Good Night

582 37 12
                                    

Ken's POV

"Hoy Ken Chan! Hindi mo ba talga titikman yung Kare-Kare ko? Puro ka gulay!" naiinis na sabi ni Rita dito sa tabi ko.

"Ayoko nga. Baka may gayuma mo pa yan!" bulong ko at natawa ako ng kurutin niya yung tagiliran ko..

"Minsan lang ako magluto niyan kaya tikman mo na! Isusumbong kita kay Tita Cynthia pag di mo yan tinikman!!!" Ayan na naman siya! Porket mas close na sila ni Tita Cynthia!


Napilitan akong kumuha ng Kare-Kare at kinuha ang platito na may alamang sa gilid nito.. Sakto ang pagbalik nila Tita na kumuha ng Yelo sa kusina..


Napadami ang nakain ko dahil sa babaeng ito. Tss.. Problema ko yung gym ngayon dahil nasa Singapore kami!

"Kayong dalawa, dapat kapag nag aaway kayo, dapat isa sa inyo yung bababa agad ang pride para maayos agad. Especially Ken. Huwag paabutin yung away kinabukasan..Payong Tita lang.." sabi ni Tita Cynthia at natawa si Rita.

"Teka? Bakit ako?" inis na sagot ko.


"At Bakit hindi? Ikaw ang lalaki Ken Chan!" sabat ni Rita sabay sandal sa balikat ko..


"Tama si Rita. Dapat lalaki ang mas mabilis umintimdi at mas mahaba ang pasensya!" sabat ni Tito. Ok! Talo na naman ako dito.

"Teka ! Ako yung pamangkin niyo! Dapat nasa side ko kayo!" napansin kong pinanlakihan ako ng mata ni Tita.

"Fine! Happy?" tanong ko kay Rita at nginitian niya ako. Yung malaking ngiti nito!





"Happy!"





Hindi alam nila Tito at Tita na fake marriage lang ang meron sa amin ni Rita. Mukhang mali yata yung decision kong dinala ko siya dito..Hindi pwedeng magtagal pa kami dito dahil baka mas lalong magalit sila Tita sa akin kapag nalaman nila ang totoo.



"Babalik na pala kami ng Pilipinas bukas.." biglang sabi ko at lahat sila napatingin sa akin. Hindi natuloy ni Tita yung pagliligpit niya ng mga pinggan at natigil ang pag aayos ni Tito sa mga upuan..


"Bakit? Akala ko ba tatlong araw kayo dito? Hindi mo pa nga napapasyal yang asawa mo dito sa Singapore!"

"Oo nga Ken! Bakit biglaan naman!" napatingin ako kay Rita na humihikbi. teka? Umaarte ba siyang naiiyak!? Hoy !




"Nangako ka sa akin! Diba nangako ka na ipapasyal mo pa ako? Bakit uuwi na agad tayo?? Sinungalin ka!!" umiiyak na sabi nito sabay hampas sa dibdib ko. Umaacting siya!!! Para hindi kami agad makauwi bukas! Arghhh! Rita!! Mabilis na lumapit si Tita kay Rita at niyakap ito. Galit na napatingin si Tita sa akin na para bang dapat na bawiin ko yung sinabi ko!



"Fine! Hindi pa tayo uuwi bukas." pagbawi ko sa sinabi ko at napatingin ako kay Rita na ngayon ay kinindatan ako na para bang nang aasar! Nakahanap ng kakampi dito sa Singapore!!! Aba! Rita!!



"Mag enjoy muna kayo dito bukas! First time ni Rita dito eh!"







"Tara! Matutulog na tayo!" malamig na tonong sabi ko at hinablot ko na ang kamay ni Rita para pumasok sa kwarto namin..














Rita's POV

PAGPASOK namin ni Ken sa kwarto ay mabilis niya itong nilock at nakapameywang siyang nakatingin sa akin na para bang pinag eexplain niya ako sa ginawa ko kanina..

"HAHAHHA! Ken! Diba sabi ko sayo? Pwede na akong mag artista!!"

"At talagang tawang tawa ka sa ginawa mo kanina hah? Ano yun hah? Bakit ka umaarte ng ganun? Dapat na tayong bumalik ng Pilipinas! Hindi tayo pwede magtagal dito!"

