Chapter 19 Movie Marathon

75 1 0
                                    

Soundtrack for this chapter: Collide by Howie Day (click multimedia to listen)

Ang buhay parang pelikula.  Ang mga tao, may kanya kanyang kwento. At ang buhay pag-ibig ko, parang Pride and Prejudice. Ako si  Mr. Darcy, isang mayaman at gwapong suplado  na na in love kay Elizabeth Bennet, isang simpleng, palaban na babae.

Ang kwento ng love affair nila, tapos na, ako… papunta pa lang dun. At kung maging kami na ni Portia, sa kanya lang ako at ibibigay ko lahat ng gusto niya pati na rin ang hiling ni Mother Earth. Kung si KC Concepcion nga eh binigyan ng star ng manliligaw niya. Ako, ibibigay ko ang Pluto, ang Mars at ang Saturn kay Portia… sa panaginip.

Magkano kaya bumili ng stars?

Napadaan ako sa isang iskinita nung pauwi, may dalawang mag-syota ang nagP-PDA sa gitna ng kalsada.

Pwede bang magsulat sa pader ng BAWAL MAGHALIKAN DITO.

Teka, mukhang kilala ko yung lalaki… si Deo … kasama si…

“PUTA! PINSAN KO YAN AH!”

“Conrad?” sabay nilang nasabi.

Nang makalma ako sa makapanghindik balahibong kaganapan, saka lang sila nagpaliwanag sa akin.

“Kailan pa yan?” tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa gutter ng kalsada.

“Last week.” Sagot ni Jaymee na nakatayo sa harap ko katabi si Deo.

“Con, Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo.” Sabi ni Deo.

“Si Jaymee, parang kapatid ko yan at ang nangyare sa kanya dati, yung ginawa sa kanya ni Sylvester, ayokong maulit yun. Kilala kita Deo, alam ko ang mga kabalastugang ginagawa mo.”

“Pare, people change, I have changed. I’m a better man!”

May better man ka pang nalalaman! Tinitigan ko siya ng masama at ang ibig sabihin ng titig na yun, umayos kang kupal ka kung hindi, mabubuhay si Bruce Lee sa pangangatawan ko at makakatikim ka ng isang mapait na bugbog!

I know he’s better than Sylvester pero itong unggoy na toh, may M2M. I just wish na wala na siyang balak magbeer house at seryosuhin niya ang pinakamaganda kong pinsan.

“Conrad naman ang OA mo. Can you just be happy for us?” sabi ni Jaymee. “Naiinggit ka lang yata kasi hindi pa nagiging kayo ni Portia.”

“Hindi pa kayo?”

“Kami nga ni cupcake isang  linggo na kami!” sabi ni Jaymee.

“Isang linggo tapos may halikan na sa gitna ng kalsada?! Umayos nga kayong dalawa!”

“Opo, lolo!” sagot ni Jaymee.

“Bilisan mo na kasi ang pagdiskarte. Ang tagal mo eh!”

“Pwede ba? I still believe na kapag pinaghihirapan mong kunin ang isang bagay, mahirap din yun mawala at kung minadali mo naman yun, madali lang din yun mawala. Pinahahalagahan ko ang bawat minuto ko kay Portia at hindi ko siya minamadali dahil kahit gaano pa yan katagal at paikutin mo man ang mundo ng maraming beses, kung kayo talaga, kayo hanggang huli.”

“Wow!” pumalakpak si Jaymee. “Very well said. Sige, mauna na kami sayo. Kasi mamaya, i-explain mo na saamin ang theory of evolution.”

“See you around pare!” paalam ni Deo.

Nagpropose si Jacob ng holloween party para sa org at dahil sa impressive na ideya ang ginawa niya nung initiation, I decide na sa kanya ko iutos ang pag-organize ng party.

Magaling na officer. Wala nang ginagawa.

Nagpa-meeting ako para i-discuss ang plano sa party. Iniexplain ni Jacob ang complete construction ng theme at magiging itsura ng party place na gaganapin sa gym.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now