Real

817 42 11
                                    

Rita's POV

Pagkauwi ko ng bahay ay mabilis akong nagbihis para pumunta sa bagong bahay ko.. Nasabi na ni Tita sa akin na ayos na ang interior nito.. Nagtataka ako dahil ang bilis naman! Minadali lang ba niya iyon?



"Rita! May envelope ka diyan sa gilid ng tv.. billing yata.." sigaw ni George at mabilis kong kinuha sa gilid ng tv at pinasok sa bag. Hiniram ko muli ang kotse ni George at tumungo na ako sa bahay ko..


Pagdating ko doon ay mabilis kong binuksan ang pinto.. Pagbukas ko ng ilaw ay napanganga ako sa ganda ng designs.. Kung ano yung napag usapan namin ay iyon nga ang ginawa niya. Walang bahid ng pagmamadali ang bawat desenyo.. Dahan dahan akong naglakad at napatingin sa pintura ng dingding... Hindi ko alam kung bakit nanubig ang mga mata ko at mapait akong napangiti habang papaakyat ng hagdan...


Pag akyat ko ay napansin ko agad ang isang malaking Activity area na puno ng mga laruan.. May slide na nakaconnect sa Inflatable castle.. Madaming mga stuffed toys na monkey.. Iba't ibang klase ng animals.. Sa kabilang side ay isang mahabang lamesa na may mga sketch pad at mga crayons.. May pang paint din... Hindi ito kasama sa plano but Ken really made it for Dasher? Nanubig ang mata ko habang nililibot ko naman ng tingin ang kwarto ni Dasher.. Sinunod niya ako. Kung ano ang naging final meeting namin para sa design ng room nito.. Hindi niya inilagay ang pinakita niyang wallpaper na gorilla.. Sinunod niya ang gusto ko.. Ginawa niya ang gusto ko.. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napaupo sa kakaiyak.. May kung anong sakit dito sa dibdib ko... Dapat masaya ako eh.. Umalis na siya at di na nagpakita.. Na sinunod niya ang gusto ko. Gusto kong umalis na siya sa buhay ko. Sa buhay namin. pero bakit ganito?  Bakit hindi ako sumaya. Bakit parang lalong lumaki yung kulang, yung lungkot.. Bakit ..






Paglabas ko ng bahay ay ni-locked ko na ito.. Dumaan ako sa harap ng dalampasigan.. Umupo ako sa isang open cottage at nakatingin lang ako sa bawat paghampas ng alon sa mga bato..




Panay punas ako ng mga luhang bigla bigla na lang bumabagsak.. Pagkuha ko ng panyo sa slingbag ko ay napansin ko yung envelope na kinuha ko kanina sa bahay..






"Anong bill ba ito.. Juskooo. Gastos na naman. Walang katapusan.." reklamo ko habang binubuksan ito..









Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko..









PSA CERTIFICATE OF MARRIAGE




"Ano to? Bakit kami may Certificate of marriage from PSA???? Eh fake lang naman yung kasal nami——"








Napatingin ako sa babaeng papalapit sa akin..










"Atty. Barbara???" gulat na sabi ko habang papalapit ito sa akin..







"Hi Rita!!!" tili nito at mabilis itong yumakap sa akin.. dahil sa gulat ay para akong estatwang hindi makagalaw sa kinauupuan ko..







"Ba-bakit ka nandidito??? Paano mo..."






"Alam kong alam mo na kung bakit kita nahanap at kung bakit ako nandidito.. Gusto kitang makausap.. Yung babae sa babae.." bigla akong kinabahan..






"Atty Barbara.. Ayokong pag usapan yung tungkol sa amin ni Ken. Wala na siya sa buhay ko..Tahimik na ang buhay namin dito..





"Ako Rita, naiinitindihan kita bilang babae.. Alam ko nasaktan ka.. Malaki yung naging sugat sa puso mo dahil kay Ken.. Pero Rita, sana naiisip mo na hindi lang ikaw yung nasasaktan sa inyong dalawa.. Maaaring mas malaki yung sugat ng sa iyo pero naisip mo ba kung gaano kalaki ang naging sugat din sa puso ng asawa mo?...Nung gabing pinababa ka niya sa kotse at iniwan sa madilim na kalsada... Alam ko, doon ka humuhugot ng sakit kaya ganun mo na lang balewalain si Ken.."







Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon