Chapter 6 -Selos ka naman

4.8K 120 9
                                    


"Margo pwede ba tayong magusap?" Pinigilan ko ang sarili kong kiligin habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong isipin na magcoconfess na siya sa akin pero mukhang malabo pa sa grado ng salamin ni Harry potter na mangyari iyon.

"S-sure." Bumaling ako nang tingin kay Wheyi. "Una ka na sunod na lang ako sa'yo." Mukhang tanga naman itong ngumiti nang nakakaloko bago ako tapikin sa balikat at iwan. 

Humarap akong muli kay Chad. Hindi ko alam kung may importante ba kaming dapat pag-usapan. Wala naman akong natatandaan na kung ano man.

"Sa field na lang tayo. Ayos lang ba?" Oo naman basta ikaw! Medyo malandi yung isip ko. Hindi ko naman sinabi yung bagay na iyon at tumango na lamang. Nakarating kami sa field at agad bumungad sa amin ang malawak na damuhan.

Naglalaro ngayon ang iilang soccer players habang ang iba ay nakasilong sa lilim ng naglalakihang mga puno. 

"Hindi na tayo nakakapagusap eh. Miss ko na yung bonding moments natin. Medyo naging busy din ako." sabay sipa ng bato malapit sa amin. Enebe Chad! Okay na okay lang! Buti hindi ko navovoice out kung ano mang tumatakbo sa isip ko kundi hiyang-hiya na ako ngayon kay Chad.

"Ayos lang. Atsaka may mga inaasikaso rin ako." Oo yung pangiistalk ko sa kanya sa campus. "Atsaka hindi naman ako nagdedemand ng time sayo Chad. Alam mo na friends at heart tayo kahit magkalayo." Napangisi pa ako sa lumabas na salita mula sa bibig ko. Friends? Oo friendzoned ako simula pa lang.

"Babawi ako sa'yo Margo. So I am inviting you to my sister's welcome party. Do you remember Ate Clara? She will be happy to see you." Ngumiti pa ito ng sinsero. Hindi ko naman tatangihan ang inbitasyon nito atsaka hello makikita ko siyang mas gagwapo sa araw na iyon papalampasin ko ba? Syempre ay hindi!

"Of course. Hindi na iba sa akin si Ate Clara."

"Promise?"

"Promise." Sabay taas pa ng right hand ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Ang bango! Feeling ko mapapaharlem shake ako kung ganito palagi. Nakakakilig. Mukhang I'm one percent improving at next time promoted na ako at hindi na lang pangfriend ang kagandahan ko.

"Ang payat mo Margo." Natatawa nitong sabi habang yakap ako. Kung normal lang 'to ay baka nainis ako sa sinabi niya pero nevermind at kinikilig talaga ako.

Hindi ko pa naabsorb ng sobra ang yakapan moment namin ni Chad na may lalaking may tuberculosis na dumating. Ang lakas makaubo sana matuluyan nawa siya.

Napakaepal.

Ano na namang masamang hangin ang nagdala sa kaniya dito? Pinaningkitan ko siya at naghatid ako sa kanya ng deadly glare signal para mawala na siya sa paningin at landas ko.

Nagkibit balikat naman ito at walang babalang hinatak akong papalayo. Hindi naman ako nakapagreact agad kaya napatinaod ako sa paghila niyang iyon. Tuluyan na kaming napalayo kay Chad nang bumalik ako sa tamang wisyo.

"Ano na naman ba? Alam mo bang panira ka ng momentum?!" Pataas ang tono ko ng bigkasin ko iyon at punong-puno ng galit. 

"Momentum? I think I have the rights to drag my fiance out of her reverie." Tiningnan ko siya ng masama. "You're a flirt."

"Wow naman sayo pa talaga nangaling yan. Hiyang-hiya naman ako sa'yo Kurt."Sarcastic remarks won't hurt his guts, I know. "May kasunduan tayo na walang pakielamanan. I'm having my own life, you should too. Wala naman akong pakielam kung jowain mo na lahat ng babae sa mundo just stay out of my business." 

"I don't want to. Don't force me." Nagulat ako ng lumapit siya at itinuck ang nakaalpas kong buhok muli sa gilid ng tainga. "I don't play clean Margo. So better bear with it." Nangatog ang tuhod ko sa 'di malamang kadahilanan. 

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon