Wala

725 41 16
                                    

Rita's POV

Nangalay ang beywang ko dahil nakatulog pala ako sa kama ni Dasher.. Pagkagising ko, gising na pala itong anak ko.. Nakangiti siyang nakatigin sa akin at hinatak ako para tumayo.. Binuhat ko si Dasher pababa ng hagdan.. Wala akong ganang pumasok ngayon sa trabaho.. Pagpasok namin ng kusina ay bumungad si Lola Fe sa akin.. May nakahanda na palang breakfast..


"Hindi ka ba papasok iha?"




"Hindi po Lola Fe. Ma-masama po kasi yung pakiramdam ko.." sagot ko dito ng hindi tumitingin.. Pinaupo ko si Dasher sa upuan at nilagyan ng kanin yung plato nito..



"Bakit? Ano bang sakit mo?" lumipat ng pwesto si Lola Fe at nakita na niya ang mugto kong mga mata..




"Rita! Iha! Bakit?" nag aalalang tanong ito.. Napakagat ako sa labi ko at napatingin kay Dasher..



"Lola, kain na po tayo..." pag iba ko ng topic.. Alam kong naiintindihan ni Lola Fe yung pag iba ko ng topic. Alam kong alam nila na ayaw ko munang pag usapan kung ano man ang dahilan ng mga mugto kong mata..


Napatingin ako sa phone ko ng tumawag si Tita Celeste..






"Hello po Tita?"



"Iha, dumaan si Ken dito sa office.. Hiniram yung susi ng bahay mo.. Ngayon na pala sila mag aayos ng interior mo.. Dumating na din pala yung mga furnitures... Makakadaan ka ba dun?" napayuko ako at hindi muna sumagot..



"Hi-hindi po ako makakapunta doon.. Masama po kasi yung pakiramdam ko.. Mas mabuti naman na gagawin na nila agad yung designs.. Excited na akong matapos yun Tita.."



"Ok Iha. Sabihan ko na lang si Ken na dito na lang ulet ibalik yung susi.."










Napatingin ako kay Dasher na busy sa pagkain.. Hinalikan ko ang ulo nito at may kung anong kirot na namang namumuo sa dibdib ko..












Ken's POV

"Nix, dumiretso na lang kayo sa address na binigay ko.. Dadaan lang ako kay Tita Celeste para mahiram yung susi.. Wag kang maarteng mainit dun dahil hindi ka na puputi.." sabi ko habang kausap ko si Nix sa phone..


"Ken naman! Wala bang pa welcome sa akin? First time ko kaya dito sa Cebu! Kung di ka lang talaga malakas sa akin ay di ko na sasamahan tong mga nagdedeliver!!"


"Wala pang 15 minutes, nandiyan na ako!" inis na sabi ko at inend ko na ang call..



Walang gana akong bumaba ng kotse at napatingin sa building ng Liberty Wine.. Pag akyat ko sa 11th Floor ay agad naman akong pinapasok ng secretary ni Tita Celeste sa office nito.. Napatingin ako sa desk ni Rita. Wala pa ito..

Pagdating ko sa beach ay inip na nakaupo si Nix sa isang bench sa harap ng bahay ni Rita.. Nakapayong ito at panay ang inom ng tubig..



"Hoy Nix! Ano yan?" nagtatakang tanong ko..



"Hey Ken Chan!! Ang tagal mo.."


"Ito na yug susi. Tsaka nasaan na yung mga staffs at yung nagdeliver? Umpisahan na natin yung pag aayos para matapos na agad.."


"Wait lang! Gusto mo na agad matapos? Kakarating ko lang oh! Maliligo muna ako sa beach.. Sakto oh! Ang init init.."


"Nix! Ano ba! Walang magbebeach. Trabaho ang pinunta mo dito..Nasaan na ang delivery receipt? Uumpisahan ko na ang pagrereceive.."


Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon