Chapter 3- Oh no!

5.5K 137 3
                                    


Siguro kung may lutang pa na word sa lutang ay ako na iyon. I can't move on remembering na nakuha ng hinayupak na Kurt na iyon ang first kiss. Okay Nagoover react na ako. I know in today's generation hindi na talaga big deal iyon and I'm seventeen years old so it should be okay. As if naman virginity ang kinuha niya sa akin. I can move on.

I can erase it in my mind. 

Hindi naman nakadikit sa noo ko na kissed by a ferrer. Ayoko ding maihilera sa mga babaeng navirusan niya. Paano kung aids carrier ang labi ng lalaking iyon. OMG! Hindi! Hindi naman transferrable ang aids through kiss!

Stop overreacting Margo! You won't think straight kung ganiyan ka ng ganiyan. Hindi ka pa pasado sa Calculus tandaan mo yan. Napasimangot naman ako bigla. Isa pa nga pa lang problema ko ang tagilid kong grades. Actually sa lahat tagilid ako. Pero math yung pinakamalala.

Nawala lang lahat ng iniisip ko ng mapabaling ako ng tingin sa hallway papuntang room ng mga fourth year. I smiled instantly seeing Chad holding his guitar. 

Isa pa yan sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Magaling siyang maggitara at napakaganda ng boses niya. Siguro naman lahat ng babae gustong makantahan ng lalaking gusto nila. 

Naging pamilyar sa akin ang tinutugtog niya. He's singing Bruno Mars Count on Me. Napakalamig ng boses niya kaso medyo patama lang yung lyrics sa akin. Halatang pangfriend zone ang datingan ng tugtuging iyon.

Pumwesto ako ng may kalayuan sa kaniya but just enough to hear his voice.

 Kinikilig ako. Inis.

Napapapikit na ako ng biglang tumigil iyong tugtog. Nagtataka ko naman itong tiningnan at halos gusto kong sapakin kung sinong dahilan ng pagtigil ni Chad. Panira! At kulang pa pala ang sapak ng makilala ko na kung sino.

He deserve to be murdered.

Kahit hindi niya ako nakikita ay talagang tiningnan ko siya nang masama.

Lumapit si Kurt kay Chad na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko naman alam na close pala silang dalawa. Tumawa si Chad sa sinabi ni Kurt pero halatang nainis naman ang isa. 

Tumuwid ng tayo ang dalawa at parang lalong nainis si Kurt kay Chad pero parang tuwang-tuwa pa si Chad sa nangyayari. Nacucurious tuloy ako kung anong meron. Lalapit pa sana ako ng kaunti ng may kumalabit sa akin, kunot noo ko naman itong hinarap.

"Parang ang saya mo ata." Puna ko nang makita ang malapad nitong ngiti. Why do I feel like she's in trouble again? Isa't kalahating tanga pa naman itong babaeng 'to. Real talk yun ah.

"I have a good news." Lumingon muna ako kung nasaan sila Chad kanina pero wala na ang mga ito roon. 

"Spill."

Lalong lumapad ang ngiti niya at parang teenager pang namula. "Kami na ulit."

"Nino?"

"Sino pa ba? Edi si Kurt! We talked earlier and I asked for another chance. I told him I will stop being a nagger. I also promised na hindi ko na panghihimasukan yung mga bagay na bagay na wala naman dapat akong pakielam. And I also promised that I will be a good girlfriend to him."

She's no luck at all.

Hindi maganda ang nadudulot ng katangahan at kamartiran sa kaniya.

"You're making me laugh." Pero seryoso pa rin ako. Sumimangot naman ito sa harapan ko.

"Isn't it great that we reconciled? I mean at least mukhang natututunan na rin akong mahalin ni Kurt. And surely sooner or later he will be completely drown with his feeling towards me. Just support me friend, please?"

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon