She

588 36 8
                                    

Rita's POV

Kanina pa ako katok ng katok sa bahay ni Jeng pero ayaw ako pagbuksan.. Akala yata ay pulis ako.. Haaays. Sinilip ko mula sa maliit na butas sa gilid ng pinto kung may tao sa loob.. Bukas naman ang ilaw.. Sinilip ko pa ng maayos at nakita ko si Jeng na may hawak na kutsilyo.. Self defense yun? Tsss.. Napairap ako..

"Hoy Jeraldine Domingo Masimsim, buksan mo to. Si Rita to!" inip na sigaw ko.. Naramdaman kong mabilis siyang lumapit sa pinto at sinilip ako mula sa butas.. I raised my middle finger at sabay na pag irap ko dito..



"Dis oras ng gabi na Rita! Akala ko kung sino na!" sabi nito at nadako ang tingin ko sa malaki nitong tiyan.

"Hindi ka parin nanganganak? overdue na yan ah!" sabi ko sabay pasok sa bahay nito..


"Anong ginagawa mo dito? Maniningil ka ba ng utang? Pasensya na—-"


"Dito ako makikitira." sabi ko sabay kuha ng isang stick ng sigarilyo na nakita ko na nakaipit sa dingding .. Mabilis niyang inagaw sa akin ang stick at ibinalik iyon sa lagayan..


"Bumili ka ng sigarilyo mo!" sabi ni Jeng at natawa ako.


"Siraulo ka ba? Buntis ka Jeng tapos naninigarilyo ka?"


"Huminto na ako sa paninigarilyo. Tinago ko lang yan in case na manganak na ako, magagamit ko ulet.." inirapan ko ito at natawa ako.


"Wala nang ispirito yung sigarilyo mo! Ilang buwan na yatang nakabukas yung lagayan.. Hindi na yan masarap.."

"Hoy Rita. Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo ha?"

"Hindi nga. Pero parang trip kong matuto ngayong gabi kaya ibigay mo na sa akin yung isang stick.."

"Ang kulit naman Rita. Alam mo, umuwi ka na sa bahay mo. Or kung saan ka nakatira ngayon. Hindi ka naman makakatulog dito sa bahay ko. Masikip.."

"So nakakadagdag sikip talaga ako sa bahay mo? Ganun na ba talaga ako kalaki?" Pucha!! Naalala ko na naman yung haliparot na uod kanina. Tinawag ba naman akong whale. Eh kung ihulog ko kaya siya sa dagat para papakin ng shark ! Arggh..


"Umuwi kana." pagtaboy ni Jeng sa akin.




"Eh kung ikaw kaya palayasin ko dito sa unuupahan mo! Baka nakakalimutan mong ilang buwan ka nang libreng nakikitira dito!"


"Diba mas malaki yung bahay mo sa kabila? Bakit ayaw mo dun?"



"Ayoko dun. Dito ang gusto ko." Ayokong matulog sa bahay.. Baka puntahan ako ni Ken dun. Tsk. Ang tanga ko talaga para isiping pupuntahan pa ako ni Ken dito eh no! May Arra na siya Rita..


"Fine. Matulog na tayo.." sabi nito at tinulungan ko siyang ilatag ang banig nito..

















Ken's POV

Wala akong ganang pumasok sa opisina ngayon pero kailangan dahil alam kong madaming trabaho na naman ang gagawin ko.. Pagpasok ko ng office, mabilis kong tinawagan si Nix para magpapunta ng maglilinis ng mga dumi at kalat na iniwan ni Rita sa kwarto ko.. Magmula sa basag na flat screen tv, basag na vase, mga putik at lupa sa kama ko.. Hindi na talaga ako nakatulog.. Aalis na lang talaga siya ng bahay ko ng hindi pinapakinggan ang paliwanag ko? Alam kong nasaktan ko siya pero sana pinakinggan niya muna ako... Pareho lang silang lahat na iiwan ako na para bang lahat lahat ay kasalanan ko...

Mabilis kong dinampot ang phone ko ng si Nix na ang tumawag sa akin..


"Ken? Papunta na yung mga maglilinis sa bahay mo. Don't worry, sasamahan ko sila para sure na walang mawawala sa gamit mo.." sabi ni Nix



"Salamt Nix. Hmmm, pwede bang mag hire ka ulit ng bagong assistant ko dito sa opisina? Matatambakan ako ng trabaho ngayon lalo na at madami akong client.."