"Sabi mo galingan ko umarte bilang fake wife mo diba? So ginawa ko lang yung sinabi mo. Bilang isang wife, gusto ko pang libutin ang Singapore eh!!"

"Bahala ka! Mamasyal ka mag isa mo bukas dito sa Singapore! Hindi kita sasamahan!" inis na sabi nito.

"Bilang asawa ko! Sasamahan mo ako bukas!" sabi ko dito at napatayo na ako.

"No!" pagmamatigas  nito. Mabilis siyang umupo sa kama at nagtatanggal ng sapatos at medyas.. Lumapit ako sa kanya at ako naman ang nakapameywang.


"Ano? Mag aaway tayo? Tutulugan mo lang ako ng hindi tayo nagkakaayos? Baka nakakalimutan mo yung sinabi ni Tita kanina! Sasamahan mo lang naman ako bukas eh!"

"Salary deduction lahat ng gagastusin mo bukas. Sana maligaw ka. Goodluck!"

"At talagang hinihiling mo pang maligaw ako hah! Tsaka wag mong dalhin ang pagiging boy kaltas mo dito!"

"Wala akong ibibigay na budget mo bukas. Bahala ka!" inis kong tiningnan si Ken.


"Well. Prepared ako! Hindi mo ako bibigyan ng budget? Pwes, may pera pa ako! Hindi mo ako sasamahan? Fine! May mapa ako ng buong singapore! Ako na lang ang aalis bukas!" inis na sabi ko dito.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Ken at napaupo ako sa kanlungan niya..Huminga ako ng malalim ng maramdamn ko ang matigas na bahaging naupuan ko.. WTF?. Dahan dahan niyang hinawakan ang chin ko para mas matitigan niya ang mga mata ko.. Kahit hindi masakit ang pagkakahawak niya sa baba ko ay iba naman ang pakiramdam ng talas ng tingin niya. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. Kinakabahan akong nag iwas ng tingin..

"Huwag mo akong paglaruan lalo't nasa puder kita. Kung umaarte ka bilang fake wife ngayon, Can I also act to be your fake husband? Seryoso siyang napatingin sa akin at nagbaba ang tingin niya sa dibdib ko..

"I want you , Now.." sabi nito at mabilis pa sa isang segundo ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko nagawa. Mahigpit niya akong niyakap at bumulong..

"Akala mo ikaw lang marunong umarte hah?HAHAHAHAHAHAHAH" tawang tawa siya sa binulong niya at mabilis ko siyang sinampal at napatayo ako..


"Siraulo kang manyak ka!!" gigil na sigaw ko dito..


"HAHAHA. Namumutla ka hoy! Tingnan mo sarili mo sa salamin! HAHAHAH.."


"Subukan mong lumapit! Ibabato ko tong lamp shade!!" gigil na sigaw ko.


"Huwag yan! Matigas yan!"

"Mas matigas ka!" maging ako ay nabigla rin sa nasabi ko. Kahit kailan talaga ay may sariling buhay ang dila at bibig ko. Kinagat ko ang labi ko upang hindi na makapagsalita pa. Nag init rin ang pisngi ko sa kahihiyan lalo na nang makita kong alam na niya kung anong tinutukoy ko. Imbis na mainis ay ngumisi pa ito sa akin. Napahawak siya sa batok niya at tuluyang pumasok ng banyo..



Napaupo ako sa kama habang inaalala ang nangyari kanina. Acting niya lang yun? Eh bakit pakiramdam ko ay totoo?? Hinilot ko ang sintido ko at muli akong nakaisip ng igaganti sa Ken Chan na to!




Napansin kong basa ang buhok ni Ken paglabas nito sa banyo.. Bumalik yung tingin niyang inis sa akin na kanina lang ay tingin ng pagnanasa. Joke!

Mabilis akong lumapit kay Ken para kalabitin ito habang hawak niya ang phone niya. Inis niya akong nilingon..

"Sasamahan mo ako bukas." may awtoridad na sabi ko dito..




"No!"




"Please!"




"Matulog ka na!" inis na sabi nito.







"Bakit? Napatulog mo na ba yang alaga mo?" pang iinis na tanong ko dito at halatang uusok na sa pula si Ken sa tinanong ko. Mabilis akong pumasok ng banyo bago pa ako ulet pagtripan nito. HAHAHAHA..

















❤️

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now