Diamond

479 32 7
                                    

Rita's POV

Paikot-ikot ako sa kama ng maramdaman kong umiinit sa kwarto ko. Pagbangon ko, napatingin ako sa aircon na nakapatay. Bakit nakapatay na yung aircon?? Mabilis akong napatingin sa pinto ng kwarto ko kung nakapaok si Ken pero naka locked ito.. Nanlaki ang mata ko ng makita kong 8am na sa orasan. Nagmamadali kong tinungo ang banyo..

Hindi na ako nakapag blower pa at nagmadali  na akong bumaba, wala na akong time para kumain pa kahit na ramdam ko ang gutom ay mas minabuti ko na lang na umalis na. Pagbaba ko ay napadaan ang tingin ko kay Ken na nakaupo sa sofa at naka-casual lang ito.

"Hindi ka papasok?" tanong ko dito at umiling siya.

"I forgot to tell you na ngayon tayo pupunta sa lawyer ko sa Tagaytay para mafinalize ang contracts at maayos na ang date ng kasal.." seryosong sabi nito sabay tayo at pinatay na nito ang tv.

"Bakit hindi mo sinabi kahapon na walang pasok? Nagmamadali kaya akong maligo kasi late na ako!!!" inis na sabi ko dito.

"Just eat yout breakfast . After 1 hr, aalis na tayo papuntang Tagaytay."

"Teka? Wala pa nga akong engagement ring eh, kasal na agad?!" sabi ko dito sabay tingin sa nails ko.. Hindi ko alam ay may sagot na pala siya sa reklamo kong ito. Lumapit siya sa akin at may inilabas na pulang box, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang diamond ring..

"Wear this. I'm not sure sa size but pwede naman nating magawan ng paraan yan if ever.." sabi nito sabay kuha ng singsing at itinaas ito. Inilayo ko ang kamay at itinago ko sa bulsa ng skirt ko. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Magpopropose ka diba? Edi lumuhod ka! Kailangan ko pang ituro?" sabi ko dito at napabuntong hininga ito.

"Kung ayaw mong isuot. Edi wag." masungit na sabi nito at mabilis pa sa isang segundo ay inilabas ko na ang kamay ko.

"Oh. Ito na nga diba?" natatawang sabi ko at isinuot na niya ito. Sakto lang ang singsing sa akin. Napangiti ako habang tinititigan ang napakagandang diyamante. Expert ako sa iba't-bang klase ng alahas at alam kong nasa anim or pitong digits ang presyo nito. Naalala ko dati nakapagtrabaho na ako sa mga sanglaan at sideline ko ang magbenta ng totoong alahas at pinapalitan ko ng fake kapag kinuha na nila.. Yes, Masama pero paraan ko iyon para kumayod. Ilang beses ko nang hiningi ng tawad lahat ng kalokohang ginagawa ko sa tao sa harap ng Panginoon. Kaya nga nagbago na ako oh! Office girl na !

"Well, Anong oras tayo aalis? tanong ko dito habang itinataas ang kamay kong may suot na singsing at ipinagmamayabang sa harap niya..

"Ingatan mo yan kasi kapag winala mo yan, ibabawas ko sa sahod mo!" babala nito at pinaningkitan ko siya ng mata.

"Boy Kaltas? Is that you?" inis na sabi ko dito sabay irap.

"Hindi madali kumita ng pera. Hindi lahat ng meron ako ngayon ay galing sa magulang ko. Lahat ito ay pinagtrabahuan ko. Kaya wag kang magtaka kung bakit nagalit ako sa mga expenses mo noong isang araw at iyang singsing? Utang na loob. Huwag mong iwawala.." Seryoso akong nakatingin sa kanya at nag iwas ng tingin. Mabilis kong pinalakpak ang kamay ko .

"Best actor ka diyan! Sa drama mo!" pang iinis ko dito.

"Kumain kana, Tumatakbo yung oras Rita!" utos nito at nagmadali na akong tumungo sa kusina..








Ready na ako papuntang Tagaytay. Inip na nakaupo si Ken sa sofa habang hinihintay ako dahil nagpalit pa ako ng damit. Wala siyang magagawa kung magtagal ako sa taas no, at hindi niya ako pwedeng iwan dahil ako ang fiancee niya! Chaarrr.

Nakangiti akong napatingin kay Ken habang dala ko ang medyo malaking itim na body bag. Siguro ay nagtataka ito sa suot ko. Red and black na sweatshirt, black jogger pants at white rubber shoes. Sasayaw kasi ako ngayon ng hip hop HAHAHAH. Tinernuhan ko lang naman ang suot nitong Black sweatshirt, white pants at white rubber shoes na alam kong mamahalin.. First time ko siyang makita na hindi naka office attire. Ang presko naman pala. Mukhang goodboy!!

Tasteless BloodTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang