Balic-Balic

504 38 6
                                    

Ken's POV

Patapos na ang working hours ng mapasandal ako sa swivel chair. Naalala ko na naman yung sinabi ni Rita kanina..

"Ang husay mo!!!"

Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa sinabi niya. Dahil ba sa bukod sa mga kliyente ko ay si Rita lang ang nagagalingan sa akin? All of my friends, and even my Dad, naweweirduhan sila sa Propesyon na pinasok ko..

Si Rita lang yung bukod tanging nakakaappreciate ng mga gawa ko..


Napailing ako. Rita had been occupying my mind this past few days. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung bakit. Hindi ito pwede. Dapat ilagay ko sa isip ko na lahat ng ito or yung mga posible pang mangyari ay FAKE. Hindi ako pwedeng maattached sa kahit na sino..












Rita's POV

Nakatayo ako sa harap ng bahay ni Aling Wenna. Kakatok na sana ako ng gulatin ako ni Mona.

"Ano na Mona! Aatakihin ako sayo eh!"


"Mars kasi!! Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang miss na kita!"


"Alam ko naman na maraming nakakamiss sa akin eh!" maarteng sabi ko sabay flip ng hair.




"Eh bakit ka bumisita?"


"Maniningil ako! Sayang din yung 4K noh! Tsaka kinuha ko yung bill ng tubig at kuryente.. Kailangan kong bayaran to eh. Mahirap na, baka maputulan sila Aling Wenna at Jeng..."

"Sige na Mars! Pasok na ako!" bago umalis si Mona ay hinatak ko yung sling bag niya..

"Hep hep hep! Kamusta finals mo?"

"Syempre hindi bagsak. Muntik lang! HAHAHAHA.."

"Loka loka! Umayos ka, graduating ka na!"

"Yes po!!"

Napangiti ako habang tinatanaw si Mona na papaalis.



Matapos kong kunin yung bayad ng renta ni Aling Wenna ay sumunod kong kinatok si Jeng. Himala yata na nandidito siya sa bahay niya ngayon.

"Rita? Napabisita ka?" gulat na sabi nito . Diretso akong pumasok sa loob ng bahay nito.


"Maniningil ako syempre!!"


"Hmmm. pwede bang pass muna ako ? Hindi ako makadelihensya eh!"

"Jeng, hindi ka parin ba tumitigil sa pagnanakaw mo?" Natahimik ito at nakayuko lang.. Maya maya ay napansin ko ang paghikbi nito.

"Hoy Jeng! Bakit ka umiiyak? Wala pa akong ginagawa sayo! Kung wala ka namang pambayad ay ok lang.."

"Pa-pasensya na talaga hah. Ma-malaki kasi yung problema ko ngayon.." kumunot ang noo kong napatingin sa kanya ng tanggalin niya ang towel na nakatakip sa kanya.. Nanlaki ang mata kong niyakap siya.. medyo umbok na ang tiyan nito. Bakit di ko ito nahalata nung nagtago siya sa bahay?

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now