Chapter 24- Last part [12/21/2014]

4.3K 111 0
                                    

Note: Fast moving. I tend to finished this kasi isang taon na rin ang nakalipas hindi ko man lang nagawan ng ending 'to so here it goes.


Halos hindi ako makahinga ng makalabas ako ng kwarto. I felt betrayed, my heart is betrayed, my mind is betrayed, all this time na akala kong mahal niya na ko ay puro kasinungalingan lang pala. How can he be so heartless? How can he be so selfish? Sana umamin na siya simula pa lang at sana hindi ako tanga na nahulog sa kanya. Masakit eh, masakit malamang hindi pala talaga nasuklian 'tong pagmamahal ko sa kaniya.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang maleta. I can't live with him under this same roof. This is the perks of being unconditionally in love to someone you hated most from the beginning. Karma ba 'to? Bakit ganito kasakit? Umiiyak ako habang ineempake ang gamit ko. Hindi ko mapigilan. Natatakot akong pigilan ang pagluha ko.

Napalingon ako ng maringan ang pagbukas ng pinto. He's standing right there, nakatingin sa mga gamit kong nakapasok na sa maleta. I can't even look at him straight.

"Margo 'wag namang ganito" May pagmamakaawa sa boses niya. "You love me, right? Then don't leave me" I didn't bother to look back at his face.

"Margo" Naramdaman ko ang paglalakad niya papunta sa akin .

"Huwag kang lumapit Kurt. Huwag kang lalapit." Ipinilig ko ang ulo ko para tingnan siya. I love him. I still love him kahit masakit. "You'll be free after this" Pinigilan ko ang pagkaputol ng hininga ko. I can't stand being with him right now kailangan ko ng makalayo agad.

"Ano bang pinagsasabi mo Margo? Are you leaving? Breaking up with me? For goodness sake we are married!" Sakto namang natapos na kong mag-ayos ng gamit ko at agad ko yung kinuha . Nilagpasan ko siya ng hindi man lang nililingon. I don't have time and energy to have nonsense argument with him.

"Yeah married, I'll file a divorce tomorrow Kurt. Wait for the papers" and I zoomed out of the house.

Pumunta ako sa bahay namin at nagulat sila mommy ng nakita ako. Hindi sila nagtanong dahil mukhang napansin nilang wala ko sa mood para magkwento ng kahit ano sa kanila. I have to settle everything first. Masyado pa kong bata para ilubog ang sarili ko sa sakit. Sa ngayon hihintayin ko munang matanggap ang lahat.

Ilanga raw ang nakalipas at tinotoo ko ang pagpafile ng divorce halos hindi makahuma sila mommy ng marinig nila ang desisyon ko. I don't want to fail them pero hindi ko kayang masaktan sa araw-araw kong kasama si Kurt. Mahirap ang naging proseso but thankful akong nakakuha sila Mommy ng magaling na lawyer sa ibang bansa.

"Are you sure about this Margo? Baka gusto niyo pang ayusin 'to ni Kurt. Maybe this was all a misunderstanding" Papasok na ko ngayon sa school. Buwan na lang at gagraduate na naman ako sa high school. Hindi ko na siya kailangang makita pa ulit.

"Mukha bang hindi mommy? Nakausap ko na sila Tita at Tito about this"

"But you haven't talked with Kurt. Paano kung hindi siya pumayag?"

"Papayag siya." Hindi ko alam na halos tunog bitter yung salitang yun. I didn't mind. Pumasok na ko at nakita kong magkasama si Wheyi at Kiro papasok. Mukhang ihahatid niya si Wheyi sa room. I'm happy for them dahil nagkakaroon na sila ng progress.

"You okay?" Napalingon ako sa taong nasa likod ko ngayon. Ilang lingo ko na rin siya hindi nakita and still I'm guilty dahil parang hindi naging maayos ang pag-uusap namin noong nakaraan.

"Ah uhm. Ikaw kamusta ang tagal na nating 'di nagkita ah." Ngumiwi naman ito at tumingin sa kabilang direksyon. He seemed stress hanggang ngayon mukhang marami pa rin siya iniisip. I want to ask him baka sakaling makatulong  ako pero nangangamba akong hindi ko magustuhan ang sagot niya.

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon