Resume

555 30 4
                                    

Someone's POV

"Santa Maria, ilan ang for interview ko ngayon?" bungad ko sa staff ni Nix dito sa office ko.. Dapat ay espesyal ang araw na ito sa akin pero sobrang sira na dahil doon sa babaeng kumuha ng cellphone ko, hindi ko na nagawa pang kumain ng agahan..

Dapat ay wala ako dito sa office ngayon, tumawag si Nix na hindi siya makakapag duty dito kaya dito na ako dumiretso. Nag-iwan pa siya ng aplikante para mainterview.. Hindi ko nga alam kung bakit dito sa company ko naka address yung FTA Homes Manufacturing Company eh sa Binondo naman talaga iyon.. At kailan ba siya nangailangan ng Assistant? Tsss.. Napailing ako.. Si Nix ang Co-Founder ko dito sa CKS Designs .. Pero mas mataas ang posisyon niya sa FTA Homes dahil sa kumpanya ito ng pamilya namin.


Napatingin ako sa resume na inabot ni Santa Maria.. Mas lalo akong nainis sa picture ng babae sa Resume. Siya. Siya yung babaeng sumira ng dapat ay napakaganda kong araw..

"Siguraduhin mo na makakapunta yang babaeng yan.." tango lang ang isinagot nito at tuluyan ng lumabas ng office ko.. Humanda ka..

Tumayo ako at nilapitan ang tinatapos kong ikebana flower arrangement para sa napiling decoration ni Tita Cynthia sa magiging living room area nila ni Tito..

Sa loob ng anim na taon ko bilang isang Licensed Interior Designer, napakadami nang bahay ng mga malalaking tao dito sa Pilipinas ang naayusan at nabigyan ko ng kulay at ganda.. Napatingin ako sa isang tangkay ng chrysanthemum sa kabilang vase.. perfect ang kulay nito para sa wall paint nila Tita.

Mahalagang kliyente ko sila Tita Cynthia. Ayokong makitaan nila ako ng pagkakamali sa propesyon na pinili ko. Sa dami ng kursong pinapili sa akin, ang kursong malapit sa Mom ko ang pinili ko at hindi ko pinagsisisihan. Nakapagtayo ako ng sarili kong business sa edad na bente anyos..








Napatingin ako sa orasan. It's already 2pm..



"Sir, andito na po yung applicant! Papasukin ko na ho ba?" tumango ako.. Mabilis kong sinira ang mga folders na irereview ko tsaka itinalikod ang inuupuan kong swivel chair..







"Sit down and tell me about yourself.." sabi ko at naramdaman kong umupo muna ito sa upuan..


"Good Afternoon Sir. I'm Rita Daniela Inocencio but you can call me Rita or Riri for short.. I am applying for the position of Personal Assistant as I saw in the newspaper. Though I'm an undergraduate student of Psychology, I can assure you that I will be dedicated and passionate about this job.. I am a fast learner and willing to be train.. Masunurin din po ako at mapagkakatiwalaan.."
Nagsalubong ang kilay ko sa huling sinabi nito

"The last two words does not seem to describe you, at all."



"Po? pakiulit nga po?" sabi nito. Ramdam kong naiinis na siya. Ayan, dapat lang na mainis ka dahil sa pagsira mo ng araw ko.

"Bakit ka nga pala tumigil sa pag-aaral?"

"Nawala ang scholarship ko dahil hindi ko nabalance yung pag-aaral at pagtatrabaho ko po nun.. Pero ipagpapatuloy ko po iyon pag nakaipon na ako.."

"Academic Scholarship? huh.. Look at you, mukhang hindi ka naman papasa dun!" natawa ako sa mga sinasabi ko. Siguro ay kapag nakikita ko ito ngayon ay umuusok na ang ilong nito sa galit..


"Varsity po ako ng Taekwondo.." sabi nito at napalunok ako..


"Kaya pala.."


"Tell me Ms. Inocencio, ano pang iba mong pinagkakaabalahan?"


"Nag momonolog po ako sa bahay kasi gusto ko pong mag artista.. Maganda kasi ako kaya for sure papasa akong mag artista.." siguro ay natunugan na nito ang pakikipaglaro ko sa kanya kaya pabalang na niya akong sinasagot.




Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon