Gori

637 43 13
                                    

Rita's POV

Mabilis kong kinarga si Dasher dahil hindi ito tumigil sa pag iyak.. Kanina pa kasi nawawala yung stuffed toy nito... Hindi kasi to makatulog kapag wala yun sa tabi niya...

"Excuse lang guys hah, hanapin ko lang yung laruan nito.. Inaantok na kasi to.." sabi ko at tumungo kami sa ibaba.. Nakabukas yung private room ni Tita Celeste.. Nagpasya akong pumasok para itanong kay Tita yung laruan..



Bumulahaw ng iyak si Dasher nang papasok kami ng room kaya ibinaba ko na ito para makapaglakad papunta sa mga Lola niya.. Pero nagtaka ako ng madami palang tao sa loob ng room maliban kila Tita Celeste at Lola Fe..



"Tahan na Dasher.. Saan mo ba kasi nilagay si Gori???"


Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Atty Ethan, San Jose? at mas napako ang tingin ko sa lalaking multo ng nakaraan ko...












"Rita?" rinig kong sabi nito.. Bago pa man ako mabuwal sa kinatatayuan ko, mabilis kong kinarga si Dasher papunta sa kusina.. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko? Bakit ba sila nandidito? Paano nila nalaman na dito ako nakatira? Shit! Ang daming tanong na naman sa utak ko..






"Rita!" napalingon ako kay Ken ng sumunod ito sa akin. Ibinaba ko si Dasher na hindi parin tumigil sa pag iyak.. Umayos ako ng tindig at buong tapang kong hinarap si Ken at inayos ko ng bahagya ang aking hinaharap.. Nakasuot kasi ako ng White crop top na ipinaibabawan ng white coat.. Baka kasi nadislocate yung suot ko sa loob nang kinarga ko si Dasher... Mahirap na, baka sabihan pa akong di prisentable sa muli naming pagkikita.. Napatingin ako kay Dasher ng hilahin nito ang kamay ko..



Umupo ako ng bahagya para punasan at kausapin si Dasher. Ayoko kasi na lagi itong umiiyak ..

"Tahan na. Bibili na lang tayo ng bago mong stuffed toy!" sabi ko dito at hinalikan ko sa ulo..Nakatalikod ako kay Ken...Wala akong pakialam kung andito man siya.. Gusto ko lang mapatahan ang anak KO.



"Ito ba yung hinahanap niya?" Napalingon ako kay Ken ng iabot nito si Gori, yung stuffed toy ni Dasher..


"Bakit nasayo to??" inis na tanong ko sabay hablot sa laruan ng anak KO.

Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong may parang candy wrapper na nakasabit sa inagaw kong stuffed toy.. Kinuha ko ito at tiningnan.. Pabulong akong napamura ng marealize ko kung ano ito..


"Ano to!!" inis na tanong ko kay Ken.




"Condom/Candy!" palipat lipat ang tingin ko kay Ken at kay Dasher dahil sumagot ito ng candy..




"A-ano? Hoy Ken Chan! Bakit may condom sa laruan ng anak ko?!!! Kung ano-anong tinuturo mo sa bata!!"



"Hindi akin yan! Kay San Jose yan! Tsaka binigay niya sa akin kanina yung laruan niya!" Juskoo anak! Alam kong tinuruan kitang maging mapag bigay pero bakit naman ang aga aga! Bakit mo ibibigay yung laruan mo sa lalaking di mo pa kilala..



"Kay San Jose yung condom? Nasa bulsa ng coat mo? Kay San Jose??!!" gigil na sabi ko dito..




Hindi na ito sumagot pa sa akin, napako ang tingin niya kay Dasher...



"A-anong pangalan niya?" nakangiting tanong nito..



"Wala!" sagot ko at mabilis kong kinarga si Dasher..



"Rita, sandali!"


"Haayss. Ano bang ginagawa mo dito? Sino nag invite sayo? Tsaka anong balak niyo ng mga kaibigan niyo bakit kayo nandidito??"


Tasteless BloodWhere stories live. Discover now