"Hindi na ba talaga babalik si Rita?"




"Sa tingin mo sa lahat ng nakita at nalaman niya kahapon, babalik pa siya?" inis na tanong ko kay Nix at tinawanan ako..

"Bakit kasi di ka nagpaliwanag?"



"Magpapaliwanag saan? Sa sarado ang isip?" inis na sagot ko dito at mabilis kong inend ang call.. Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong may nagbukas ng main door ng DKS Designs..









"Bakit nandidito ka?" malamig na tonong tanong ko kay Rita nang pumasok ito sa pinto at pabagsak na inilapag ang bag sa pwesto niya.





"Why? Dito ako nagtatrabaho ah.." bakas sa boses nito ang inis..



"Dito?"




"Ano? May amnesia ka na? Sa bahay at buhay mo lang ako umalis. Ito yung trabaho ko. Hindi pa naman ako nagresign sa DKS at hindi mo din ako sinisante.. Dito parin ako nagtatrabaho..At kung papaalisin mo ako dito ng walang valid na reason, magkikita tayo sa opisina ng DOLE, irereport kita at itong kumpamya mo. Marami akong kilala doon.." matapang na sabi nito.. Hindi na ako nakapagsalita ng magsimula na itong magbukas ng desktop..



Padabog akong pumasok sa office ko at sinarado ang pinto.. Napahilamos ako sa mukha ko at halo-halong emosyon na naman itong nararamdaman ko.. Kung tuluyan na siyang lalayo sa buhay ko, bakit pa siya nandidito? Para ano? Para bumawi sa pagsisinungaling ko. Sa hindi ko pagsabi ng lahat lahat sa kanya?


Wala ako sa kondisyong tinitigan ang natapos kong layout ng magiging design ng bahay ni Lola Fe.. Dapat ay ngayon week na namin makumpleto ang furnitures...





Napatingin ako sa pinto ng kumatok si Rita dito..




"In."





Pumasok ito at may dalang reports . Nakafolder ito at inilapag niya sa table ko. Napatingin ako sa mga daliri niya.. Parang may kung anong bagay ang sumakal sa dibdib ko ng hindi ko makita sa mga daliri niya ang dalawang singsing.. Hindi na ako magtataka kung itinapon na niya ang mga iyon. Pero knowing Rita, sa paraan na mas mapapakinabangan niya ang mga ito. For sure sinangla na niya ang mga ito at dinonate na naman sa Barangay nila..

Wala siyang imik na lumabas ng office ko at isinara muli ito...






Napatingin ako sa wallclock.. 12:30pm na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.. Napapikit ako. Bakit ba ako mag eexpect na kakatok siya dito para dalhan ako ng lunch? Tss.. Tumayo ako para mag lunch out. Pagbukas ko ng pinto, wala si Rita sa area nito.. Nandodoon pala siya sa pantry, naghuhugas ng pinagkainan niya.. Kumain na pala ito..






Buong working hours ako walang gana magtrabaho.. Tumayo na ako at kinuha ko ang phone ko para umuwi.. Paglabas ng office ay nakaupo pa si Rita sa upuan nito at magreretouch pa yata..





"Uwian na. Walang OT ngayon, kailangan kong umuwi ng maaga dahil sa iniwang kalat ng pusa sa bahay ko.." napatingin ito sa akin at agad na nag iwas din..


"Okay." sagot nito pero tuloy lang siya sa pagpunas ng tissue sa mukha niya..




"Uuwi na ako." pag ulit ko



"Ano? Mag ba-bye bye pa ba ako hah? Edi umalis ka na! Ako na mag lolocked ng office.."


Napatingin ako sa pinto ng office ko.



"Umuwi kana. Wala akong nanakawin dito. Nakalocked naman na siguro yung pinto ng office mo diba? Wala din akong babasaging desktop. Wag ka mag alala.."




Napapikit ako at mabilis na lumabas ng office..






Pagbaba ko sa basement ay nasipa ko ang gulong ng kotse ko at inis na pumasok sa loob nito...







Kung galit siya. Galit din ako sa kanya at sa sarili ko..











❤️

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now