Epilogue

6.4K 181 21
                                    

EPILOGUE


May hawak akong pulang rosas at isang necklace ngayon kanina pa ko antay ng antay kay Chad ang tagal kasing dumating kanina niya pa ko pinaghihintay. Nandito rin sa tabi ko si Wheyi dahil hinila ko sIya dahil kinakabahan ako.

Nahagip ng mata ko si Chad at kumaway siya sa Akin sabay senyas doon sa babaeng dumadaan sa oval. Tumango naman ako pabalik dito at hinintay muna yung iba sa akin. Then when it's me and Wheyi's turn eh agad kong ibinigay ang rosas at yung necklace sa babae. Mukha pa siyang gulat na gulat kanina pa. And then that when Chad appear holding an acoustic guitar singing superman. Kung ako siguro ang nasa nakatayuan ng babae eh mangingisay ako sa kilig lintek nakakainlababo yung boses ni Chad.

"Tama na hindi ka dapat sa kaniya kiligin." At umakbay ito sa balikat ko. Hindi naman tirik ang araw pero nakashades ito ng itim. Lumingon naman ako sa tabi at wala na si Wheyi mukhang magkasama na sila ni Kiro. Well, they are officially a couple.

"Eto naman selos agad" At ngumisi pa ako. "That girl is lucky having Chad hindi ko alam na magiging maayos din ang lahat. He moved on and thank God hindi si Sabrina ang nakatuluyan niya or else I'll sell my soul to the devil para lang paghiwalayin sila." at tumawa pa ako

"And why would you even do something to that extent for Chad, wag mong sabihing may gusto ka sa kaniya?" Pinisit ko naman ang ilong nito dahil sa nagseselos na naman siya.

"Baliw! Ikaw lang sapat na." Natawa pa ako at napangiti rin siya. Nabaling naman ang tingin naming sa gitna ng sumagot yung babae ng oo dito. I'm happy for Chad really really happy. Naalala ko nung nagtapat siya pero nireject ko 'yon sa maayos naman na paraan but he accepted it wholeheartedly kaya thankful ako dahil doon.

"Last week na ng pasukan nakapgdecide ka na kung saang university papasok?"

"Hindi pa nga eh pero nakapagtest na ako. Thank God napasa ko yung dalawang university. Ikaw ba?" Tumawa pa ko dahil napakalaking achievement na 'yon salamat talaga at tinutor ako ni Kurt kung hindi ay wala akong mapapasahan. Eh siya naman kahit saan dahil inborn ang katalinuhan niya kumpara sa akin.

"Kung saan ka papasok doon din ako." Pagkikibit niya ng balikat.

"Hindi naman kita pipigilan kahit saan ka pumasok Kurt."

"Are you pushing me away?"

"Hindi, hindi sa ganoon ayoko lang isipin mo na sinasakal kita at hindi binibigyan ng kalayaaan para mamili."

"Kaya nga malaya ako kaya I'm choosing to be with you at ng mabantayan na rin kita" Umismid naman ako napakaoverprotective talaga.

Naalala ko simula ng sinabi niyang 'let's get married' eh wala na ulit siyang na banggit tungkol doon and I didn't bothered asking him again. Nakakahiya na din kasi. Naging mas maayos ang relasyon naming dalawa at sobrang saya ko dahil ramadam na ramdam kong mahal niya ko. I also talked to Aliena and she's really happy for us.

"Sa susunod nga pala."

"Ano?"

"May surprise ako sayo." At ngumiti ito ng may pagkademonyo. Hindi ko gusto yung mga iniisip nito minsan.

"Ayoko ng mga surpresa lalo na kung galing sa'yo." Inakbayan niya naman ako sabay bulong ng "You'll be really surprised promise." at tumawa pa siya na halos malagutan na siya ng hininga.

Dumaan yung graduation namin and Kurt graduated as the class Valedictorian talaga namang siya na. At dahil diyan nagkaroon ng gathering na hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka bonga. Dyusko eh paano kung grumaduate si Kurt ng suma baka close lahat ng hotel para lang magcelebrate.

Inayusan ako ng isa sa make-up artist ni Tita at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang suot ko, nagtanong naman ako at yun daw yung motif ng lugar kaya 'yon din ang pinasuot sa akin. Nang matapos ako ay sinalubong ako ni mommy na may ngiting tagumpay sa labi niya. What's with the smile?

Dumaan kami sa hallway at hirap na hirap ako sa haba ng suot ko. Bakit kasi hindi na lang cocktail ang suot ko ngayon edi sana ay mas maayos di ba. Pero infairness naman gusto ko 'tong damit. Maganda pumili si Tita ay I mean mommy pala.

Dumiretso kami doon sa may engrandeng pintuan. Iyon ata yung event hall. Ang gara talaga. Kumapit sa akin si mommy at ngumiti naman ako sabay bukas ng pintuan at palakpakan ng mga tao sa loob. The entourage is designed gold and silver. Ang mga tao ay nakahalera sa magkabilang gilid.

Anong meron?

Mula naman sa dulo ay nandoon si Kurt. Nakatayo, nakablacksuit at mukhang kinakabahan. May lumapit sa aking dalawang babae. Nilagyan nila ko ng belo. Napatingin ako kay Mommy at pati na rin kay Daddy na kumapit na rin sa aking braso. Nagbabuffer pa rin sa akin ang lahat.

Naglalakad na kami at hindi ko mapigilang hindi mapanginigan na ngayon ay naiintindihan ko na ang nagaganap. For heaven's sake I'm getting married again without me knowing that this day is my wedding day!  Luminga ako sa mga taong nakangiti sa akin at sa kaila Wheyi, Kiro,Chad, at Lein na girlfriend na ni Chad. Nakangiti sila and Wheyi even gave me two thumbs up.

Hanggang sa hindi ko napansing nasa tapat ko na pala siya. He is grinning from ear to ear like an idiot. Hindi ko mapigilang hindi siya hampasin sa braso.

"What was that for?"

"Loko ka ginulat mo ako! Hindi mo man lang ako sinabihan."

"The it wouldn't be a surprise." At humalakhak pa siya ng mahina. Dad tapped Kurt's shoulder and hug him pati na rin ako, pati rin si Mommy ay ganun ang ginawa. Sila tito at tita rin ay nakipagbeso at yumakap sa akin.

"Take care of my daughter. Huwag mo ulit siyang paiiyakin." Tumango naman si Kurt " Hindi po. Huwag po kayong mag-alala at kung iiyak man po siya ay dahil 'yon sa tuwa." Ngumisi naman si daddy.

Inalalayan niya ko papunta doon sa harapan at umupo na kaming dalawa. I'm so nervous kahit pangalawang beses na rin. Iba pa rin talaga pag nandito na lahat ng importante sayo na saksi sa kasal niyong dalawa.

We exchanged our vows and the ceremony goes on. Hindi ko matanggal ang ngiti sa labi ko.

"You may kiss the bride" Tiningnan ko naman siya ng naningkit ang mata and he just muttered 'what?'

"Just smack Kurt." Tumango naman siya pero nakangisi pa rin.

And the he claimed my lips at hindi lang talaga smack ang ginawa niya. Akala ko nga 'di na matatpos kung hindi pa kami sinuway nung pari. Doon ko napatunayang walang poreber! Charot!

"Paano ba 'yan official na tayo." at ngumisi ito ng makahulugan. Ayoko 'yang tumatakbo sa isip niya. "But first..." May inilabas siya sa bulsa niya "Happy 18th birthday Margo Saxon-Ferrer."

At doon ko lang din naalala na birthday ko ngayon. Nakalimutan ko na dahil graduation lang ang nasa isip ko so kaya pala ang lakas ng loob na pakasalan ako. Ngumiti naman ako at hinalikan ulit siya sa labi pero smack lang. "Thank you!"

"Oy wala na ba kayong balak bumaba diyan?" ang sigaw ni Wheyi at natawa na lang kaming dalawa ni Kurt.


I never expected Kurt in my life, but he came. I was too blinded by my hate towards him. But then destiny is playful, he wants us to enter the game called love.

He wants us to realize that we need each other. That we are meant for each other. That we are destined to be together.

And that game already ended when we both fell in love. No one lose, both of us wins. 

The road maybe rough ahead of us but we will conquer it, not separately, but together, forever.

****


-------------------------

NOTE: YES TAPOS NA SYA *O* *Sabog Confetti*

DONE EDITING. SOFT COPY WILL BE PROVIDED ON MY SITE (SOON). XOXO

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon