Singapore

491 28 6
                                    

Rita's POV

HINDI maipinta ang mukha ko habang papunta kami ngayon sa isang bahay na sinasabi nitong si Ken..

"Ayos ka lang? Kinakabahan ka ba? Don't worry!I'll be gentle!" sabi nito at madiin kong pinisil ang kamay nito..

"Bakit kasi hindi mo sinabing magkasing init lang pala yung Singapore at Pilipinas? Tingnan mo tong sweatshirt ko! Basa na ng sweat!" gigil na sabi ko dito..

"Okay lang yan. Ipapahanda ko na yung shower para pagdating natin, dire diretso na.." pang iinis nito ..


"Neknek mo!!!" singhal ko at tawa na naman siya ng tawa..


"Bilisan mo na kasi yung lakad mo! Malapit na tayo!"

"Bakit kasi pinaglakad mo ako!!! Alam mo naman na init na init na ako!!"

"Wow? Parang di ka naman sanay sa init ng Pilipinas!"






"Hala! Ken! Ang ganda oh! Yung building! Picturan mo ako dali!!" sabi ko dito at wala siyang nagawa kundi sundin ako..






"Diyan ka lang Ken. Pipicturan kita!" sabi ko dito at napilitan itong magpose. Kunyari Candid! HAHAH. Bakit ang gwapo!!! Haaays..





Pagdating namin sa isang kulay puti na bahay, may sumalubong sa amin na isang babae at lalaki.. Siguro nasa 40's na yung age nung girl pati nung boy. Bumeso ito kay Ken..






Pagpasok namin sa bahay ay napansin kong tinapunan ako ng tingin nung Babae.


"Ah, Rita.. This is Tito Garry and Tita Cynthia.. Si Tita Cythia nga pala yung may ari ng vase na nabasag mo.." sabi ni Ken at nahihiya akong tumingin kay Tita Cynthia..


"Tita, She's Rita Daniela, ang bumasag ng vase mo.." pag susumbong nito. Nahihiya akong nakipagkamay dito..

"Hi Po Tita! Yung totoo po kasi ay si Ken po talaga yung may kasalanan kung bakit nabasag yung vase. Paano ba naman hu kasi, alam niyang may for interview siya that day pero hindi itinabi yung masterpiece na ginagawa niya. So siya po talaga ang totoong may kasalanan!"

"Ano? Bakit ako? Ikaw nga yung nangialam ng bagay na hindi naman sayo——" natigil magsalita si Ken ng magsalita si Tita Cynthia




"Shut up! Kayong dalawa, dito pa talaga kayo mag aaway? Hindi niyo ba yan napag uusapan sa bahay niyo? Kakakasal niyo lang nag aaway na agad kayo!" sabi nito pero sinamaan ko parin ng tingin si Ken.


"I'm sorry Tita." hingi ng paumanhin ni Ken.




"So your Rita Daniela.." kinabahan ako ng tingnan ako muli ni Tita Cynthia. Itinaas nito ang suot niyang salamin para mas makita nito ang ganda ko..



"Okay. kayong mag-asawa, bukas na kayo mamasyal dito sa Singapore, gusto ko lang makausap si Rita ngayon.." sabi ni Tita at bigla na naman akong kinabahan.


Napatingin ako kay Ken at tiningnan niya ako na para bang nagwawarning sa posibleng gawin or sabihin ng Tita niya!


Sumunod ako kay Tita Cynthia sa rooftop. Juskoo.. Baka ilaglag ako nito dito ..








"Alam mo ba, nagkaroon kami ng away niyang si Ken dahil sa pagkabasag ng vase. Alam niya kung gaano kaimportante sa akin yung vase na yun. Kaya nung pumunta siya dito para aminin ang pagkabasag ng vase ay mabilis kong kinancel lahat ng pinapagawa ko sa kanya.. Isang buwan ang lumipas, hindi ko rin natiis yang pamangkin ko. Tumawag ito sa akin at ibinalita na magpapakasal na siya. Actually, accident kong nalaman iyon eh.. Bilang pangalawang magulang ni Ken, dapat ay makilala ko yung babaeng pinakasalan nito at ikaw nga iyon.."

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now