Chapter 1- The first encounter

10K 176 18
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa field ng school kung saan kami madalas tumatambay ng bestfriend ko. Kanina ko pa nga siya inaantay, ang usapan eh pagkalunch break magkikita kami dito pero ni anino nito ay wala pa. May nangyari kayang masama doon?

Kukunin ko na dapat ang gamit ko nang makita ko si Wheyi na tumatakbo papalapit sa akin. Sandali, naiyak ba siya? Mas klaro ko lang itong nakita ng tuluyan na siyang makalapit sa akin at agad akong niyakap.

"Anong nangyari?" Pero patuloy lamang ito sa pag-iyak. Iginiya ko siya papunta sa bench at hinayaan siyang kumalma. Matapos non ay kusa na itong nagsalita.

"M...margo wala na kami." At halatang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Hindi ko alam kung anong tamang sabihin sa mga oras na ito. Binalaan ko na naman siya tungkol sa lalaking iyon. He's dangerous. Sinabi ko na sa kaniyang sasaktan lang siya ng taong 'yon.

Eh sa matigas ang ulo nitong bestfriend ko.

"Paanong naging wala na kayo? You were okay yesterday."

Umiling naman ito. "Nagkasagutan kami kanina." Napabuntunghininga pa ito nang malalim. "May kahalikan siyang ibang babae. I am his girlfriend so I have all the rights to get angry at him! At alam mo kung anong sinabi niya sakin?"

Para naman itong baliw na tumawa at tumakas na naman ang luha sa mata nito. " You are not my girlfriend. I can't even remember your name. Really? As in really? We dated for almost two weeks tapos hindi niya alam ang pangalan ko!"

"Hindi na ako nagtataka sa bagay na iyan. You are not the only one Wheyi."

"But Margo he should've at least remembered my name! I thought I was special to him but I assumed too much and it hurts!" Tinapik-tapik ko na lamang siya sa balikat para kahit papaano ay kumalma na ito.

"Stop crying, okay? He's not the only man living to fall in love with Wheyi. You are too young to drown yourself in misery."

"But I love him." Halos pabulong na saad nito.

"And he don't. Mamulat ka sa katotohanang iyon. Don't worry he'll pay for what he had done to you. I swear!" Hindi ko mapigilang pakuluan ng dugo pagnaiimagine ko 'yong kahayupan ng ugali ng taong 'yon. If I have to stoop down to his level just to get even, I will. I will for my bestfriend.

Pumasok si Wheyi sa sumunod naming klase at ako, hindi. Iniisip kong hanapin 'yong lalaking iyon. I will at least tell him how good for nothing of a man he is. Hindi naman siguro masamang magbitaw ng mga salita sa lalaking katulad niya. Even though I know that he will not take my words seriously.

Sa kakahanap ko natagpuan ko ang sarili ko papunta sa likod ng fourth year building. May narinig akong nagbubulungan mula doon at hindi ako nakatiis na silipin. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ang eksenang iyon. They are making out for pete's sake!

Tatakbo sana ako palayo ng makilala ko kung sino 'yong lalaki. That bastard! Hindi niya man lang ba alam ang salitang privacy? Hindi ba pwedeng makapaghintay at talagang sa school pa pinapakalat ang kalibugan niyang taglay.

Naghiwalay ang mga labi nila kaya naging senyales 'yon para sa akin na lumabas sa pinagtataguan ko.

"Nakakaistorbo ba ako?" Napabaling naman ang tingin ng dalawa sa akin. Hindi man lang mababakasan nang gulat o kahihiyan ang mukha nila. At talagang makakapal.

"No sweety, if you want you can join us." This son of a- . Hindi ko na natuloy ang mura sa utak ko nang magsalita 'yong mukhang hipon na kasama nito.

"Oh please Kurt you wouldn't want to be infected by an ugly bitch, aren't you?" Napataas talaga ang kilay ko. I may not be the most beautiful creature on earth but comparing to her, kuko ko pa lang siya!

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon