Pusa

845 42 11
                                    

Rita's POV

Kabado kong nilingon si Ken na kasaluluyang naka upo sa dining area. Namamawis na yung kamay ko sa sobrang kaba. Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng masama..

"Ah—Hmm. Ga-galing lang ako ng—— Balic-Balic.." nauutal kong sabi dito.. Mabilis niyang hinatak ang kamay ko at tumungo kami sa dining area at pinaupo ako.. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Ken at sa wine sa harap ko..


"Pi-pinuntahan ko lang si Mon——"




"Hindi kita pinag eexplain kung saan ka galing. Ang tanong ko ay bakit naiisipan mo pang bumalik?" napalunok ako habang nakatingin kay Ken na ngayon ay umiinom ng wine..


"S-Syempree Kasi—"




"Rita pwede ba? Bakit ka mukhang natetense? Wala pa akong ginagawa sayo!" inis na sabi nito. Mabilis kong hinampas yung braso niya gamit ang hinubad kong hoodie..


"Hoy! Anong wala pang ginagawa hah? May gagawin ka sa akin? Hah! Ano! Sasaktan mo ako hah!" inis na sigaw ko at napansin kong tumawa ito.

"At anong tinatawa-tawa mo hah!!!" mabilis na nawala ang tawa ni Ken at sumeryoso ulet siya ng tingin..

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Bakit ka bumalik!"

"Syempre! Nagwowork ako sayo! I am your wife. Your fake wife! Ano bang klaseng tanong yan hah?" maarteng sagot ko dito . Pagtingin ko sa kanya ay parang hindi pa siya convincing sa sagot ko.

"Rita. Yung totoo.."


"Ano bang gusto mong isagot ko hah? Ayan naman talaga yung dahilan kung bakit ako bumalik pa. Dito ako nakatira diba?"


"Rita.."



"Ano nga kasing klaseng sagot yung gusto mong marinig? Hah? Okay! Aaminin ko.. naiinis ako sayo kasi parang wala ka nang pakialam sa akin.. I mean, sinanay mo kasi ako sa mga extra sweetness mo.. Biruin mo yun? Si Ken Chan may sweet side? Nakakatawa diba? Tsk.. At ako naman si shonga , hinanap hanap yung mga yun.. Oo, namimiss ko kung paano mo abutin yung kamay ko, kung paano mo ako yakapin, kung paano mo ako hinahayaang humiga sa dibdib mo, sa balikat mo. Miss ko na yung mga labing yan na lumulunod sa kainosentehan ko.. Pucha Ken Chan! Yung please don't fall in love with me ? Nawalan ng halaga. Masyado ka kasing pa fall!!! Pa-fall kang unggoy ka!!!! Hmmpss Oh! Ayan na! Okay na??" pagkatapos ko magsalita ay mabilis kong ininom yung wine sa harap nito.. Nauhaw kasi ako sa haba ng talak ko. Bwisit na to! Napaamin tuloy ako ng wala sa oras!!! Grr..



Napatingin ako sa kanya ng ngumiti ito. Hindi ko alam kung saan ba siya nakatingin, sa wine na kasalukuyan kong iniinom oh sa dibdib ko.. Bakit kasi hinubad ko pa yung hoodie ko eh! Nakasando na lang pala ako.. Napahawak ako sa dibdib ko at dinuro si Ken gamit ang wine glass..

"Hoy Ken Chan! Wala ka bang isasagot sa confession ko? Alam mo bang pati yung kaibigan kong si Mona ay nagugulo ang buhay dahil sa kanya ko lang sinasabi lahat ng iyon! Kasalan mo to eh! Masyado kang pa-fall! Unggoy!!"


"Bakit mo ba ako tinatawag na unggoy hah? Eh ikaw nga tong pusa! Lalo na kanina pagpasok mo sa main door.. Mukha kang pusa na kukuha ng isda.. Dahan dahan na naglalakad para hindi mahuli.. Tsss.."


"Fine! Wag ka nang magreact sa confession ko! Kalimutan mo na yun... Hmm, ikaw ba? Umamin ka nga Ken, may problema ka ba ha? Madalas mo kasing gustong mapag-isa.. Or ayaw mo lang talaga akong makasama!?? Ang sakit hah! Hmp..


"Problema?"



"Hindi. Gayuma. Oo. Problema nga kasi. Bingi ka ba ? Ang tanong ko ay kung may problema ka ba?"


Tasteless BloodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora