Chapter 8 -Comforter

4.6K 124 3
                                    


"K-kurt," hindi ko alam kung anong meron sa sinabi niya at napaiyak ako pero yung pakiramdam ng sakit ay nabawasan. I didn't imagine myself being comforted with his words, with his presence.

"Wag kang umiyak lalo kang pumapangit." Na sumira sa magagandang bagay na iniisip ko tungkol sa kaniya. Kung nasa mood lang talaga ako ay baka nabara ko na siya or who knows baka nasapak ko pa siya.

Dinala niya naman ako sa garden kung saan ay wala namang mga tao na naligaw doon. Masyado rin kasing tahimik ang parte na iyon ng bahay nila Chad. But the sound from the party in front echoes pero tama lang para makapagmuni-muni ka pa rin.

"Iyak na." utos niya pa, sabay upo sa damuhan. Hindi ko alam kung ng aasar ba siya o sincere siya. Pero I chose the latter. Seryoso kasi ang mukha nito.

"Bakit naman ako iiyak? May iiyakan ba ko?" painosente kong sagot pero ang sama-sama pa rin talaga ng loob ko. "Napuwing lang ako." Alam ko namang hindi siya maniniwala. Alam kong hindi ako kapanipaniwala.

"You can never fool me lady."

Nagulat na lang ako ng hinila niya ako paupo at isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya "Iyak na mas lalo kang nagmumukhang tanga kung pipiglan mo pa 'yan."

Hindi ko alam pero pagkasabing pagkasabi niya pa lang non ay nagsialpasan yung mga luha ko. This is just an excess of the water supply of my body. Tama 'yon nga. Hindi kasi ako naiihi kaya sa pag-iyak na lang dinadaan ng katawan ko ang mga tubig na iyon.

"Why aren't you being real to yourself? Tao ka lang din Margo. Katulad ng bestfriend mo, tao ka lang din."

"Pero hindi ako katulad ng bestfriend ko na tinry muna bago sumuko." Pinunasan ko ng marahas ang mga mata ko. "I envy Wheyi for being strong enough to love you, to confront you, to tell her what she felt towards you. Ako kasi takot akong sumagal, takot akong mareject, masaktan."

"It's part of everyone's life—to be hurt." I diverted my eyes on him at kakaibang side ni Kurt ang nakikita ko ngayon. He may be annoying most of the time but seeing him this serious made me want to know him, to know who Kurt really is. "But don't make yourself a fool on loving the person who can't love you back."

Para itong may pinaghuhugutan. "Siguro nga, that's why I am feeling it right now. Siguro nga hindi talaga kami ni Chad but I haven't tried telling what I feel towards him. Pero alam kong Malabo na yung gusto kong mangyari. Being a girl is a hard task, too emotional but never drastic. I chose not to tell him so maybe this is all of its perks. Siguro kailangan ko na siyang bitawan. Kasi kahit magtapat ako sa kaniya ngayon, he will not entertain my feelings. I saw how he looked at the girl earlier. I saw how gently he responded to her kiss. Ang bata ko pa pero ang drama na ng buhay pag-ibig ko."

"That's why I never invest any feelings towards opposite sex. It's critical, abnormal, and scary." Hindi ko siya nagawang maintindihan. Bumuntunghininga ito na parang napakalaking problema ang nakaatang sa kaniya. "Choose what's best. If you can feel your losing, stop. Loving a person who can't love you back is more painful." Naging mabigat ang hangin sa paligid. "Stop chasing Chad, Margo."

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap feeling ko mas kailangan niya ko ngayon kaysa sa kailagan ko siya.

Makalipas ang ilang minuto ay naawkwardan na kaagad ako dahil hindi pa rin siya bumibitaw sa yakap ko. Wala na ring bakas ng luha sa mukha ko.

"Tama na tsansing Kurt." Napatingin naman ito sa akin at imbis na pakawalan ako ay lalo niya pang hinigpitan kaya akala ko papatayin niya na ako pero agad niya din akong pinakawalan.

"Wala nga akong nakapa." Sinuntok niya naman ito. Napakayabang! Lalaki pa ang lahat sa akin wala pa naman akong eighteen!

"Shut up!" Tumayo ako mula sa damuhan at yung naset aside kong galit sa kaniya ay bumalik but there's something changed between us. Hindi ko alam kung masama o mabuting senyales iyon. But either way, I'll just go with the flow.

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon