Meeting Alexander Villanueva

8.5K 266 48
                                    

Hi guys chapter seventeen of Learn to Love Again and we have a special guest for this chapter sa mga nakabasa nang May Itsura ito na iyong chapter thirty six of May Itsura :)

Pansin ko lang puro SM ang mga nasa stories ko na mall dapat siguro hingi na ako ng bayad sa SM for free advertisement hahaha joke lang

Picture of Alexander Villanueva on the right====>>>>>

Song is I Found You by The Fray

===============================================================================

CHAPTER SEVENTEEN

Dustin's POV

Kanina pa akong gising ngunit hindi ko naman alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon, biglang kong naisip na maligo nang umagang iyon, alas ocho pa lang kasi nang umaga and for some reason matapos makapag-ayos nang sarili ay naisipan kong sumakay nang LRT, at nagulat na lang ako nang marealize kong papunta na pala ako nang Caloocan dahil sa sinakyan ko.

Kahit piling kong pinapaalala sa sarili ko na hindi tama ang ginagawa ko ay hindi ko pa din mapigilan hindi naisin makitang muli ang mukha nang taong minahal ko at nanakit sa akin, ganoon yata siguro kapag nagmamahal nagiging masokista sa pag-ibig, ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko doon si Jonathan pero ang sabi naman niya sa akin ay dalawang araw lang ito mawawala dahil sa negosyon.

"Yeah right negosyo daw." sarcastic kong sinabi sa sarili ko dahil hindi naman pala business ang inaatupag nito sa Manila kung hindi ang babaeng iyon, kapag naalala ko na naman ang nakita ko ay biglang kumukulo ang dugo ko, parang mas maayos nang iyon na lang ang maramdaman ko kaysa ang sakit dahil mas madaling ihandle sa part ko ang magalit kaysa sa masaktan.

Iningatan kong walang makakita sa akin at baka may magsabi kay Jonathan. "Alam na kaya niyang umalis na ako sa bahay nila Marvin?" I wonder kung ano kayang magiging reaksyon nito, mag-aalala ba ito o baka magagalit na naman ito sa akin, o baka naman wala na itong pakialam sa akin kahit na anong gawin ko, at agad ang sakit na naramdaman ko nang maisip kong baka iyong huli ang posibleng naging reaksyon ni Jonathan.

Pasilip silip ako sa likod nang poste na katapat nang bahay nila Jonathan hanggang tuluyang lumabas si Jonathan at kahit galit ako dito ay hindi ko pa din mapigilan parang mapatalon ang puso ko habang nakatingin sa guwapong animal na ito na nagnakaw nang puso ko at ayaw nang ibalik.

Para namang may mga isip ang paa ko na kusang kumilos ngunit para akong tinulos sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kasunod nito sa loob, hindi ako makapaniwalang kasama niya ang babaeng ito.

Hindi ko na kayang makita pa silang magkasama kaya dali dali akong umalis sa lugar na iyon at nangako na ako sa sarili kong hinding hindi na ako magpapakita kay Jonathan, hindi ko na hahayaan ang sarili kong masaktan pang muli nang dahil dito.

Hilam sa mga luha ay sumakay ako nang Taxi at nagpahatid ako sa SM Megamall dahil ayoko munang umuwi dahil na din mas lalo akong maaawa sa sarili ko, imagine the proud Dustin Wills basta pinapaiyak na lang nang ganito, hindi ako ganito sa iba kahit na nga ba nang maghiwalay ang mga magulang ko ay hindi ako umiyak nang ganito tanging kay Jonathan lang na wala nang alam kung hindi saktan ako.

Sa paglalakad kong iyon ay isang imahe ang natamaan nang paningin ko kaya naman dali dali akong lumapit dito.

"Alex?" tanong ko dito kahit na nga ba siguradong sigurado akong ito na nga ang kaibigan ko.

"Dustin!" nagulat na lang ako nang marinig ko ang pangalan ko mula dito kahit na nga ba hindi pa ito humaharap sa akin.

"Pano mo agad akong nakilala?" nagtataka kong tanong dito nang sa wakas ay humarap na ito sa akin.

Learn To Love Again (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon