Stranded

7.2K 235 12
                                    

Gandang gabi madlang pipol ito drafting na naman kaso parang inaantok na kaya malamang sa malamang bukas ko pa ito mapopost pero pipilitin ko :)

Picture of Jonathan Montero on the right====>>>>>

Song is Stranded by Plumb

===============================================================================

CHAPTER TWENTY FOUR

Dustin's POV

"Bakit mo to nagawa Jonathan?" tanong ko dito dahil hindi ko inaakalang magagawa sa akin ito nang binata dahil wala sa ugali nito ang gumawa nang ganitong bagay.

"Dahil sa pagmamahal ko sayo." madamdamin nitong sinabi, hindi ko napigilan ang kamao kong dumapo sa mukha nito.

"Dustin......" nauutal nitong sinabi marahil ay hindi nito inasahan na magagawa ko siyang saktan pero pucha lang sobrang sakit na ang nagawa nito sa akin so hindi naman sigurong masamang maramdaman din nito ang masaktan.

"Love? What do you know about love Jonathan? Don't use a word na hindi mo alam." hindi ko alam kung dahil sa galit o sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib kung bakit malayang tumulo ang luha sa magkabila kong mga mata.

"Don't touch me!" galit kong sinabi dito kasabay nang marahas na pagpunas ko sa luha sa mga mata ko, nang akma itong hahawakan ko, right now all I can feel is hate against him, imbes na masaktan ko siya ulit ay minabuti kong lumabas nang kuwarto at lumabas nang bahay.

"How dare him talk about love gayong alam ko naman na meron siyang babae." sa loob loob ko nang nasa labas na ako nang bahay, that actually confuses me kung ano ba talaga ang relasyon niya sa babaeng iyon. "Why will you bother yourself thinking about it Dustin?" tanong ko sa sarili dahil wala na dapat akong pakialam kung anuman relasyon niya sa babaeng iyon.

"Where the hell am I?" sa loob loob ko nang tuluyan na akong makalabas nang bahay dahil sumalubong sa akin ang isang napakagandang scenery, nasa harap ko kasi ngayon ang isang parang gubat na punong puno nang iba't ibang klaseng puno at halaman, let me correct myself it's not hell it's a paradise, I give Jonathan credit on that.

The place is so surreal, makikita mo lang ang ganitong lugar sa mga movie, pinuno ko nang sariwang hangin ang dibdib ko na sawang sawa na sa polusyon nang Metro Manila.

"Dustin please give me a chance." nagulat na lang ako nang bigla na lang sumulpot sa kung saan si Jonathan at agad nasira ang gumaganda sanang mood ko sa nakikita sa muli kong pagkita sa mukha nito pilit kong iniignore ang traydor kong puso na bigla na lang kumikislop kapag nakikita ko si Jonathan.

"No Jonathan, ako ba binigay mo nang pagkakataon nang halos magmakaawa ako sayo?" nanunumbat kong tanong dito at automatikong gumuhit ang guilt sa mukha nito sa sinabi ko.

Hinintay kog itong magsalita ngunit nanatili lang itong nakayuko kaya naman isang malalim ang ginawa ko bago muling nagsalita.

"Where are we anyway?" curious kong tanong dito kung saang lupalop ba ako nang Pilipinas nito dinala.

"Nasa Zambales tayo ngayon, nasa resthouse tayo nila Xavier." mahina nitong sinabi, at ilang segundo din bago nagregister ang sinabi nito at bigla naman ang naging pamimilog ng mga mata ko sa narinig.

"No shit!" nabibigla kong sinabi bigla tuloy akong sinalakay nang sobrang excitement sa narinig dahil nang kinuwento sa akin ni Marvin ang ginawa dati ni Xavier na pag-aabduct sa kanya ay ginusto ko na talagang mapuntahan ang lugar na ito, naalala ko pang sinabi ni Marvin na may isang maliit na batis sa pinakagitna nang gubat.

PInilit kong huwag ipakita ang excitement na nararamdaman ko sa nalaman, mabuti na lang talaga at nakayuko ito kaya hindi  nito nakikita ang kislap sa mga mata ko.

Kung naging happy ending ang nangyari kela Marvin at Xavier nang pumunta sila sa lugar na ito ay magiging kabaliktaran naman ang mangyayari sa amin ni Jonathan dahil hinding hindi ko na hahayaan itong masaktan pa ako, siguro naman nakaquota na ako sa heartbreak mula rito.

"Wait!" bigla kong nasabi nang may narealize lang akong isang bagay.

"Ano iyon?" sobrang lungkot nang boses nito na para bang sinasaksak ang dibdib ko para dito ngunit kailangan kong magpakatatag.

"Kung resthouse ito ni Xavier ibig sabihin may alam si Marvin sa ginawa mo sa akin?" tanong ko ngunit kahit hindi sumagot si Jonathan ay kitang kita ko na ang kasagutan sa naging reaksyon nito.

Hindi ako makapaniwala na ang pinakamamahal kong half brother ay magagawa ito sa akin kahit na nga ba alam naman niya ang sakit na naranasan ko sa taong ito.

"Don't tell me may kinalaman nga si Marvin sa pagkawala nang passport ko?" muli kong tanong at muli ay nasagot na naman iyon sa naging reaksyon ni Jonathan.

"Shit.... Shit.... Shit!" inis na inis kong sinabi nang paulit-ulit, kung kaharap ko lang si Marvin ngayon ay malamang napatay ko na siya well not really mapatay masasaktan ko lang pero how dare him to this to me.

"Please huwag kang magalit kay Marvin I am desperate kaya naman humingi ako sa kanya nang tulong at naisip nga niya ang ganito." mahina nitong sinabi sa sinabi nito ay hindi pa din humuhupa ang galit sa dibdib ko, dali dali kong kinapa ang cellphone sa bulsa nang pantalon ko at nakahinga naman ako nang maluwag nang maramdaman ko na nandoon pa rin iyon.

"Dustin......" tawag sa akin ni Jonathan na hindi ko pinansin ngunit bigla akong napamuwar nang makita kong wala ako ni isang mang signal, naghanap ako nang lugar na may signal, completely ignoring Jonathan's calling.

"Anuba namang lugar na ito wala man lang ako makuhang signal." frusrated kong sinabi dahil ilang beses na akong umikot pero wala pa din akong nakukuhang signal.

"Uhmmm... iyon nga ang kanina ko pa sana gustong sabihin sayo, wala talagang signal sa lugar na ito." sagot nito kasabay nang pagkamot ng ulo.

I counted from one to ten para patayin ang iritasyon na nararamdaman ko at mukhang nagwork naman dahil kalmado na ako nang muli akong nagsalita.

"Well that's fine since makakapaghintay naman ang pakikipag-usap ko kay Marvin ang mahalaga ay makaalis na tayo sa lugar na ito." sinabi ko dito pilit kong hindi pinansin ang panghihinayang dahil gusto ko talagang malibot ang buong paligid kung saan nabuo ang pag-iibigan nila Marvin at Xavier pero hindi ko makakayanan na makasama si Jonathan kahit isa man lang gabi.

"About that......" sinabi nito na pinutol pa talaga ang sasabihin sabay turo sa gulong nang kotse nito at parang sasabog ang dibdib ko sa inis nang makita kong flat ang gulong nang kotse.

I counted from one to ten again and decided to walk ngunit papasok pa lang ako sa naturang gubat ay sumalubong sa akin ang isang ahas kaya naman agad akong napabalik sa kinaroroonan ni Jonathan.

"Please don't tell me we're stranded here?" tanong ko dito at hindi ko nagustuhan ang nakita kong reaksyon na naman sa mukha ni Jonathan.

"Oh my..... I cannot be stranded in this place specially with Jonathan around!!!"

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon