Home Sweet Home

10.7K 320 41
                                    

Hi guys gandang gabi, kailangan kong matapos itong chapter na ngayong gabi kasi aalis kami papuntang Zambales and 2 days din akong hindi makakapag update kaya kailangan matapos to hehehe

No choice na si Dustin kung hindi mag stay sa Pilipinas dahil sa "pagkawala diumano nang kanyang passport"

Picture of Dustin Wills on the right====>>>>

Song is Tamang Hinala by Sisa of Crazy as Pinoy

===============================================================================

CHAPTER FOUR

Dustin's POV

Wala na akong nagawa kung hindi dumiretso papuntang Caloocan sa bahay nila Marvin nang maihatid ko ang Dad ko, Tita Anita and Maggie.

Malakas pa din ang hinala kong si Marvin ang may kagagawan kung bakit hindi ako makakaalis nang Pilipinas pero kung bakit ay hindi ko alam.

Gamit ang susing binigay sa akin of course galing kay Marvin ay binuksan ko na ang pinto nang bahay at dali dali kong ini on ang ilaw sa bahay.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang makita ko ang loob nang bahay, halos walang nagbago simula nang huling beses akong nagstay sa bahay na ito, it brings back memories, happy and sad.

Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog matapos kong ilagay ang gamit ko sa aparador sa kuwarto ni Marvin.

Kinabukasan ay ginising ako nang tilaok nang manok na pinagtaka ko.

"Kailan pa nagkaroon nang manok ang kapitbahay namin?" mahinang tanong ko dahil gusto ko pa sanang matulog ngunit nagtataka ako dahil wala akong natatandaan na may manok ang mga Brosnan ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay saka ko lang narealize na wala nga pala ako sa Canada kung hindi nasa Pilipinas.

Medyo napasarap ako nang tulog dahil nakita kong alas ocho na pala nang umaga kaya matapos kong ligpitin ang pinaghigaan ko ay dumiretso ako sa kusina para tignan kung may makakain ba ngunit tulad nang inaasahan ay walang supply sa kusina dahil nga simula nang lumipat si Marvin sa condo ni Xavier ay wala nang tumira sa bahay na ito.

Naramdaman ko na ang pagkalam nang sikmura ko kaya naman lumabas ako nang bahay at naglakad lakad, kung walang masyadong nagbago sa bahay nila Marvin ay malaki na din ang pinagbago nang lugar, may mangilan ngilang nakakakilala sa akin na bumabati at nagugulat sila nang nalalaman nilang marunong na akong magtagalog.

Bumili lang ako nang pancit canton at tinapay para sa almusal ko at balak kong pumunta sa mall para bumili nang supply, tutal naman mag sstay ako dito nang matagal eh di ihanda ko na ang kakailanganin ko.

Pagkauwi ko nang bahay ay agad akong nagsalang nang pot na may lamang tubig mabuti na lang talaga ay meron pang laman ang tangke nila.

Matapos ang ilang minuto ay naluto na din ang noodles ko medyo nadismaya lang ako dahil mukhang nasobrahan ang niluto ko kaya medyo malabsa pero no choice naman ako and was about to eat nang marinig kong may kumakatok sa pinto.

"Oh good morning Julia, can I help you?" nakangiti kong sinabi dito nang mapagbuksan ko ito nang pinto.

"Magandang umaga din Dustin, nasabi na kasi sa akin ni Tita Anita na mag sstay ka daw muna dito kaya naisipan kong dalhan ka nang almusal." nakangiti nitong sinabi at saka ko lang napansin ang hawak nitong fried rice at longganisa at natakam naman ako sa dala dala nito.

Pinatuloy ko ito at sabay kaming pumasok sa kusina at nakita kong pinigilan lang nito ang sariling matawa dahil sa kinalabasan nang pancit canton ko kasi nagmukha itong mushed potato.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon