Chapter 13 -Back

3.7K 106 1
                                    


Margo's POV

Inaantok pa ko.

Walanghiya kasi yung pangit na Ferrer na 'yon pinagod ako. Hindi pa sapat ang tulog ko dahil mag-uumaga na nang matulog ako.

Masasakal ko talaga siya pagnakita ko!

"Baka naman may balak ka nang tumayo diyan." Napabaling ang tingin ko sa kaniya at tinapunan siya ng masama pa sa masamang tingin. Die jerk, please.

"Wow ha! Ikaw ba yung napagod?"

"Oo napagod din ako."

"Sana ikaw yung kumilos 'di ba para di naman ako masyadong napagod."

"So I will be the one who'll get tired? No thanks Mrs. Ferrer." Sabay upo sa gilid ng higaan ko. Itinulak ko naman siya pero para lamang akong nagtulak ng bato.

"Lumayas ka na nga at magbibihis ako."

"Kailangan pa ba?" sabay ngiti niya ng nakakaloko.

"You'll leave or you'll leave? Choose." Nakataas pa ang kilay ko nang sabihin iyon.

"Fine but that doesn't mean that I'm scared with your warning Margo." Nagmake face naman ako at parang binalewala niya lamang iyon at lumabas.

Marahan akong nag-unat at parang naglagatukan ang mga buto ko.

Ang sakit ng kasukasuhan ko.

Pumunta na ako sa banyo at naligo kita ko pa yung mga marka na inabot ko kahapon.

Buti nandito na kami sa Pilipinas ngayon at ang worst, pasukan na naman. Hindi ko na kailangan pang idetalye ang nangyari sa Paris maliban sa walang hanggang bangayan namin. Doon na din kami nagcelebrate ng christmas at New Year.

"Argh ang sakit talaga!"

Buti na lang di ko sinamang linisin yung bubong ng bahay.

Puro pasa pa ko sa pagkahulog ko sa hagdan.

Bwisit na dare 'yan natalo pa ko. Hassler pala ang lalaking 'yon sa thumb wrestling. Defending winner ako ng larong 'yon eh.

Ang kapalit pagnatalo ay linisin ang buong buhay. Dyusmiyo dalawang palapag ang bahay at sobrang lawak pa.

Regaluhan ba naman daw kami ng mga magulang namin ng malaking bahay na walang kasamang katulong adik lang. Gusto daw kasi nila kami bigyan ng privacy. Kung 'yon naman pala ang gusto nila ay sana hindi na rin nila binibisita at kinakamusta minu-minuto.

Pumasok ako sa eskwelahan pagkatapos. Nauna na sa akin si Kurt.

"How's the vacation students?" tanong ng teacher namin.

Worst than ever.

"Ms. Saxon?" Nakatingin na pala si Ma'am Gertrude sa akin.

"Yes ma'am?"

"Can you share with us what you did last vacation." So sa daming matatanong ay talagang ako ang napagbuntungan. Nanadya ba 'to sila?

"Just like any other students, I was with my family. We celebrated Christmas and new year together outside the country."

"Oh yeah I heard. Paris , right?" At hindi ko alam na may pagka usisera pala si Ma'am Gertrude.

"Yes ma'am."

"So how's Paris?"

"Still on the map ma'am." Pang-aasar kong sagot. Ay 'di ko pala nasabi na close kami ni Ma'am Gertrude sa sobrang close namin muntik niya na akong ibagsak sa subject niya. Kasalanan ko bang kinorect ko yung grammar niya noong isang beses?

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon