Sir

518 34 6
                                    

Rita's POV

Kulang talaga ako sa tulog.. Papikit na ang mata ko ng mapansin kong pabukas na yung pinto ng office ni Ken. Lumabas na ang dalawang kaibigan nito.. Nakangiti silang nakatingin sa akin.. Si Atty Ethan, ang cute cute talaga ng mata pag ngumingiti...




"Atty. Ethan! Pakikamusta na lang po ako kay Atty. Barbara ah!" nakangiting sabi ko dito..




"Oh Sure! Kinakamusta ka din pala niya! Hmm, oo nga pala, hinihingi din ni Barbara yung contact number mo.." sabi nito sabay abot sa akin ni Atty. Ethan ng phone niya.. Laaaah! Beshy na ba kami ni Atty. Barbara? Eeeh.. Nakangiti kong kinuha ang phone, hindi pa man ako nakakapagtype ng numero ay siyang paglabas ni Ken sa office nito..


"Ano yan?" may inis na tonong tanong nito sa akin.. Sabay sabay namin siyang nilingon..


"Ito? Cellphone.." sagot ko sa kanya at napansin kong natawa si Sir Nix..


"Alam kong cellphone yan. Bakit hawak mo yan?"



"Hoy ! Hindi ko to ninakaw hah! Inabot ni Atty Ethan! Hinihingi ni Atty Barbara yung number ko..!!" paliwanag ko sa kanya at tinype ko na yung number ko..


"Bakit naman?" baling nito kay Ethan..

"I don't know! Baka pinaglilihian si Rita! Bukambibig niya yan mula nung nagkita sila sa Tagaytay!" Nanlaki ang mata ko.. Pinaglilihian ako ni Atty Barbara? Juskoo. Nakakahiya..


"Pingalilihian? Huwag mo nga akong niloloko. Malapit ng manganak yung asawa mo noh! At ikaw, pwede bang wag mong kinakausap tong dalawang to.."


"At bakit naman? Kilala ko sila. Sino ka ba para pagbawalan akong kausapin sila?" inis na tanong ko dito.


Hindi ito sumagot at inis na bumalik sa office nito. Sa pagkalabog ng pinto ay alam kong galit ito..



"Sige na Rita. Mauna na kami.. See you around!" nakangiting sabi ni Atty Ethan..




Paglabas ng ikatlong client sa office ni Ken ay tinawagan ako nito sa telepono..




"Pumasok ka dito. May iuutos ako.."





Nagmadali akong pumasok sa office nito.. May inabot siyang sticky note at nakasulat doon ang pinapabili niya..


"Sa national bookstore meron niyan. I need it now. Nagkulang kasi yung stock ko ng glue.."
Kunot noo siyang tumingin sa akin ng naglahad ako ng kamay sa harap niya..


"Ano?"



"Pamasahe ko tsaka yung pambili!" inis na sabi ko dito.. Mabilis siyang kumuha ng One hundred at yung credit card na pinapagamit niya sa akin dati..Mabilis kong kinuha at lumabas na ako ng office niya..

Kinuha ko ang phone ko at bag. Mabilis akong bumaba at nagpara ng jeep papuntang National Bookstore malapit dito sa Quezon Avenue..


"(4) Gorilla Super Glue.." natawa ako sa glue na bibilhin ko. Bagay sa kanya. Gorilla.


Pagkabili ko ay dumaan muna ako sa isang convenient store para magpalamig.. Pagpasok ko, naglaway yata ang bagang ko sa estudyanteng kumakain ng Vanilla Ice Cream. Dahil sa tindi ng init, humugot ako ng bente pesos sa bag ko at binili ng ice cream. Umupo muna ako at nilabas ang phone ko.. Naki wifi na rin ako.. Ang daming job opportunities sa jobstreet ngayon.. Panay scroll ako ng may unregistered number na tumawag sa phone ko..

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon