Chapter 23 -Reflection

4K 119 3
                                    

NOTE: Hey people I'm back I promised to finish this in a much earlier date but unfortunately it didn't happen. Demands are really hard to reach. Anyways hindi ko alam kung kelan to masusundan dahil sobrang dami kong ginagawa. Sama mo pa ang advance reading sa fundamentals of accounting. Impyerno men! Kung may gusto naman kayong iparating well post lang kayo sa MB ko, comment or PM na lang dito ^O^. I will reply as possible as I can.

DON'T FORGET TO VOTE,LIKE,COMMENT,SHARE THE LOVE PEOPLE!!!


Margo's POV

"Hey Kurt! Kurt na seloso! Kurt!" At talagang iniisnob niya ako. Paulit-ulit ko kasing pinapaalala sa kaniya yung kakornihan niya noong nakaraang linggo.

Oo, isang linggo na simula ng nangyari yung pagsuntok niya kay Chad. Naging okay na kami. At mahihiya ang langgam at antik sa kasweetan na meron siya sa katawan. Hindi pa ako sanay inaamin ko, pero masya na ramdam na ramdam ko kung gaano siyang nagbubuhos ng effort at oras para mapasaya ako.

Pareho kaming vocal sa nararamdaman namin. Pero in a way na hindi na kailangang sabihin ang mga katagang I love you o mahal kita.

"Sige ulitin mo pa. Do you really want to see me that jealous, wife?" Nakasunod lamang ako sa likod niya at ngingiti-ngiti. Gusto ko lang siyang pikunin.

"Ang sensitive mo! Mayroon ka ba?" Tumigil naman ito at agad akong hinarap. Parang natigil din ang mga tao kakatsismis sa amin.

"You are pissing me off." Tinitigan ko lamang siya.

Hindi niya ako madadala sa mga ganiyan niya. Hindi naman talaga siya napipikon sa akin. Hinding hindi daw siya mapipikon. Kaya tinatry ko lang kung totoo.

"Really?"

"And I'll give you your punishment Margo." Sabay mabilisan niya akong ninakawan ng halik. Hindi lang ako ang tanging napasinghap maging ang mga tao sa paligid namin.

Nang bumalik ako sa katinuan ko ay wala na sa paningin ko si Kurt. Hiyang-hiya ang buong pagkatao ko sa pangyayari. Tandaan na 'wag na 'wag subukan ang pasensya ni Kurt.

Susundan ko na sana si Kurt ng pigilan ako ni Krissy isa sa mga plastic friends ko. Not the word plastic. Plastic in a way na we call each other friends but deep inside sinasalvage na namin ang isat isa. Hindi ko siya nababangit dahil hindi naman siya mahalaga sa kwento ko.

May plastic na ngiti na nakaguhit sa pulang-pula nitong labi. Binato ko naman ito ng parehas na ngiti.

Hindi maganda sa kaniya ang kulay pula na lipstick mukha siyang nginudngod sa floorwax. Next time sasabihin ko 'yan sa kaniya.

"What a scene. You two are so sweet." She's still smiling. Gusto kong istretch ng tuluyan ang labi niya na sobrang pinigilan ko.

If I remembered isa siya sa mga nilandi ni Kurt. Ngayon ko lang naisip na minsan walang taste yung lalaking'yon at pumatol sa hipon.

"Maybe you are the president of our fans club." Iniwasan kong taasan ito ng kilay. Nakita ko naman ang pagtaas nito ng kilay.

"That's funny Margo." Oo nakatatlo nga ako. Sarap niyang iupper cut. "So ilang araw o linggo ka?"

Nangiinsulto ba siya? So ang tingin niya magiging pareho kami ng karanasan niya. Ulol! Pigil na pigil akong sabubutan siya sa harap ng mga tao. Nakakapangkulo ng dugo.

Sasagot pa sana ako ng may biglang tumawag kay Krissy hipon. Agad nabaling ang tingin ko sa babae and my jaw almost drop. Parang akong hindi makapaniwala sa nakikita ko. Halos magkamukha kaming dalawa!

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon