Ano?

483 37 4
                                    

Rita's POV

"Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo mo nakita yang babae na yan. Siguraduhin mo lang na hindi niya dudungisan ang pangalan ng pamilya. Ken, alam mo naman na ang kinabukasan mo lang ang iniintindi ko para pakasalan mo ang anak ni Mr. Lee.." kahit na natulala ako dahil sa panghahalik na ginawa ni Sir Ken, naririnig ko parin ang sinasabi ng Daddy nito.. Makadungis naman ng pangalan to, anong akala niya sa akin? Malaking dumi? Haaayss.. Sasagot sana ako kaso napansin kong namumula na si Sir Ken sa galit at hahayaan ko na lang na ito siya na ang magsalita..

"Don't worry Papa, madungisan man ang pangalan ng pamilya natin ay wala na akong pakialam.. I have my own life. Ayokong ikulong niyo ako sa pangarap niyong maging tagapagmana ng kumpanyang minana niyo lang din naman.. " Nakakaramdam ako ng intense sa mga nangyayari.. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa lap ni Sir Ken..

"At ano? Magpapakayaman ka sa ano? Pag dedesign ng mga bagay na wala namang kabuluhan? Interior designer? Wag mo nang subukang sundan ang yapak ng Mommy mo dahil kahit anong gawin mo----" akmang susuntukin na ni sir Ken ang Dad niya ng pigilan ko siya..

"Sir. Please. Umalis na lang po tayo.. " bulong ko dito sapat lang na hindi naririnig ng Dad niya.

Mabilis akong hinatak ni Sir Ken palabas ng restaurant at alam kong galit parin itong pumasok ng kotse niya..

"Dahil tapos na ang oras ng trabaho ay hindi na kita gagalangin! Ano yung kanina hah?? Anong fiancée?? Ako? Kailan ako pumayag??? Ano yun hah?? " inis na sigaw ko pero umiling lang ito..

"Anong pumasok sa kokote mo para ipakilala akong mapapangasawa mo hah? Hoy! Para sabihin kong kahit ganun kasarap ang halik mo ay hindi kita papatulan!! " hindi parin ito umiimik at simpleng pinanood ang pagsakay ng Dad niya sa sasakyan nito sa tapat namin.. Pagkaalis ng sasakyan nito, bumaba si Sir Ken .. Wala akong nagawa kundi sumunod dito at bumalik kami sa table, andodoon parin yung mga pagkain na inorder kanina.. Seryoso itong umupo at kinuha ang chopstick.. Maingat niyang kinuha ang Wanton Noodles at kinain ito..

"Come here. " sabi nito pero nakapmeywang lang akong nakatingin sa kanya..

"Sir Ken!! " inis na sabi ko dito.

"Kumain kana hanggat may kaunting init pa yung noodles. Later na tayo mag usap, nagutom ako eh. Ang bigat mo kasi.. "

"Wow? Ako pa ngayon ang mabigat hah? Eh ikaw nga tong biglang nanghahalik!! " medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko.. Tumigil ito sa pagkain ng noodles at seryosong napatingin sa akin..

"So it's a tie? " sabi nito at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Mamili ka, uupo ka ulet sa lap ko para subuan kita, tatabi ka sa akin para halikan kita or uupo ka sa tabi ko at ubusin tong mga pinagoorder mo? Choose wisely Rita!" pang iinis na tanong nito.. Inirapan ko siya at nagsimula na akong umupo sa tabi nito para kumain.. Pasalamat siya at gutom ako!!

"Ok sana kung yung first two manlang sa choices yung pinili mo! " itinaas ko ang tinidor na hawak ko at inamba sa kanya.. Matapos kaming kumain ay inaya na niya kong tumayo. Nagtataka ako kung bakit hindi nagbayad si Sir Ken at nagpasalamat pa ang mga waiter sa kanya. Inisip ko na lang na sila ang may ari ng restaurant. May kasalanan tong tao na ito sa akin kaya pagsakay namin sa kotse ay mabilis akong nagsalita.

"Explain! "

"What? "busy ito sa phone niya. Sa inis ko at hinablot ko ang phone nito at nilagay ko sa bulsa ko at pinaningkitan ko siyang tiningnan..

"Gusto mo ba talaga ako ulet yung dumukot ng cellphone ko sa bulsa mo hah? Kaso baka sa ibang bulsa ako dumuko----"

"Ang bastos mo talaga eh noh! Magpaliwanag ka sa pinaggagawa at pinagsasabi mo kanina! Porket natikman mo na ang labi ko ay dadalas-dalasan mo na! FYI! hindi kita type!! " naiinis na sabi ko dito at nagulat ako ng nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko..

