Chapter 10 -Heartbeat

4.3K 116 1
                                    


Hindi nagpahinga ang mga sumunod na araw para lalo akong asarin. Heto kami ngayon sa isang kilalang chinese restaurant sa Ortigas at talagang todo plano na sila sa nalalapit na kasal. As if sila ang ikakasal kaya napakadali lang para sa kanila.

"Do you think po na it's too early for us to get married. I'm still underage and Kurt on the other hand is just two years older than me. Pwede naman po muna nating ipagpaliban." Halos magtunog nagmamakaawa na ako pero patay malisya lang ang mga ito.

"Hija, the earlier the better. You don't have to take the path of boyfriend girlfriend thingy and eventually pagnagsama naman kayo saka niyo na makikilala ang isa't isa. You can fall in love while in the process." Pinigilan kong mapairap at sagutin ang mommy ni Kurt. Fall in love? Hindi na lang.

"I'm not prepared pa po. Kurt is the same rin." Tiningnan ko ang mokong at parang wala itong naririnig na todo kalikot sa kaniyang cellphone.

"No one does hija." Ngumiti ang mommy ni Kurt. "About you not reaching the legality here in the Philippines, don't worry you will be wed in Paris."

"P-paris po?" Napalunok ako at pinukol na talaga ng tingin si Kurt at walang sabi-sabing inapakan ko ang paa nito. Nag-angat naman ito ng ulo sabay tingin sa akin. 

"Paris?" Tumango-tango pa ito. "Not bad." It's better to shut his mouth.

"Yeah you both heard it right so bawal na ring icancell yun dahil napamigay na ang mga invitation and ready na rin ang flight niyo. Nakangiti si Mommy na ikinakilabot ko naman.

Hindi na ako nag-aksayang abalahin si Kurt dahil ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay nakakapangbwisit lalo sa akin. He's not cooperating. At feeling ko pa ay okay lang sa kaniya kahit sabihin ng mga ito na bukas na sia ikasal. As if this has nothing to do with us being tied together to who knows how long.

Napabuntunghininga naman ako at wala pa si Daddy ngayon. Wala akong kakampi.

Tinuloy ko ang pakikibaka na matapos ang araw na ito at makauwi na. I will be married soon. Hindi ko man gusto wala naman akong magagawa. I was busy reminding myself to stay calm when the person in front of me held my hand. Nanlaki naman ang mata ko.

"We both need to talk." Seryoso nitong saad sa mga tao sa lamesa. 

"Sure hijo." Si Mommy na ang sumagot at may kakaibang ngiti na nakapaskil sa mukha nito. She's enjoying everything that is happening.

"I'll send her home. Una na po kami." Ngumiti na lamamng ako sa mga ito at nagpadala sa paghila nito sa akin.

Nang makalayo na kami ay agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ako okay sa kaniya ngayon. He is ruining my night. Kung makipagcooperate sana siya sa akin na bigyan pa ng palugit ay 'di sana ay mas ayos. But I don't know what's wrong with him. He's getting into my nerves.

"That look won't kill me Margo." Ngumiti naman ako ng napakasarcastic . 

"I don't want to dirty my hands with your blood Kurt. So just shut up."

"Are you mad?" Gusto ko siyang suntukin sa intestine para malaman niyang nag-aalab ang galit ko sa kaniya. 

"No, I am not." Tumingin ako diretso sa kaibuturan niya. Ang lakas ng loob niyang tanungin ako. "Just super mad that I want to cut you into pieces."

"Woaw lady that's morbid!" 

"It's normal. Ano bang gusto mong pagusapan? Yung nakakabwisit mong attitude na tipong wala kang pakielam na malapit na tayong ikasal. Okay na sa akin makasal but can't they wait? I mean we all have the time in this world para maisakatuparan 'yon. I don't get them Kurt. I don't get you." Napahalukipkip naman ito at pinatunog ang kotse nito. 

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon