Chapter 2- My first kiss

5.8K 152 3
                                    

Napagdesisyonan kong pumasok na lang ng maaga para hanapin 'yong wallet ko sa school, sa canteen, sa hallway o kung saan mang lupalop ng school iyon. Hindi naman siguro pagiinteresan ng iba iyon dahil wala 'yong laman na pera. Iba kasi yung wallet ko na may pera at yung may mga iniipit lang ako na kung ano-ano.

Last resort ko lang siguro ay ipapage 'yon na hindi ko naman iniisip na gawin.

Dumaan na ako sa hallway at nagtanong-tanong sa mga guard na nandoon pero wala daw silang nakita. Nagtry na rin akong pumunta sa lost and found ng school pero wala daw sinurrender na wallet doon. Nandito na ako ngayon sa classroom para tingnan kung nahulog ko ba dito. Yumuko ako para tingnan sa mga ilalim ng upuan. 

"Are you looking for something?" Agad akong napaayos nang tayo ng mapamilyaran ko ang boses na iyon. I can feel my heart beating fast. Calm down heart baka lumabas ka na sa dibdib ko. Pinilit kong ngumiti rito.

"Hinahanap ko yung wallet ko. Mukhang nahulog ko kasi kung saan." Ginaya rin nito ang ginawa ko kanina. 

"Then I'll help you."May ngiting sagot nito. Napaisip naman ako bigla. No the hell way! Hindi niya pwedeng mahanap iyon. 

"Ano... hindi... okay lang. Baka may kaklase akong nakapulot non." Napakagat pa ako sa ibabang labi ko. Sa lahat ng tao 'wag na 'wag lang talaga si Chad ang makapulot non kundi malalagot talaga ako. I swear I'll choose to jump off the cliff than him seeing what's inside of that wallet.

"No. I insist." At dahil makulit siya hinayaan ko na lang na tulungan niya ako. Hindi ko naman mapigilang hindi siya tingnan. Napakagwapo niya talaga! He's the only man I will drool over while staring at. Ganoon siya kagwapo. Though hindi lang naman iyon ang nagustuhan ko sa kaniya.

Basta overall package siya kumbaga. 

"Salamat Chad."

"Thank me pagnahanap ko na." Nakangiti nitong turan and uncosciously, I smiled too. Nakakahatak ang ngiti niya. 

Tumigil na kami sa paghanap ng masiguradong wala iyon dito. Umupo ako at umupo naman siya sa tabi ko. Ang bango bango ng taong 'to parang wala pang libag sa katawan. Napakaunfair nang paggawa sa kaniya.

"Excuse me."  

Napalingon naman kaming parehas ni Chad sa direksyon ng nagsalita. Agad namang napakunot ang noo ko nang makita ang pagmumukha niya. Feel na feel pa nito ang pagsandal sa pintuan habang nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa.

Pwede na siyang pumasang model no joke. 

"You are Margo." Hindi patanong ang pagkakasabi niya nito hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko. 

"I know my name Mr." Agad naman akong napatakip sa bibig ko. I sounded sarcastic and here is Chad who thinks I'm one of those prim and proper wanna be's.  

"So you are that popular Margo. Pati si Kurt kilala ka" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Pakielamn ko naman kung kilala ako ng lalaking 'yan as if ikayayaman ko.

"No she's not." Sagot ng lalaking ayaw ko ng makita kahit kailan. I know him by name and by his reputation.

Kurt John Ferrer ang pangalan nito. Kilala ang pamilya niya sa mundo ng business world dahil madalas kong naririnig ang pangalan ng mga magulang niya sa telebisyon. He's the sole heir of their family so he has that aura of confidence no one can dismissed. At isa pang higit na kilala siya bilang One Day Man.

Noong una hindi ko alam ang meaning non but then rumors are easy to understand when it's widespread. That ODM stands for a man who changes his woman everyday. Ganoon daw ito katinik sa babae. Unfortunately Wheyi was one of his victim. Tumagal sila ng isang linggo na hanggang kiss at holding hands lang. So maybe on the brigther side, hindi niya ginaya si Wheyi sa mga babae niya.

