New Guy

8.3K 253 54
                                    

Happy New Year guys!!! Sana maging mas maganda ang susund na taon para sa ating lahat :)

By the way pagpasensyahan niyo na ang kanta napagtripan lang hehehehe

Picture of Andrei Montevista

Song is Jumbo Hotdog by Masculados

===============================================================================

CHAPTER NINETEEN

Dustin's POV

Bahagya akong napangiwi nang bigla akong makaramdam nang sakit sa ulo nang sinubukan kong bumangon, minabuti ko na munang bumalik sa pagkakahiga habang mahigpit na nakapikit, pilit kong inaalala ang nangyari, bigla kong naalala si Jonathan kaya naman agad akong napabangon ngunit laking gulat ko nang makita kong underwear ko lang ang suot ko, bigla akong sinalakay nang takot and a certain dejavu dahil parang nangyari na sa akin ang bagay na ito.

Inikot ko ang mga mata ko sa buong kuwarto na masasabi ko ay hindi basta basta, magaganda ang mga gamit sa loob ng kuwartong ito na halatang pinagkagastusan ngunit gusto kong batukan ang sarili dahil sa mga oras na ito iyon pa talagang naiisip ko kaysa hanapin ang lalaking tumulong sa akin.

Sinubukan kong hanapin ang mga damit ko ngunit kahit anong gawin kong paghahanap ay wala akong nakitang kahit na anong damit na suot ko kagabi.

Bigla akong napabalik sa kama nang biglang bumukas ang pinto at niluwa non ang isang lalaki at halos malaglag ang panga ko nang tuluyan kong makita ang itsura nang taong tumulong sa akin.

"Shit am I in heaven right now? Bakit parang bigla akong nakakita nang anghel na hunk?" sa isip isip ko nang makita ko ang itsura nito, kagabi kasi ay natatakpan nang helmet ang ulo nito kaya hindi ko nasipat, ngayon ko nasisiguradong magaling akong makahanap nang guwapo.

"Mabuti naman ang gising ka na." nakangiti nitong sinabi na lalong nagdagdag sa angking kaguwapuhan nito, kaiba kay Jonathan na parang laging seryoso nito naman ay parang madali ang ngiti para dito.

"Don't you know how to knock?" pilit kong nilalagyan nang inis ang boses ko para itago ang nararamdaman kong paghanga sa lalaking nasa harap at bigla naman nawala ang pagkakangiti nito na agad kumunot ang noo.

"Sorry akala ko kasi kuwarto ko to, oh wait kuwarto ko nga to." sarcastic nitong sinabi sabay bato nang mga hawak nitong damit na agad kong nakilalang damit ko pala.

"How noble of you to take off my clothes at labhan, maraming salamat." ganti ko naman dito, naiinis lang ako dito dahil kung guwapo ang itsura nito ay kabaliktaran naman ang ugali nito. "Magkaibang-magkaiba talaga sila ni....." ngunit agad kong pinutol ang pag-iisip na iyon dahil ayokong saktan ang sarili ko na naman.

"Kung tapos ka nang tumunganga diyan ay maari ka nang magbihis unless kung gusto mo pang bihisan kita na ok lang naman sa akin, promise walang malisya." sagot nito na talagang hinagod pa ng tingin ang katawan ko para tuloy walang nakatakip sa katawan kong kumot sa paraan nang pagkakatitig nito.

"Walang malisya your face! Layas!" sigaw ko dito na tinawanan lang naman nito nang malakas na para bang sinasadya nitong inisin ako.

"Bilisan mong magbihis para matikman mo na ang hotdog ko, tender juicy!" sigaw nito na nagpailing na lang sa akin.

Dali dali akong nagbihis nang mga suot ko sa takot na baka bumalik pa ito at totohanin ang sinabi nitong siya mismo ang magbibihis sa akin, bigla akong napatigil habang hawak ang damit na nilabhan nito, alam kong mabuting tao ang lalaking iyon masyado lang talaga itong maloko.

Matapos ang limang minuto ay agad akong lumabas sa kuwarto nito nilakad ang patungong hagdan, dalawang palapag ang buong bahay na napipinturahan nang puti at kahit saan ka tumingin ay makikita mo ang mga high end na kagamitan dito, sa paglalakad ko ay wala akong nakakita o nakasalubong na taon which made me think na baka mag-isa lang itong naninirahan sa bahay na ito.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon