Back

554 34 9
                                    

Ken's POV

Kinabukasan, nagkasundo kami ni Rita na bumalik na ng Pilipinas dahil dumadami na ang mga naiwan naming trabaho..

"Mag ingat kayo hah! Tumawag kayo pagkalapag niyo ng Pinas!" sabi ni Tita habang yakap yakap si Rita.. Mabilis na nakasundo ni Tita si Rita. Hindi ko ito inexpect actually.. Ang alam ko nga ay mapapagaalitan pa itong si Rita dahil sa pagkabasag ng vase..


"Salamat Tita, Tito! Magkita na lang tayo ulet soon!" paalam ko sa kanila..







"Pwede extend pa?" reklamo nitong pusa na katabi ko sa eroplano.. Dumilat ako at tinanggal ang airpods..

"Extend pa? Oh sige, bumaba ka dun oh, habang di pa lumilipad tong eroplano!" inis na sabi ko dito..



"Oh sige na nga! Iisipin ko na lang na may next time pa!" nakangiting sabi nito.. Ang laki ng ngiti, akala mo nanalo sa lotto..



"100plus na lahat ng unread emails sa CKS Designs. Dapat ma review mo yun within 2 days. Ipasa mo yung report sa ikatlong araw para wala na tayong iisipin pagdating ng weekend. Meron akong lakad.."

"Ano ba yan! Hindi pa nga umaalis tong eroplano natin, tungkol na naman sa trabaho tinatalak mo!" reklamo nito sabay sandal sa balikat ko.. Napansin kong may piniplay siyang video sa phone niya..

Pucha!! Ako yung nasa video! Bakit ako sumasayaw?? F*ck!!!!



Napansin kong tawa siya ng tawa habang pinapanood iyon. Mabilis kong hinablot ang phone niya pero naitago niya agad sa loob ng bra niya. Grabe talaga!

"Akin na yang cellphone mo! Idedelete ko yang video!!!" inis na bulong ko dito. Ayokong mag eskandalo sa loob ng eroplano..


"Edi kunin mo!" mataray na sabi nito.. Aba! Hinahamon niya ba ako???


Seryoso ko siyang tinitigan.. Doon ko lang nahalata na mukhang pinagsisisihan na niya yung sinabi niya.. Mabilis niyang kinuha yung phone niya sa loob ng bra niya pero isiniksik niya parin sa bandang likuran..



"Ilalabas mo rin pala eh. Akala ko gusto mong——"


"Bunganga mo! Umayos ka! Sisigaw ako dito!"




"Insane" bulong ko at bumalik ako sa pagpikit habang nakikinig ng music..








Rita's POV

Paglapag na paglapag ng eroplano ay busy na agad si Ken sa mga client na tumatawag sa kanya. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay hindi ko parin makausap itong unggoy na to.

Habang nilalabas ko lahat ng gamit na dala ko sa Singapore ay kinatok ako ni Ken..



"Istorbo ka!" inis na sabi ko dito pagkabukas ko ng pinto..

"Bumaba ka sa laundry area. Madami kang lalabhan ngayon.."


"Te-teka, bakit ngayon? Sa weekend na lang!"


"Ngayon na! Andoon na sa baba lahat ng damit ko.."

"Pero—-"


"Bilis!"


"Oo! Sandali, magbibihis lang ako.."





Pagpunta ko sa baba ay nadatnan ko si Ken na nakaupo sa dining area. Nakaharap siya sa laptop niya.. Sumunod siya sa akin ng pumasok ako sa laundry area..


Tasteless BloodWhere stories live. Discover now