"Talaga ba? Hindi mo ako type? Aba, confident karin eh no? Hindi din kita type ah!  hindi ka naman kagandahan!" sabi nito at tumawa ako ng malakas.

"Ano hah? Ako hindi kagandahan? Labing anim na pageant sa barangay namin ang sinalihan ko simula grade 4 hanggang nag highschool ako!! At 80% nun ay grand champion ako!! "

"Miss Universe lang ang alam kong pageant at wala ka doon. So hindi pasok sa totoong criteria ang ganda mo. " pang iinis nito.




"Oh, hindi pala ako maganda.. Sabihin mo sa Papa mo na wala ka ng fiancée.. " inis na sabi ko dito at akmang bababa na ako ng kotse niya ay mabilis niya kong hinawakan sa braso..

"Gawin mo na to. Kapag okay na ang lahat, hindi ko na papabayaran sayo yung vase na nabasag mo sa office ko. "

Napaisip naman ako dun, kung gagawin ko iyon, buo kong makukuha ang 30K monthly. Malaking halaga na rin yun at makakaipon na ako..


"50K a month. Gawin mong 50K a month ang salary ko. " hirit ko dito.



"Deal! " mabilis na sabi nito at pinaandar na nito ang kotse niya..











"Diyan mo na lang ihinto sa gilid ng barangay.. Wala kang mapagpaparkingan dito.." sabi ko dito. Andidito na kasi kami sa Balic-Balic..


"Ihahatid kita hanggang sa bahay mo. " sabi nito.



"Ito na nga diba! Nandidito na tayo. Tsaka hindi kasya yung sasakyan mo sa eskinita!"

Pagbaba ko, napansin kong bumaba din ito..

"Iiwan mo yung kotse mo dito? Baka pagbalik mo wala nang gulong to! "

"Akala ko ba teritoryo mo to. Baka pwedeng makiusap ka na bantayan ito.. " inirapan ko ito..

"Nonoy!! " tawag ko sa isang binatilyo na nagbabasketball sa court ng barangay..


"Ate Riri! Bakit po? "

"Nakita mo yang kotse na yan?? Pakibantayan hah?"


"Wala pong problema. Basta ikaw!! " nakipag high five ako dito at umangkla na ako kay Sir Ken.


"Let's go bodyguard! " pang aasar ko dito. Hindi naman na nagalit ito sa pag angkla ko..



Habang nilalakad namin yung madilim na eskinita, napalingon kami ni Ken ng marinig namin na may naghahabulan na mga aso.. Mabilis akong isinandal ni Ken sa pader para hindi kami mabangga ng aso.. Pagdilat ko, kahit madilim ay kitang kita ko ang mukha nito.. Nakatitig siya sa akin at napansin kong pawis ito..

"Ok ka lang? " tanong nito at tumango ako.. Mabilis niya akong pinakawalan at bahagya niyang pinagpag ang pants niya..

"Sir naman! Ang dumi kaya ng pader na yan! Lagi mo na lang akong sinasandal sa pader! " reklamo ko at nagsalubong ang kilay niyang nagsalita.

"Kung hindi ko ginawa yun, mababangga tayo ng mga aso. Alam mo ba na kapag may kaaway ang isang aso at hinahabol niya ito, tatakbo lang yan ng diretso at walang pakialam sa paligid kung may mababangga siya, basta mapuntahan lang niya yung target niya. Mahirap na makagat ng aso ngayon. Ikaw. Dapat mag ingat ka. Kung yung mga tao ay kilala mo dito, yung ugali ng aso ay hindi mo kabisado.. "

"Aba. Papakasalan mo lang ako, concern ka na agad! Aysus. " natatawang sabi ko pero iniwan niya ako at dumiretso ito ng lakad papunta sa bahay ko..






"Sige na. Mauna na ako. " sabi nito ng makapasok na ako ng bahay.



"Hindi ka ba papasok? Kape? " alok ko dito.



"Hindi na. Don't be late tomorrow!" babala nito at tumango ako.. Pagsara ko ng pinto ay may kumatok na naman.


"Yung cellphone? " bumalik ito. Kinapa ko yung bulsa ko sa coat at nilagay ko pala dito kanina yung phone niya. Nakalimutan ko ibalik. Hahahahahah.







"Bakit ba takot kang mawala yang cellphone mo? Siguro may scandal mo yan no? " pang aasar ko dito..


"Gusto mo gawa tayo? " seryoso niyang sabi at mabilis kong sinarado ang pinto..


















Kita mo yon!! Napaka talaga!! Naku!!!












Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon