryoso na ito ay talagang hindi mo maiiwasang hindi mahulog ang loob mo dito.

Matapos ang naging pag-uusap namin na iyon ay nagpasya na akong matulog, nagpaiwan naman si Andrei sa labas at sinabing magpapahangin muna siya nang ila pang minuto.

Agad akong umakyat sa second floor ng bahay ni Andrei at hindi ko naiwasang hindi mapadaan sa kuwarto ng binata and a plain smile appeared in my lips nang maalala ko ang araw na dinala ako nito sa bahay nito, I can still remember the time when he offered me his hotdog which turned out to be the tendy juicy hotdog and not his "his hotdog"

"Maybe....... just maybe.... maybe Andrei Montevista is the right person for me." umaasa akong mangyayari nga iyon at pilit kong iniignore ang pagtutol ng puso ko sa naiisip ko. Which I just shrugged, minsan ko nang sinunod ang puso ko kaya this time isip ko naman ang susundin ko.

I was about to open the door nang sakto naman na umakyat na din pala si Andrei at naaktuhan ako nito na bubuksan ang pinto nito.

"May kailangan ka ba Dustin?" nakangiti nitong tanong sa akin habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa door knob ng pinto ng kuwarto nito.

"Uhmmm wala naman, sige goodnight." natataranta kong sinabi dito at dali dali kong binitawan ang doorknob ang nagmamadaling pumasok sa kuwarto ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagiging pakielamero ko kasi naman kahit welcome ako sa bahay ni Andrei ay hindi ibig sabihin basta basta na lang ako papasok sa kuwarto ng may kuwarto, nakalimutan ko na ba talaga ang salitang privacy.

Pinilit ko ang sarili kong makatulog ng mga oras na iyon at bandang alas dos nang madaling araw nang dapuan na ako ng antok.

Kung sana nga lang kinabukasan ay mangyari na ang gusto kong mangyari......

Sana.........

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon