Wedding

497 38 13
                                    

Rita's POV

I was preparing para sa civil wedding namin ngayon ni Ken ng mapansin kong medyo bukas yung pinto na namamagitan sa kwarto namin. Isasara ko sana ang pinto ng marinig kong may kausap ito.. Hindi ako sanay makinig sa usapan ng iba pero nang marinig ko ang pangalan ko ay mas nilakasan ko ang loob kong makinig..May kausap ito sa laptop niya. Video call.



"Bro, I'll be getting married today!" Mas idinikit ko pa sa pintuan ang tainga ko habang iniiwasang magalaw ito.

"Talaga? Akala ko ba playtime lang? Legal wedding talaga?" may pang aasar na sabi ng kausap ni Ken..



"Yes . Legal for 1 year. Ako na mismo magbabayad at namili sa mapapangasawa ko. Kailangan ko lang tapusin lahat ng deals ko dito at matutuloy na ang pagbalik ko diyan.." sa puntong ito ay unti-unting kumunot ang noo ko. Aalis siya?

"Bakit nga pala 1 year lang? Kung magpapakasal ka na, bakit ka pa babalik dito? Dapat enjoyin mo na lang yung buhay may asawa.."

"Diba, Para hindi ituloy ni Papa yung gusto niyang mangyari sa buhay ko. Ipapakasal niya ako sa anak ng mga Lee ? Sino siya para kontrolin ang buhay ko. I have my own life. Actually, fake marriage ang mangyayari. Si Barbara na ang bahala sa mga legal documents para halatang totoo.." unti-unti akong naharap sa realidad. Fake. Hired. Ilang salita pa ba ang kailangan ko para ipamukha sa akin na lahat ng ito ay hindi totooo?


"Fine. So baka naman pwede mong ipakilala sa akin yung finacee mo?"

"For what?"

"Para makilatis. Papasa ba yan sa "KEN TYPE"HAHAHAHA.."


"This time, trust my judgement..maayos naming tatapusin itong deal.."

"Talaga lang ha?"

"My fake fiancee is not really a Ken Type but, She's pretty, amusing and funny! You will like her."

"Bakit napapangiti ka? Naku tol! Mukhang hindi peke yan hah!" Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa pa ako pero hindi sa ngayon. May kung anong mabigat na bagay na parang nakadagan sa dibdib ko.

"San Jose, wag mo akong gawan ng issue. I'm just telling you facts!"


"Facts? Ibahin mo ang spelling maniniwala pa ako. Aminin mo na, Tinamaan ka ? Mahal mo na?"

"Sabi ko na sayo dati. Hindi na ako naniniwala sa love or marriage. Kaya nga babayaran ko ang mapapangasawa ko diba? My life is complicated as it is. Hindi rin ako magmamahal para walang masasaktan.." Gusto ko nang lumayo sa pintuan para wala na akong marinig pero hindi ko mahakbang ang mga paa ko. Gusto ko marinig lahat ng sasabihin ni Ken.


"Hindi ka parin ba tapos sa pag momove on sa kanya? Hindi bagay sayo ang mag emote. Hindi bagay sa image mo. Magsasama kayo ng isang taon sa iisang bahay, imposibleng hindi ka mahulog sa kanya."


"Let's make a bet"

"Sige, I'll make a deal. If you fall for her within the years time, you'll give me your Aston Martin Vanquish, If you don't , I'll give you my loyalty.."

"Sira Ulo ka San Jose! Bakit sa akin, Loyalty lang ang premyo?"

"Ang mahal ng loyalty ko Mr. Ken Chan! Magiging sunod-sunoran ako sayo ng isang taon! Pero syempre hindi ko iyon gagawin kasi sure ako na mapapasaakin ang Kotse mo! Excited na ako Bro!!"

"Napakadaya mo! Magsama nga kayo ni Ethan!"


"Hindi naman ako kasing yaman mo para pumusta ng kotse!"


Tasteless BloodWhere stories live. Discover now