Chapter 21-Confrontation

3.7K 109 2
                                    

Margo's POV

Nagising na lang ako ng makaamoy ako ng pagkain at mukhang yung mga anaconda ko gusto ng lumamon kaya bumalikwas ako nang bangon.

Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman yung parang pabarena rito. Sige inom pa kasi akala mo naman lasingera.

"Dahan-dahan lang kasi." nagulat ako ng nakita ko doon si Kurt, nakatayo siya habang nakaapron pa. He looks weirdly hot. OMG! I'm complimenting him again.

Agad akong napaiwas ng tingin. Hindi ko siya kayang titigan kung ganiyan siya. Bakit parang nagkakaroon na ako ng pagnanasa kay Kurt? 

"Bakit nandito ka?" naalala ko nanaman yung nangyari kahapon at kung gaano kahiya-hiya ang mga 'yon. I can't remember everything pero may ilang parts na klarong-klaro sa akin.

"Bahay natin 'to kaya walang masama kung nandito ako." sagot niya naman at kinuha yung tray ng pagkain at gamot. "Ito inumin mo muna pampawala ng hangover. Iinum-inom kasi 'di naman kaya."

Inirapan ko lamang siya. Ang alam ko hindi kami ayos ng taong 'to. Pero anong inaakto niya ngayon?

"Hindi ko alam may pakielam ka pala sa akin. I know you are mad at me so why are you acting like you are concerned about me?" Sana hindi iba ang isagot niya. Sana hindi nakakasakit dahil durog na durog na ako.

"I was mad at you Margo but not anymore." And he smiled, a genuine smile. Hindi ko naman mapigilang mapanganga sa ngiti niyang iyon.

That was too natural and it makes my heart beats faster.

Umupo siya malapit sa akin kaya napaupo ako ng maayos. Kinuha ko yung gamot sa tray na hawak niya at ininom.

"Akin na yung tray." Hindi naman na siya nakipagdebate.

Nakakailang subo na ako ng pagkain ng parang tuwang-tuwa lang siyang nakatitig sa akin. Hirap na hirap tuloy akong lumunok.

"Do you know it's rude to stare?" Napakagat naman ito sa pang-ibaba niyang labi and he smiled devilishly.

"You look cute so I can't help staring at you. One of the reasons why I'm falling in love with you each and everyday." He even tried to take the spoon from my hand. Na nabitawan ko na rin dahil sa direkta niyang pag-amin.

Oh goodness!

Sakto namang may kinakain ako kaya halos nabulunan ako.

"T-tubig." Inabutan niya naman ako.

"Ayos ka lang?" tiningnan ko lamang siya. Did I heard everything clearly? He loves me! Oh gosh I think I'm dreaming!

And I remembered myself confessing to him that night. Hindi ko naman napigilang pamulahan ng mukha.

"You love me?"

"If only you'd heard me confess to you last night."

Natahimik naman ako bigla.

Nakarating kami sa school na hindi nagsabay. Nauna akong umalis sa kaniya pero naabutan niya pa rin ako sa shool gate.

Hindi ko na siya pinansin simula ng oras na 'yon. Not because I am mad at him but because I am too embarrassed on how casual he confessed to me. Parang matagal niya na yung sinasabi sa akin.

Pero nandoon pa rin yung takot na baka joke lang pala lahat at nananaginip ako. Like everything happened was just a product of my extreme imagination.

Pero sana hindi. Sana totoo na 'to.

"Margo!" napatigil ako sa paglakad at nauna pa sa akin si Kurt. Pagtingin ko ay si Wheyi pala iyon.

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon