Dugo

722 34 12
                                    


Rita's POV

ANG SARAP. Ayan ang dalawang salitang uang rumehistro sa mga utak ko para ilarawan ang pakiramdam ng pagtikim ko sa mga labi nito.. Malambot, matamis at nakakawala ng hininga .. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga, dahil ba sa nakasakal siya sa akin or dahil lang sa sarap ng halik nito. At dahil nga sa fast learner ako, ginaya ko lang kung paano niya tinutugunan ang paghalik sa akin. Ilang segundo lang nang paglapat ko sa mga labi niya ay naramdaman ko ang responde nito.. Pakiramdam ko sanay sa halikan itong lalaking ito dahil sa paraang ng pagpagalaw niya ng dila niya, mabilis ko namang ginaya.. Para akong mababaliw sa mga halik nito ..

Nakaramdam ako ng inis ng bigla na nitong tinapos ang halik at medyo lumayo sa akin. Pero mas lalo yata akong kinabahan ng makita ko ang mukha niya..

Para akong nakaharap sa isang Artista. Napakagwapo nito.. Magmula sa mga kamay, sa mga labi, sa ilong lalong lalo na sa mata. Ang perfect. Para akong nasa isang teleserye, ako ang bida at siya ang leading man.



"What the hell are you doing? Are you insane?? Bigla bigla ka na lang nanghahalik!!! " Nakanganga lang akong nakatitig sa kanya.. Paano ba naman, mas lalong napangiti yung puso ko ng muling marinig ko ang boses nito. Bagay na bagay sa napakakisig na mukha nito. Napansin kong napahawak siya sa sentido niya at hinilot ito kasabay ng pag-ayos niya ng sweatshirt niyang hinatak ko kanina.. Ngayon ay napatitig ako sa mga mata niya.. Seryoso kasi siyang napatingin sa mga mata ko, nakikipagtagisan pa sa titigan eh kaming mga babae lang naman ang nagwawagi sa ganyan.. hmm

Ok, mali ako.. Ako na ang talo, ako na ang nag-iwas ng tingin! Paano ba naman kasi? Kanina lang ay naramdaman ko yung titig ng pagnanasa na mabilis na napalitan ng titig na pumapatay..

"Ikaw pa ang may ganang manigaw? Eh ikaw kaya tong bigla-biglang nanghahatak!!! And you kissed me back kaya wag kang mag inarte diyan na para bang ang laki ng kinuha ko sayo?!!" sigaw ko dito ..





"What the hell? Ikaw nga diyan kung makahalik parang ineenjoy mo pa !!! Adik ka ba???" sabi nito at nanlaki ang mata ko..

"Ako?? Adik??? Noon hindi pero ngayon... parang..." sabi ko dito habang tinititigan nanaman yung mga labi niya.. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig kahit na umuusok na sa galit itong kaharap ko.. Baka dahil pinaalala niya ang halikan namin or hanggang ngayon ay hindi pa ito umaalis sa harap ko.. Kung gusto niya akong yakapin dahil na-satisfy siya sa halik ko, Aba!!! Sabihin niya lang! Yayakapin ko siya with open arms.. Haaayss




"Bwisit!!! You're making me crazy!!
Napangiti ako ng marinig iyon. Kakakilala pa lang namin ay nababaliw na agad ito. Iba talaga ang kamandag ng isang Rita Daniela.. Ito na yata ang pinakaswerteng araw ko.. Bigla kong naalala na muntik na niya akong patayin kanina.. medyo nag ayos ako ng tingin at nahimasmasan..


"Bakit ka ba bigla biglang nanghahatak? nadadaan naman ako sa mabuting usapan ah?" kahit na hirap akong titigan siya ay pinilit kong magseryoso ng mukha.. Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple nito at mabilis akong nag iwas ng tingin..





"Ninakaw mo ang cellphone ko! At sa lahat ng tao, sa akin pa hah? Anong akala mo? Hindi kita mahahanap?!"

"Cellphone lang ? Makakapatay ka na? Eh mukha ka namang mayaman at kayang bumili ng bagong cellphone!! At para sabihin ko sayo, ngayon lang nagtagpo ang landas natin! So paano ko nanakawin ang cellphone mo??? Sa Ganda kong to? Mukha ba akong magnanakaw hah?!?"


"Importante ang laman ng Cellphone na yun! Kaya ibalik mo na!"



"Gwapo ka sana at hmmm masarap pero bingi ka!! Hindi ko nga sabi kinuha!! Halik lang ang ninakaw ko, hindi yung cellphone mo!!" Teka, parang mali na pinaalala ko sa kanya yung halik na nangyari ah. Napansin kong napakagat siya sa labi niya at seryosong nakatitig na naman sa mga labi ko. Nagsalubong ang mga kilay niya..





"Sumama ka sa akin para mapatunayana mong inosente ka!"




"Hindi ako sasama sayo dahil Virgin pa ako kaya wag mo nang kwestyunin ang pagiging inosente ko.. Humanap ka ng ibang mayaman na kikidnapin mo!!!" napaiwas ako ng tingin.. bakit ko ba binanggit na Virgin pa ako.. parang hindi naman sakto sa topic.. Napakamot ako sa ulo ko.. Baka isipin pa nito na type ko siya!! Aba!!





"Tingnan natin kung saan ka pupulutin sa mga pinagsasabi  mo!" bagbabanta nito sabay titig sa mga labi ko..






"Ok na hah? Umalis ka na sa teritoryo ko!"





"Teritoryo? Hindi ka naman mukhang mayaman para bilhin ang basurahang lugar na ito." Pinanigkitan ko siya ng mga mata ko..


"Masyado ka nang swerte dahil nakakausap mo ako! Samantalang yung iba diyan, pumipila pa para makausap ako! Kung ayaw mong umalis, ako na ang aalis dahil may lakad pa ako.. Tabi!" sabi ko at nagsimula na akong maglakad .. wala pang ilang hakbang ay kinuha na naman nito ang kamay ko..


"Yung cellphone ko!" napatingin ako sa mga kamay niya na nagtungo sa bulsa ng coat ko.. yung cellphone na naiwan ni Jeng? sa kanya yun??


"Hindi pala magnanakaw hah?? Tara sa presinto! Ipapakulong kita !!" sabi nito at nanlaki ang mata ko..




"You can't do that! Hindi ako nagtatagal sa presinto ! sabi ko dito ..



"So sanay ka na sa loob ng presinto? Kriminal ka nga!!"



"Hoy! Ayoko sa lahat ay pinagbibintangan ako sa kasalanang hindi ko ginawa! Kaya umalis ka na bago pa bumalik ang mga tambay dito sa eskinita.. Siguradong mababasag yang mukha mo!!"


"Sinusubukan mo talaga ako noh?"





Mabilis kong nilabas ang resume na dala-dala ko at ipinakita sa kanya..

"Oh! resume ko! Kapag ako na-late sa mga job interviews ng dahil sayo, mayayari ka sa akin!!" sigaw ko dito at mabilis niyang kinuha ang resume ko at nilukot ito.. Muli na naman niya akong sinandal sa pader..




"Pasalamat ka at may mga meetings pa ako ngayong araw.. Ipagdasal mo na hindi na magkita pa ang mga landas natin.. Kapag nangyari yun, kulungan na ang magiging teritoryo mo!!" sabi nito.. Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at binitawan ang pagkakahawak sa akin.. Dahil mas nanaig sa puso ko na kailangan kong makaganti sa napakagwapong nilalang na ito, nagawa ko ang isang bagay na alam kong magwawagi ako.. Nilapit ko ang mga labi ko sa kanya tsaka ako umatake..






"Arrrrrgghhh! Mapapatay kita!!!" kasabay ng pagkagat ko sa labi niya ay ang pagtuhod ko sa pagkalalaki niya..Hindi ko alam kung saan siya nagalit, sa nagdudugo niyang labi or sa sakit ng kanyang alaga.. Mabilis akong napatakbo palayo...






Nakaabot na ako sa pagtakbo sa ikatlong kanto ng huminto ako.. Naghabol ako ng hininga at napailing..







Pucha.. Paano kung nabaog ko siya! Sayang yung magandang lahi!



Natawa ako sa naisip ko at nagsimula na naman akong tumakbo pasakay ng jeep..






Syeeet! Late na ako sa unang Interview!!







❤️

Tasteless BloodWhere stories live. Discover now