"I found this." Sabay labas niya ng wallet ko. May ID ako sa loob kaya sigurado akong doon niya nakita ang pangalan ko. And don't tell me...

"Did you..." Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng ngumiti ito nang nakakaloko. 

"Yeah." Ano pa bang aasahan mo sa isang pakielamerong katulad niya? He wants his revenge. His pride was stepped on yesterday. "Can you leave as for a while?" Baling tingin niya kay Chad.

Kahit mukhang naguguluhan si Chad ay sumang-ayon din naman ito. Gusto ko sana siyang pigilan dahil ayokong maiwan kasama ang lalaking ito.

"Mauna na ako Margo." Hindi ako nakasagot at nakamasid lang ako kay Chad nang umalis siya.

"So now we are alone." Lumapit naman ako sa kaniya at tangkang kukunin ang wallet ko nang itaas niya ito sa ere na alam niyang hindi ko maaabot. 

Napairap ako sa kawalan. Why it should be him? Sa lahat naman ng pwedeng makapulot ay 'tong lalaki pang ito. 

"Not so fast."

"May balak ka bang ibalik sa akin yan?"

"Ano sa tingin mo?" Pinagmasdan ko na siyang mabuti at alam ko na kaagad ang sagot.

"Iyo na as if naman may pera 'yang laman."

"Wala ngang pera pero..." Binuksan niya yung loob non at kinuha yung isa sa mga papel na nandoon. "I haven't read all but all of this crap says that you're in love with Chad Marquez."

Napatiimbagang naman ako. He's insulting me kahit alam kong walang insulto sa sinabi niya pero sa tono nang pananalita niya ay meron. 

"And so? I don't need any of your opinion." Bakit ba sinasayang ko yung oras ko sa lalaking ito? Eh kung gusto niya naman pala yung mga love letter na nasa loob noon ay ipapakain ko pa sa kaniya iyon.

"You're desperate."

"Maybe I am but..." Tingnan ko muna siya ng masama. "...you don't care."

Napangisi naman ito. "Girls are too easy to be deceived. Paano kung hiningi niya yung katawan mo because he knows na may gusto ka sa kaniya? You will easily give in. Ganiyan naman kayong mga babae, if you want something you'll need to pay it with your body. We, guys, are like shallow waters. We don't need to think things twice just the thought na may gusto kami at kaya namang ibigay ng isa, then we will grabbed it without thinking. Girls wants us so we give them access. Just like you, sooner or later he will want you pero pagnakuha ka na niya, he will drop you like a hot potato sweety."

"Huwag mo itulad si Chad sa'yo!" Naiinis kong saad. Ganiyan lang ba ang tingin niya sa mga babae na bibigay sa kahit anong demand ng mga lalaki? "You are naive, you jerk!."

"It's Kurt call me Kurt sweety." Winagayway nito ang wallet ko sa harapan ko sinubukan kong agawin 'yon sa kaniya pero bigo ako. "Naive me? I've seen many things more than you do, and been through many experiences more than you know." At parang naging double meaning sa utak ko ang sinabi niya.

"Just shut up at ibigay mo na sa akin 'yang wallet ko. I don't have all the time in this world para magsayang ng oras sa'yo."

"Why are you so grumpy?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"If you want to get this, I need to get something from you." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Pera ba?" Ngumisi ito and the next thing he do shocked me.

Nanlaki ang mata ko ng tuluyan kong maramdaman ang labi niya sa labi ko. Oh my goodness! Agad ko siyang natulak at walang babalang naglanding ulit sa pangalawang beses ang palad ko sa pagmumukha niya. He did not. I swear he did not do that!

"That stings lady." Habang sapo nito ang pisngi niya.

"You... " Hindi ko na nasundan ang sasabihin ko sa sobrang galit na namuo sa kaloob-looban ko. "Akin na nga 'yan!" At hinablot ko yung wallet ko sa kamay niya. "I'll kill you next time I'll see you!" I cursed in my mind and killed him a hundred times.

"I can't wait." At yung ngisi niyang iyon, yung ngisi niyang 'yon ang sumira sa buong araw ko. 

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon