Chapter 16 -Pay

4.1K 118 5
                                    

Hellloooo!! Haha dedicated sayo salamat sa pagcomment ^^


Margo's POV

Balak ko pa lang sanang matulog ng magsimula nang mag-ingay ang alarm clock ko. I didn't notice the time. Pusang gala parang bago pa sa isipan ko ang lahat ng nangyari. His touch, his scent, and his kisses, I'm getting insane!

Tinakip ko pa ang unan sa mukha ko at nagpagulong-gulong sa kama. Hindi tama 'to!

Tumayo na ko kahit mukha akong walking zombie ang laki kasi ng eyebags ko. Parang tanga naman akong nag-ala ninja at sinipat-sipat ang paligid.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Saktong pagtalikod ko eh mukha nito ang nadatnan ko. Napaatras tuloy ako at muntik nang matumba pero agad niya naman akong nahawakan kaya hindi natuloy.

"Morning." Nakangiti nitong bati. Hindi ko alam kung nang-iinis siya o ginawa niya 'yon para hindi ako maawkwardan.

"Should I be awkward to you?" Hindi ko alam kung paano ko 'yon nasabi ng diretso. "Ayoko mang ungkatin but what happened last night..."

Hindi ko na nadugtungan dahil hinila niya na ako papuntang kusina kung saan tumambad sa akin ang masarap na agahan.

"Just forget what happened. I don't want us feeling awkward from each other. Lalo na nasa iisang bahay lang tayo nakatira."

Napasangayon naman ako sa sinabi nito.

Humila ako ng isang upuan para makaupo at umupo naman siya sa tapat ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya ng diretso. Pero tama nga naman siya.

"Stop staring at my lips." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Did I just do that? "You look like biting me woman." Natatawa niyang saad.

"Excuse me?!" Pakinote na exaggerated ang pagkakasabi ko niyan. "Huwag kang assuming Kurt!"

"Chill Margo. I'm just kidding." He raise the spoon and started to eat but he's stopping himself from laughing.

"Ang yabang mo ah! Eh ikaw nga 'tong makahalik sa akin kagabi kulang na lang kainin mo ang labi ko!" Ooops! Wrong choice of words. "I mean...argh! Nevermind."

"Okay I won't deny enjoying kissing you." Napalunok ako sa sinabi nito. "But you also did the same thing."

"I did not!"

Nagkibit balikat naman ito. "Sabi mo eh."

Binato ko na lamang siya ng tissue paper sa inis ko na nasalo niya at pinangpunas sa bibig niya sabay lip bite. Oh goodness inaakit niya ba ako?! Hindi ako naakit, swear!

Agad ko namang tinapos ang pagkain at nagmamadaling pumunta sa kwarto para maligo at magbihis. I blow dry my hair that took me enough time to pissed him off.

Mas gusto ko siyang inisin. Nakailang katok pa siya bago ako lumabas at madatnan ang salubong niyang kilay. Kung bakit kasi kailangan naming magsabay ng pasok.

"Ladies and their routines." Mahina nitong bulong nang pababa na kami.

"Sana nauna ka na." Sagot ko naman sa kaniya.

Lumingon siya sa akin and made his way to put his arm on my shoulder. I felt the sudden jolt. Para akong kinuryente. I haven't experienced that feeling before.

"Bilisan mo na lang din."

Hindi na ako nakakibo ng sumakay na kami sa kotse niya. Pinilit ko naman ignorahin ang presensya niya.

"So we are here to play ignore Kurt game."

"Easy, I'm not ignoring you." Tumingin naman siya sa akin na halatang hindi naniniwala. Kasi hindi naman totoo. "So tambay muna tayo dito sa kotse tapos next year na tayo aalis?"

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon