Kumot

534 34 7
                                    

Rita's POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagkahulog ng kumot ko. Nakapikit kong kinuha ito at muling ibinalot sa sarili ko. Mabilis akong napaupo ng matandaan kong wala naman akong kumot kagabi!! Pagsilip ko sa kama ay wala na si Ken dito. Nasaan siya? Pucha! Iniwan na ba niya ako?? Aaaarggggh.

Pagtayo ko ay siya namang pagbukas ng CR. Bumungad ang half naked na si Ken. Kakatapos lang nito maligo at tanging towel lang ang nakabalot sa kanya.. Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin. Anong akala niya? Papansinin ko siya? Hello! Nambabae kaya siya kagabi! Hmmmp..

"Maligo ka na para makakain na tayo sa baba." sabi nito sabay kuha ng nakatuping damit sa gilid. Paano siya nagkaroon ng damit ? Wala siyang dalang extra hah! Binalewala ko lang iyon at kinuha ko na ang bag ko para maligo. Sinigurado kong naka locked ang pinto. Mahirap na!


Pagkatapos kong maligo ay nadatnan kong may kausap ito sa telepono. Si Nix ang kausap nito. Nagrereport siguro na hindi kami makakapasok kaya iyon na lang ang tumao muna doon.

"Huwag ka na mag iwan ng gamit dito. After natin kumain ay babalik na tayo ng Manila." seryosong sabi nito. Tahimik lang akong sumunod dito pababa ng restaurant.

Walang imik kong inubos ang pancake. Kahit na madami akong gustong ikwento dahil sa sarap nitong pancake ay hindi ko ginawa.

"Barbara finished the original copies of contract. This. Pirmahan mo lahat ng pages na may pangalan ka. Next month na ang kasal kaya tigil tigilan mo ako sa pagiging tahimik mo dahil hindi ako sanay." Hindi ko alam kung saan ako nagulat, dahil ba sa next month na agad-agad ang kasal or dahil sa hindi ito sanay sa pagiging tahimik ko. Namimiss niya ba ako? Grrr. Syempre hindi! Rita ano ka ba!

"Bakit next month na agad agad yung kasal? Ang usapan lang natin dati ay magpapanggap akong fiancée sa harap ng Papa mo! Sumama ako sayo dito sa Tagaytay kasi ang akala ko ay magkukunyari tayong kukunsulta sa abogado para sa kasal. Pero di ko naman alam na balak mo na agad agad ikasal next month???? Okay sana kung next year or next next year para mapaghandaan mo yung sasabihin mo sa Papa mo regarding sa pagtanggi mo sa babaeng gustong ipakasal sayo.."

"So gusto mong itigil ko na to ngayon? tanong nito sa akin. Pero bakit kinabahan ako. Bakit parang may kirot sa puso ko kung ititigil na namin ito ngayon. Bakit parang may sumisigaw sa puso ko ng "Ituloy na lang" bakit ganito. Huminga ako ng malalim.

"Pasensya na kung kinukwestyon ko yung plano mo. Assistant mo nga lang pala ako." seryosong sabi ko. Kinuha ko mula sa bag ko ang ballpen at mabilis na pinirmahan lahat ng pages ng kontrata. Inabot ko sa kanya at nag excuse ako papuntang Restroom.

Pagpasok ko sa restroom ay agad akong naghilamos ng mukha ng maramdaman kong may tutulong luha. Bakit ako umiiyak? Saan nanggagaling tong emosyon ko.

Pilit ko mang itanggi, alam kong naaattached na ako sa kanya.. I hope, maagapan ko pa.




Paglabas ko ng restroom ay nakangiti kong tiningnan si Ken. Sumunod na ako sa kanya para sumakay ng kotse. Buong biyahe ay tahimik lang ako. Ang bawat pagtipa ko ng cellphone lamang ang natatanging tunog na naririnig namin..




"Barabara was my ex girlfriend." napatingin ako kay Ken ng magsalita ito.

"Talaga? Eh bakit asawa na siya ng bestfriend mo? Well, mas pogi naman ng di hamak si Atty. Ethan kesa sayo!" pang iinis ko dito. Napansin kong tumawa siya.

"Siguro nga dahil si Ethan itong mas vocal sa nararamdaman niya. Siya yung mas friendly kaya lapitin ng babae. Noon pa man, madalas na kaming ikumpara sa isa't-isa."

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon