Chapter 18 -Fallin

4.2K 115 6
                                    

Dedicated to sayo^^ haha. 


Margo's POV

Wife his face! Pangit siya nakakainis!

Kanina ko pa siya tinitingnan ng masama pero mukhang wala naman atang epekto ito dahil hindi maalis ang ngiti nito sa labi.

"Asan ba tayo pupunta?" inis kong tanong dito.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Napahinto talaga ako sa tanong niyang 'yan. Akala ko naman may balak siyang puntahan dahil ang lakas ng loob niyang hilahin ako.

"Tumataas ang dugo ko sa'yong lalaki ka! Akala ko naman may pupuntahan ang yabang-yabang mo pa." Hindi ko mapigilang samaan talaga siya ng tingin. Hindi pa siya graduate sa pagkabadtrip ko dinagdagan niya pa. "Hanapin na lang natin sila Wheyi."

"So you want to bother their date?" 

"Hindi sila nagdedate."

"They are." May pangungumpirma sa boses nito.

Minsan hindi ko alam kung psychic ba ito si Kurt oh kung ano dahil malaki ang kompyansa masyado sa mga salita niya.

"Sabi mo eh." May pagsuko sa boses ko. Tinatamad na rin akong makipagtalo sa kaniya. "Baka naman may idea ka kung saan tayo pupunta."

Ngumiti naman ito at ang ikinagulat ko ay ang paghigit niya sa kamay ko para ienterwin sa kamay niya. Hindi niya alam kung bakit para siyang nakuryente nang nagtama ang balat nilang dalawa.

Pinilit kong alisin ang kamay ko ngunit sapat ang higpit nang hawak nito upang hindi ko 'yon matangal. I can feel my cheeks burning.

"B-bitiwan mo ko." Pero masyadong mahina ang pagkakasabi ko para kumbinsihin siya sa kagustuhan ko.

"Ayoko nga." At nagpatuloy ito sa paglakad.

Oh goodness I'm becoming speechless with the situation.

Napakagat ako ng ilang beses sa aking pang-ibabang labi dahil 'di ko mapigilang mapangiti. This is so not me! Alam kong kinikilig ako and I won't deny it. Dapat hindi ako kiligin pero itong malandi kong utak nagpapadala naman masyado.

Hindi ito pwede!

We just walk in silence and I can feel those butterflies tingling in my stomach. Mamaya baka sumuka na ako ng rainbow dahil sa malanding hormones sa kaibuturan ng pagkatao ko.

Sumakay kami sa cab at tumigil sa Manila Ocean Park. Hindi ako fan ng mga sea creatures at 'di ko rin alam kung anong kakornihan nitong taong 'to at dito pa talaga kami pumunta.

"Bakit tayo nandito?" Sinipat ko ang paligid sa bukana ng entrance.

"Date." Hindi ko maiwasang matigilan sa sinabi nito. We never had dates even before. At hindi ko naman inaassume na magkakaroon.

"D-date?" Why did I even stammered?

"Hindi ka naman siguro bingi?" Agad ko naman siyang kinurot na ikinatawa niya. Abnormal! Minsan ang sarap niyang ipompyang dahil sa paninira niya ng ambiance.

Pumasok na kami at pagpasok pa lang namangha na ko at napahiwalay kay Kurt. Hindi naman sinasadyang napahiwalay ako, madami rin kasing tao. Siguro naman hindi yun mawawala sa laki niyang tao.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin.

"You ara being rude leaving your husband behind, wife." And he is looking at me quite serious. Tangina pamura lang isa. Pwedeng kiligin? Why is he being like this? And why am I being like this?

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon