Shopping

659 38 11
                                    

Ken's POV

Niyaya ko kasi si Rita na magshopping ngayon. Ang sabi niya kagabi, okay lang daw pero gusto niya ay mag commute kami.. So ang sabi ko, kung sinong mauunang gumising bukas ay siya ang masusunod. Diba? Siya na nga itong ipagsashopping, siya pa madaming demand? Hay naku Pusa!! At dahil mas late akong nagising , si Rita ang masusunod. Mag cocommute lang kami. Naiisip ko pa lang yung init ay naiinis na ako.. Pero hindi ko naman pwedeng hindian itong pusa na to.

"Alam mo, mag grab na lang tayo." sabi ko dito at napatingin siya. Itinutok niya sa akin ang tong na hawak niya.

"Opps! Jeep lang!" nakangiting sabi nito sabay lagay ng hatdog sa plate ko.


"Rita, mainit!" seryosong sabi ko dito.


"Edi mag suot ka ng presko! Alam mo, minsan ka lang makapag commute... Dapat na eexperience mo din yung na eexperience ng simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas! Dagdag sa traffic kasi yang mga private cars!"


"So anong isusuot ko? boxers? Shorts?nakangiting tanong ko dito.


"Pwede naman! Basta mag damit ka! Bawal ang nakahubad sa mall!"


Tumayo ako at hinubad ko ang damit ko. Natigil si Rita sa paghalo ng kape ng mapatingin siya sa akin..



"Parang ang sarap ng pandesal!" sabi nito habang nakatingin sa akin.


"Pero dito sa bahay ko, pwede naman maghubad diba?" pilyong sabi ko at tawa ng tawa si Rita ng kiniliti ko siya..





Paglabas namin ng gate ng bahay ko ay napatingin ako kay Rita na nauuna nang maglakad.. Nakasuot siya ng itim na leggings at puting tshirt. Kahit ganun lang kasimple ang suot niya, ang ganda ganda niya.. Samantalang ako, naka gray na tshirt at shorts. Parang mali yata ang decision ko na mag puting sapatos ah? Magcocommute nga pala kami.. Muli kong nilingon si Rita na medyo malayo na..

"Hoy! Yung totoo Rita? Magzuzumba na tayo? Jogging??" pang iinis ko dito.


"Oo! At hindi kita isasama!" mataray na sabi nito. Tumakbo na ako para maabutan siya at mabilis kong hinigit ang bewang nito..


"Mukhang kabisado mo na yung daan dito sa loob ng subdivision ah?"


"Aba! Ilang beses mo na kaya ako pinag commute papasok ng office!"

"Kawawa naman yung pusa ko.." malambing na sabi ko at kinulong ko siya sa yakap ko..



"Hoy! May makakita, sabihin may nag P-PDA! Ipa barangay pa tayo!" sabi nito at natawa ako.


"Kasi kung ginamit natin yung kotse! Edi sana hindi tayo mapapabarangay! Wala pang makakakita.."

"Manyak!" bulong nito at napangiti ako..



"Don't worry, sayo lang ako nagiging manyak.." bulong ko at mabilis niyang piningot ang tenga ko.


Nang makarating na kami sa gate ng subdivision, inip akong nakatayo at siya naman ay panay para ng jeep pero walang humihinto sa amin..

"Papasakayin ba tayo dito?" inip na tanong ko .


"Atat ka! Wait lang, punuan yata!"



Nanlaki ang mata ko ng kumaway si Rita sa dalawang jeep na paparating.. Mabilis niya akong hinigit para makasakay kami ng jeep..


"Masikip na!" reklamo ko nang mapansin kong siksikan sa loob nito. Hindi pa ako pumapasok dahil nga sa masikip na.. Nagulat ako ng minadali ako ni Rita at tinulak papasok sa loob..

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now