The Wedding

13.6K 339 37
                                    

Hi guys nakakatuwa naman ang dami na agad reads nang bago kong story na Learn to Love Again na love story ni Dustin and Jonathan... Si Dustin ang half brother ni Marvin sa ama.

Picture of Marvin Santillan on the right====>>>>>>

Song is You're My Home by Lea Salonga

===============================================================================

CHAPTER TWO

Dustin's POV

Limang araw na din ang nakakalipas at finally dumating na ang pinakahihintay na araw ni Marvin at ni Xavier which is ang kasal nila.

"Relax Marvin." natatawa ako habang palakad lakad ito sa kuwarto namin, napagdesisyunan kasi nang dalawa na sa Baguio magpakasal since may paring nagkakasal nang same sex.

"Pano akong makakapagrelax Dustin, araw nang kasal ko dapat ko bang isukat ang damit ko para masigurado kong kasya pa sa akin, wait may pamahiin nga palang bawal magsuot nang damit pangkasal pero consider ba ang pamahiin na iyon sa same sex marriage?" tuloy tuloy nitong pagsasalita.

Talagang kitang kita ko kung gaanong tense ang nararamdaman nito at pinigilan ko ang sarili kong tuluyang matawa dahil nakakaawa din naman ito.

Tumayo ako mula pagkakadapa ko sa kama at naglakad palapit dito, nasa harap ito nang salamin trying to check every detail sa susuotin nito sa kasal.

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya, nasa likod ako nito at nakatingin ito sa akin mula sa salamin.

"Relax Marvin, take a deep breath and just think about Xavier, because I'm pretty sure walang iniisip na iba si Xavier kung hindi ikaw lang, ang araw na ito ay para sa inyong dalawa, and besides kapag nagsolo na naman kayo I don't think magtatagal pa ang suit na susuotin mo." panunudyo ko dito at natatawa pa din ako dahil kahit ilang taon na silang magkarelasyon ni Xavier and I'm pretty sure may nangyari na ay namumula pa din ang mukha nito sa hiya.

"Shut up Dustin!" naiirita nitong sinabi sa akin na tinawanan ko lang.

Bumalik na ako sa pagkakadapa sa kama ko and was about to check my phone when we heard someone knocking at the door at nang buksan iyon ni Marvin ay narinig ko ang malakas na tili nang isang babae and saw Marvin's bestfriend na si Julia.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa naging infatuation ko dito two years ako nang magbakasyon ako sa Pilipinas.

Still pretty as ever, no wonder nagkacrush ako dito unang beses ko pa lang nakita ang dalaga.

"Marvin!" malakas na tili nito at agad yumakap ito sa kapatid ko.

"Juls thank God dumating ka na, I really miss you." masaya namang sinabi ni Marvin, mukhang nakalimutan na itong nasa loob pa ako ng kuwarto.

"Siyempre naman, hinding hindi ko papalampasin makita ang kasal nang bestfriend ko." sinabi naman nito at finally napansin nito na aside sa kanilang dalawa ay may kasama pa silang ibang tao.

"Oh hi Dustin! Long time no see." nakangiting bati nito sakin na lumapit pa para halikan ako sa pisngi.

"Hello din Julia, kamusta ka na?" tanong ko dito at natawa ako sa naging reaksyon nito dahil marahil na hindi nito expected na marunong na akong magtagalog.

"Woah nagsasalita ka na nang Tagalog." still disbelief in her voice.

"Yes nag-aral akong magsalita ng tagalog nang bumalik ako sa Canada two years ago." paliwanag ko dito, at minabuti ko nang magpaalam sa dalawa dahil alam kong madami pa silang catching up to do.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon