Dedma

497 30 5
                                    

Ken's POV

HINDI KO ALAM kung anong kahihinatnan ng pakikipag-usap ko kay Tita Cynthia. Minabuti kong pumunta ng Singapore para actual na ipaalam kay Tita ang pagkabasag ng Vase nito..

Ito. Expected ko na. Nagalit si Tita. Isa kasi yung vase na iyon sa favorite niyang collections at mula ng mabasag iyon ni Rita, mukhang mapuputol na rin ang pagiging mag Tita namin ni Tita Cynthia.

Ang dami-dami kong nagiging problema magmula ng makilala ko yung Assistant kong iyon. Mula sa Vase, sa arrange marriage na iniinsist ni Dad sa anak ni Mr. Lee.. Tsss.. Mga client na nagbackout..

Napailing na lang ako. Ang bigat bigat ng mga problema ko. Hindi ko alam kung paano pa maayos..

Kakalapag ko lang ulit ng Pilipinas ng isa na namang bad news ang bumungad sa akin. Kumukulo na yung dugo kong napabasa sa email from my bank. Regarding sa credit card ko. Almost ten thousand ang nagastos niya ngayong araw?

Hanggang makarating ako ng bahay ay hindi parin sinasagot ni Rita yung mga tawag ko sa kanya.. Nakaramdam ako ng inis at ng pang 20 tawag ko na ay may halo ng kaba, baka ano nang nangyari dun sa babaeng iyon. Tss. Mahirap na, habang nasa puder ko ito ay kargo ko siya..

Pagdating ko sa bahay ay mabilis akong kumatok sa kwarto nito pero walang nagbubukas.. Minabuti ko nang kunin ang duplicate keys ng kwarto nito para mabuksan ito.. Bumulaga sa akin ang mga wala nang laman na paperbags.. Kumunot ang noo ko. Kumatok ako sa CR nito. Wala talagang nagbubukas kaya nang mapansin kong hindi ito naka locked ay binuksan ko na..

Mas lalo akong nainis ng makita itong enjoy na enjoy sa pagbababad sa bathtub habang mag hawak na wine. Kanina pa ako tawag ng tawag samantalang siya, nageenjoy lang pala!! Eh pinag alala ako ng babaeng to!

"Labaaaas!!!" gulat na sigaw nito

"Kanina pa kita tinatawagan!!" inis na sigaw ko..

"Oo na! Mag usap tayo mamaya pero please, lumabas ka muna!!! "

Unti-unti akong lumapit sa kanya..

"Ah--Sir.."

"Anong sabi mo? "

"Sir."

"Diba sabi ko don't call me sir kapag wala tayo sa office? "

"Lumabas ka na kasi!" inis na sabi nito.

"Pinapalabas mo ako ? Teka, kanino bang bahay to? Sayo ba? " pang iinis ko dito..

Nagulat ako ng wisikan niya ang mukha ko ng bula.. At talagang hindi siya natatakot sa akin? Hindi lahat ng sitwasyon ay pwedeng idaan sa biro..






Inip akong naghihintay ng explanations niya regarding sa mga naging expenses niya! Alam kong ibinigay ko ang credit card ko sa kanya but hindi ko inexpect na gagastos siya ng ganun kalaki.

"Eh diba sabi mo Cash Advance naman iyon. So, hmm, ibawas mo na lang sa sahod ko. "

"Baka nakakalimutan mo Rita, wala ka pang isang buwan! Masyado ng malaki ang expenses mo!"

"Hoy Ken Chan! Tandaan mo, ikaw ang may kailangan sa akin! " inis na sabi ko dito..

Napailing ako at seryosong lumapit sa kanya..

"Ikaw ang may binabayaran sa akin. Ang pagiging fake fiancee mo ay kulang pa na kabayaran sa nabasag mong vase! " naalala ko na naman yung galit ni Tita Cynthia tungkol sa pagkabasag ng vase niya..

"Juskoo, gusto mo samahan kita sa Divisoria or sa Quiapo para makabili ng mas magandang vase kesa dun!!! "






Napipikon na ako sa kanya. Napahilamos na lang ako sa mukha at padabog na nilisan ang kwarto nito.







Tasteless BloodWhere stories live. Discover now