Chapter 14: Confess

260 10 5
                                    

LAYTINA

Pagbalik ko sa classroom ay agad akong sinalubong ni Daphne at kinikilig na kumapit sa braso ko.

"Bessi, ang tagal ng pag-uusap n'yo ni Sir ha? Anong nangyari? Baka naman." kinikilig na sabi nito.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Baka naman ka d'yan. 'Yong bag ko nasaan? " tanong ko ng makalapit sa upuan ko.

"Ewan ko sa'yo. Baka naiwanan mo sa office." sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko. 'Yong cellphone ko, nandoon. Baka tumawag si Kuya.

"Sandali, kukunin ko lang, Daphne." sabi ko at agad tumakbo papunta sa office ni Sir.

"Si--" naputol ang sasabihin ko ng makapasok sa loob.

Nakita ko si Mandy na nakaupo sa table ni Sir. At, ano naman ang ginagawa ng isang ito dito?

"Bitch." dinig kong sabi ni Mandy at bumaba sa table ni Sir.

Pumasok na ako ng tuluyan at tiningnan sila ng may pagtataka. Sinong hindi magtataka? Angas ni Mandy sa ibabaw ng lamesa ni Sir Dwayne.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa at isinakbit. Aalis na sana ako ng matiwasay ng tawagin ako ni Sir Dwayne.

"Ms.Knight--"

Lilingunin ko na sana siya ng maisipan kong huwag na lang. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Sir ng tuluyan na akong lumabas ng office niya.

May kung ano na naman kasing karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari? Ang sakit.






DWAYNE

"Miss Crisostomo, I told you, okay naman lahat ng grades mo sa akin. You don't have to worry." sabi ko habang nagtitipa sa aking laptop. Napabuntong-hininga na lang ako ng maalala si Laytina. Hindi man lang niya ako pinansin. Tsk.

"E, Sir kanina pa kita tinatanong tungkol kay Laytina, hindi mo naman sinasagot." pabebeng sabi nito at sumandal sa table ko. Walang emosyong tiningnan ko siya. Ang kulit naman ng isang ito.

"Tsk, ano bang tanong?" may inis na tanong ko at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko.

Mahigit ilang minuto na siya dito sa office ko tapos kung ano-ano lang ang sinasabi niya about kay Laytina. Kung hindi lang ako marunong mag-timpi, nabusalan ko na ang bibig nito. Parehas lang sila ni Alice.

"Sir, may gusto ka ba kay Laytina? Tell me the truth, ayokong masaktan.." pambubuwisit nito sa akin kaya napataas ang isang kilay ko at napatingin dito.

Yes! I like her! Gusto kong isigaw at ipamukha sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sir... answer me." pabebe na namang sabi nito at nagpacute pa sa harap ko. Gusto ko na lang masuka sa mga pinaggagagawa nito.

"Ofcourse... No. I'm your teacher, be respectful. Your my students, hindi mo dapat ako tinatanong sa mga gan'yan. I have already a wife." pagsisinungaling ko.

Please lang, lubayan mo na ako, Miss Crisostomo. Hinding-hindi ko na gusto ang mga ginagawa mo kay Laytina. Naiinis ako.

"T-Talaga, Sir?" naging matamlay na tanong nito at tumayo ng ayos.

Seryoso lang akong tumango at itinuloy na ang ginagawa sa laptop.

"Okay, Sir. Aalis na po ako." sabi nito at tumakbo palabas.

Napangisi na lang ako at muling itinuloy ang ginagawang power point.

Si Laytina lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko at siya lang ang gusto ko.







Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now