Cash

588 38 25
                                    

Ken's POV

"Dapat talaga di na ako sumama dito. Mas traffic pa dito kaysa sa Manila ah!" inip na sabi ko kay San Jose habang nasa Van kami papuntang Mandaue City Cebu..

"Baka may banggaan lang! Tsaka okay lang to. Libre naman ni Ethan yung plane ticket natin eh! Tsaka dapat lahat ng party na iniinvite ka, puntahan mo para naman makapag relax relax yang utak mo. Preno muna sa pag iisip ng kung ano-ano.. Malapit ka nang mamaalam sa kalendaryo oh.. Enjoy the life Ken Chan!"


"Minsan may sense ka din palang magpayo. Akala ko puro babae lang laman ng bibig mo.."


"Oh well. Hindi lang naman kasi dahil sa magaling akong magluto kaya habulin ako ng babae, kakaiba din kasi yung humor ko.." sabi nito sabay tingin sa bintana.. Sinundan nito ng tingin ang isang foreigner na nakasuot ng maiksing short.. Binatukan ko nga ..


"Hanggang dito ba naman? Babae parin?"



"Bro! Sila ang nagpapakita. Nakakahiya namang hindi iappreciate !" natawa ako at muling binasa ang email ni Ethan..




Papunta kami ngayon sa isang Anniversary Party. Ininvite kami ni Ethan dito sa Mandaue.. Ipapakilala niya daw ako sa Owner ng Liberty Wine Company dito sa Cebu.. Naghahanap kasi ito ng Interior Designer para sa bubuksan nilang branch ng store sa Manila..

Yung totoo niyan, di ko naman kailangan ng bagong client dahil madaming nag aabang sa akin sa Manila. Pumunta lang talaga ako dito sa Cebu para mapagpag naman yung isip ko sa mga pinoproblema ko..



"Ken, ito na yata yung venue.." kinuha ko yung phone ni San Jose at binasa ito.. Napakapilyar kasi ng address..


"Dito yung party? Bakit sa bahay ginanap? Ganito ba sa Cebu? Walang privacy? Handa silang magpapasok ng mga bisita sa loob mismo ng bahay nila?" inagaw ni San Jose ang phone niya ..



"Ano ba Ken. Makikiinom na nga lang tayo ng wine dito, Dami mo pang tanong. Pasok na tayo!"



"Tawagan mo muna si Ethan. Nakakahiyang pumasok diyan ang daming tao!"



"Oh, ayan na pala si Ethan.."




"Na traffic kayo?" bungad na tanong nito..




"Nagsimula na ba ang party? Late kami?" tanong ko dito at umiling siya.. Niyaya na niya kaming pumasok sa loob.. Pagtingin ko sa facade ng bahay, napangiti ako.. English Style Mansion ito.. Pagpasok sa loob, may mga bisita na... Pinaupo kami ni Ethan sa sofa at nagpaalam saglit para hanapin ang ipapakilala nito..



"Bakit ka nakangiti Ken? Wag mong sabihin sa akin na balak mong nakawin yung painting na yan?" sabi ni San Jose sabay turo sa malaking painting ng kabayo sa gilid ng pinto..



"Ang galing ng Interior Designer ng bahay na to.." sabi ko sa kanya..



"Wag mo nga akong kwentuhan ng tungkol sa mga design design na hah. Wala tayo sa Manila.." iritang sabi nito..


"Wine sir?" tanong ng server na naglilibot at kumuha kami..

Habang inip kami na naghihintay kay Ethan ay may tumatakbong bata na palapit sa amin mula sa kaliwang parte ng bahay..


"Oy! Bakit may bata dito!"


"Hi ! What's your name baby?" tanong ko dito. Ngumiti ito ng malaki at tinuro ako..


"Dash—-er.."



"Ano daw Ken? Cash? Grabe. Nanghihingi sayo ng Cash yung bata! Alam talaga nila kung kanino sila lalapit HAHAHAHAH.." natawa ako sa sinabi ni San Jose.. Lumuhod ako para marinig at makita ko yung mukha ng bata..



Tasteless BloodWhere stories live. Discover now