Chapter 19 -Bitin

4.2K 105 7
                                    


I was awake the whole night thinking if all of what happened yesterday was just the product of my imaginations, pero hindi. Totoo ang lahat ng nangyari.

Totoong sinabi niyang gusto niya ako. Totoong sinabi niya iyon sa harap ng maraming tao.

At totoong hinalikan niya ako na hindi man lang ako nagtangkang manulak.

Nawala lang ako sa iniisip ko ng may kumatok sa pintuan. Bigla naman akong kinabahan sa ideyang harapin siya.

I don't want to avoid him, and why would I avoid him? Wala naman akong ginawang masama at wala rin siyang ginawang masama.

Tumayo ako at dahan-dahang pinuntahan ang pintuan. Unti-unti ko rin iyong binuksan para makita lamang ang pagmumukha nito. At bigla akong kinabahan kaya't sinara ko ulit ang pinto. Oh goodness hindi ko pa ata siya kayang harapin!

"Margo, really? Open the damn door!" medyo inis nitong sabi.

"Ayoko." Pagmamatigas ko. Ayoko talaga. Bahala siya diyan basta hindi ko 'to bubuksan at magkukulong lang dito hanggang maprocess sa akin ang lahat.

"And why not?"

"Because..." Napasandal ako sa pinto at parang timang nagwalling sabay upo ay yakap sa dalawa kong tuhod. "...I'm scared Kurt."

"Of what?" Ramdam ko ang seryoso nitong tinig. I am scared of everything Kurt.

I am really am.

"Of all. Of you, of me, of my feelings, I am damn too scared." Narinig ko ang pagbuntunghininga niya.

"Open the door Margo." Nagdadalawang isip pa ako pero walang masosolusyonan kung magtatago lang ako rito.

And I did open the door.

I saw his face and I can evidently see how worried he is right now.

"Don't be. I'm here."

Hindi na ulit kami nag-usap pagkatapos non. He readied the car outsiide at ako naman ay inayos ang sarili ko para sa pagpunta sa eskwelahan.

Sumakay na ko pero imbes na sa tabi niya umupo ako doon sa back seat. Pero nagulat ako ng lumabas siya at binuksan ang pinto sa side ko at hinila ako palabas.

"Stop the nonsense Margo. I want us to talk."

Hindi naman ako nakapalag at umupo na lang sa passenger seat. Sumakay na rin siya at pinaandar na yung kotse. Hindi maiwasang mapabuntunghininga.

"About what happened yesterday, let's forget about it." Dirediretso kong salita.

"Ayoko." Diretso naman itong nakatingin sa kalsada. "Yesterday was surreal. Hindi mo pwedeng hilinging kalimutan ko na lang 'yon dahil mahalaga ang araw na 'yon para sa akin Margo."

I feel my cheeks burning. Kurt is being too straightforward na hindi ko inaasahan.

"I don't know."

"Because you only consider yourself Margo. I know you are scared. I know you so much that I am scared too. You know why? You might one of this day leave me hanging."

"I am..." Bigla akong napabuntunghininga dahil alam kong maaari ko iyong gawin. "...I don't know you as much as you know me."

Sakto namang traffic kaya mas mahaba ang moment of silence naming dalawa.

"This is me Margo. Wala na kong itinatago pa sa'yo. I was a womanizer, was Margo. I may not be the ideal man you dreamed of, I can be the man who can be with you. I may not be deserving of you but I'll try to be one. I'll try everything just for you."

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon