Chapter 17 -Annoying

3.8K 100 6
                                    


Margo's POV

"You need to substitute the y value to get the proper equation." Hindi ko mapigilang mapahikab habang dinidiscuss sa harap ang kahalagahan ng x at y sa buhay ni Math.

Hindi naman ako pakielamera kaya hahayaan ko na ang ibang problemahin 'yon.

Nakailang hikab na rin ako ilang palit pwesto para maging kumportable sa inuupuan ko. Hindi ko alam kung bakit attentive masyado ang section one eh samantalang parang naghohomely naman si ma'am sa harapan. Yung ibang kaklase ko nga ay parang naging instant artist sa pagdodoodle nila sa mga notebook nila.

"Psh coo coo brain!" pabulong sa salita ni Kurt. Talimpandas ang hayop. Talagang iniinsulto ang kakarampot kong utak.

"Margo!" tawag niya ulit na ipinagkibit balikat ko lamang.

"Margo." At may kasama nang kalabit ngayon. Konti na lang maaupper cut ko na siya. "Pangit."

And he already reached my limit. Dahan-dahan akong luminga sa kaniya kalakip ang nakakamatay na tingin.

"Gusto mo bang masapak?" medyo napalakas ata yung volume ng bunganga ko dahil nagtinginan silang lahat sa akin. Maging ang teacher sa harapan ay nakatingin sa akin na naniningkit ang mata.

"Yes Ms. Saxon any question regarding this?" Nag-isang linya ang labi ko at binalingan muli ng tingin si Kurt na nakangisi na ngayon. Kasalanan niya 'to!

"W-wala naman po."

"Then answer this problem on the blackboard!" sabi pa nito.

The hell?! Ni hindi ko nag inintindi lahat ng tinuturo nito kanina. At sabi ko nga hindi ko na poproblemahin ang problema ni Math pero ngayon pinapasa sa akin ang sakit ng ulo!

Wala sa loob akong tumayo at dumiretso sa blackboard. Instant dyslexia ang datingan sa akin ng mga number. Parang bigla akong nahilo.

Bakit nga ba blackboard tawag dito eh green naman yung kulay? Eh bakit iniiba mo yung problema mo Margo? Harudyusko magsagot ka na!

After 10 decades...

"Ma'am nasagutan ko na!" proud kong sabi. Hindi ko alam na ang henyo ko pala!

Yung tingin naman ng lahat sa akin ay hindi maipinta. Mukhang tama naman ang sagot ko. Mukhang... at least I tried!

"Ma'am ako na lang po sasagot." nagprisinta si Kurt. Lahat naman ng nasa room ay napunta sa kaniya ang atensyon. Diretso itong nakatingin sa akin at lumapit sabay agaw ng chalk sa kamay ko. Tumabi naman ako at nagsimula siyang magsulat ng mga numbers sa blackboard.

"You can now sit down Ms. Saxon. I don't want to see you again discussing other topics while in my class, do you understand?" madiin nitong bitaw ng mga salita.

"Yes ma'am. Pasensya na po." Bumalik naman ako sa upuan ko at agad tinapik ni Wheyi. Napatingin din ako kay Kiro na ngumiti sa akin.

"Okay lang 'yan, at least you tried." I know! Mukhang magkakasundo pa ata kami nito.

Bumalik naman si Kurt sa upuan sa tabi ko na mukhang proud na proud sa nagawa niya.

"I saved you." Ngumisi naman ako.

"Well, I didn't ask for your help. Ikaw din naman ang may kasalanan non!" Ngumiti lamang ito ng nakakaloko bago tumingin ng diretso sa harapan.

Dumating ang break time. Sabay kaming lumabas ni Wheyi at siguradong diretso na kaming canteen nito.

"Hello!" napapitlag naman ako sa biglang bati nito. Agad naman akong napangiti ng mapagsino ito.

"Hi."

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon