Ting

505 38 5
                                    

Rita's POV

NAPASIGAW ako ng mahulog yung feather duster na hawak ko habang nagpupunas ng alikabok ng aircon.. Mabilis kong sinalo ito pero nasagi ko ang isang vase na nakapatong sa maliit na lamesa sa gilid ng sofa.. Napapikit ako ng makita kong nabasag ito...


Juskooo Rita. Aalis ka na nga lang.. May ibabawas pa sa sahod mo.. Juskoo.. Magkano naman kaya ito..


Napatingin lang ako sa mga bubog na nabasag.. Nang lumabas si Ken sa office nito, tsaka ko lang naisip na pulutin ang mga bubog..

"Huwag mong pupulutin. Magpapatawag ako ng janintor na maglilinas niyan.." sabi nito .. Hindi ko siya pinakinggan at pinulot ko parin yung mga bubog pero napabitaw ako ng dumugo ang hintuturo ko..


"Sh*t!" bulong ko at akmang sisipsipin ko ang daliri ko ng pigilan ni Ken ang kamay ko..

"Hindi kasama sa first aid ang pagsipsip ng dugo.. Tumayo ka diyan, dapat dito ay huhugasan ng tubig.. May first aid kit din ako sa loob ng office.." napatingin ako sa kanya .. Seryoso siyang nakahawak sa kamay ko at inalalayan ako papunta ng pantry para hugasan ang di naman kalalimang sugat..



"Ka-kaya ko na to.. Maliit na sugat lang to.." malamig na tonong sabi ko.. Hindi ito nagsalita pa at tanging buntong hininga lang niya ang naririnig ko..


Hinatak niya ako papasok ng office niya para gamutin ang sugat ko..



"Hindi na kailangan. Maliit nga lang to.." inis na sabi ko..



"Huwag ka nang makulit.."


Habang nilalagyan ni Ken ng alcohol at betadine yung sugat ko ay nagusot ang mukha ko sa hapdi..


"Aray!!"



"Ang tapang tapang mo pero takot ka sa alcohol!" sabi nito at mabilis kong binawi ang kamay ko..



Kinuha niya muli yung daliri ko at nilagyan ng band aid ang sugat ko..










"Sa-salamat."










Paglabas ko ng office ay ang pagkatok naman ng janitor na maglilinis ng mga nabasag na bubog...




"Ma'am, isasama ko na din po sa pagtapon yung bulaklak?" tanong nito sa akin.. Napatingin ako kay Ken na lumabas ng office niya at kinuha ang bulaklak na laman ng vase na nabasag.



"Yung mga glass lang yung isama mo.." sagot nito at bumalik na siya ng office..







Napatingin ako sa hintuturo kong naka band aid.. Sana ganito lang kabilis maghilom yung sugat ng puso eh noh..

Napatingin ako sa phone ko nang mag ring ito..
Bakit naman tumatawag tong si Jeng.. Hindi ba niya nakita yung iniwan kong ulam sa lamesa? Tsss..




"Hoy Jeraldine.. Bakit ka ba napatawag?" kinabahan ako ng marinig ko itong humihikbi bago magsalita..



"Rita!!! Manganganak na yata ako!!!" napatayo ako..



"Te-teka, sigurado ka ba??? Nasaan ka ngayon?? Papunta ka na bang hospital??" natatarantang tanong ko dito..



"Papunta na akong Lying-in clinic Rita.."



"Lying-in Clinic? Bakit doon? Dumiretso ka na ng hospital!"



"Ayoko. Masyadong mahal ang babayaran doon! Tsaka malapit lang naman yung Lying-In.. Sa ikalawang kanto lang yun.."



Tasteless BloodDove le storie prendono vita. Scoprilo ora