Password

541 36 19
                                    

Ken's POV

HINDI naging maayos ang tulog ko dahil sa panghuhulang ginawa nitong babaeng to.. Paano siya nakakatyamba? How did she know na birthday ko kahapon? dahil naka tucked-in ako? For sure hindi naman ako kilala nito or nagkataon lang na tumama siya..

"Alam ko na kung bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo.. Siguro ikinahihiya mo no?" medyo naniwala ako sa kanya nung sinabi niya ito.. Hindi ganun ka accurate pero may daplis.. Oo, Kung papapiliin man ako at papalitan ang last name, siguro ay ginawa ko na.. hindi ako bagay sa pamilya nila Dad.. noon pa man. Alam kong hindi ako welcome sa kanila.. I hated being CHAN.



Napatingin ako sa pinto ng office ko ng kumakaway si Rita . Tanaw ko kasi mula sa kinauupuan ko ang area niya.. Mabilis kong dinial ang telepono para tawagan siya. Wala siya sa classroom or sa basurahan niyang barangay para kumaway..

"Use your telephone kung may kailangan ka. Bakit ka kumakaway, hindi ka naman nalulunod.."

"Ay. Oo nga pala sir. Sorry hehe.. Eh kasi naman sir, Ano ba ipapagawa mo sa akin? Caretaker lang po ba ako ng office niyo? Maghapon lang akong nakatingin sa pinto kung may papasok?"

Napapikit ako at huminga ng malalim.
Binaba ko ang telepono at lumapit sa kanya..


"Naopen mo na ba yung desktop?"


"Opo kaso may password. Ano ba yung password nito?"

Mabilis kong nilabas yung cellphone ko at ipinabasa sa kanya yung password ng desktop..



"This. Imemorize mo."

"@@kennimekennie_tugtugdoremi##"

Napansin ko ng napakamot siya ng ulo.. Binasa niya ng malakas pero mabilis kong binawi ang cellphone..

"Password nga diba? Bakit mo sinisigaw? Maraming mahahalagang files sa desktop na yan!" inis na sabi ko.

"Eh Sir naman! Napakahaba naman kasi.. Tsaka ano naman kung babasahin ko ng malakas? Eh dalawang lang kaya tayo dito! Wala ka pa ngang client oh.." sabi nito..

Ako na ang nagtype ng password sa desktop niya.. Napansin ko ang pagtitig niya sa akin..

"Bakit?"tanong ko dito habang nakafocus ang tingin ko sa desktop..



"Totoo po bang birthday niyo kahapon?" biglang tanong nito at napatingin na ako sa kanya..


"Oo."  pag amin ko at bigla itong pumalakpak..


"So tama ako?? OHmyGosh Sir!!! Yung thank you ba kagabi, dahil yun sa binigay kong pinakamagandang regalo sayo?" kumunot ang noo ko..



"Kailan naging magandang regalo ang mapait na kape?" tanong ko dito..


"Hindi yun sir!!!"

"Ano??"



"The best parin talaga ang birthday kiss !" nakangiting sabi nito at tumaas ang kilay niya na para bang masayang masaya siya sa ginawa niya.. Naalala ko na naman yung una naming pagkikita..




"Kailan naging magandang regalo ang isang halik? Eh hindi ka nga marunong humalik. Gusto mo bang turuan kita?" pang iinis ko dito at napansin kong namutla siya..


"Ay teka lang sir! Nabaliw ka pa nga kahapon! Sinabi mo yun! Kaya nagustuhan mo yung halik ko!! Pero hmmm..kung may sahod parin ako habang tinuturuan mo ako ng tamang paghalik, bakit hindi diba?" biglang sabi nito at napailing na ako..

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now