Chapter 16: With Mr. Lee

276 8 2
                                    

KAKAUWI ko pa lamang galing sa school ay agad na hinanap ng mga mata ko si Kuya. Nakita ko siyang nakaub-ob sa lamesa namin dito sa kusina. Nilapitan ko siya at niyugyog sa balikat.

"Kuya! Kuya!"

"N-Nand'yan ka na pala, Layt," sabi nito na mukhang lasing.

Agad ako nitong niyakap. "Kuya, bakit lasing ka? Hindi ba ngayon ang punta natin sa puntod nina mama at papa?" tanong ko.

Narinig ko naman ang pagtawa nito ng mahina kasabay ng pag-iyak. Napakunot ang aking noo. Para siyang panis.

Agad akong lumayo sa kaniya at umiiyak talaga siya. Para siyang bading! Yuck!

"Kuya, bakit ka ba umiiyak?" tanong ko at hinawakan ang muka nito. Niyakap lang ulit ako nito ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

"Kuyaaaa..."

"Naghiwalay na sila ng girlfriend niya, Apo."

Napalingon ako kay lola na nasa likuran namin. Kumakain siya ng prutas.

"Po? Kailan?" takang tanong ko.

"Kanina lang, Apo. Nang maihatid ka niya sa school." sabi ni lola kaya napakunot-noo ako.

Napatingin ulit ako kay Kuya na naglalakad pabalik sa kusina. Susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Lola sa braso.

"Hayaan mo na muna siya, Apo. Maglalasing ulit 'yan." sabi ni lola at tumawa bahagya. Muli na naman akong napakunot-noo.

"'La, sigurado kayo sa sinasabi n'yo?" tanong ko at pumuntang kusina para pigilan si Kuya sa pag-inom.

Ang kuya ko talaga minsan, delulu. Sobrang OA!

Nakita ko si Kuya na iinom na sana kaya lang agad kong inagaw sa kaniya ang basong sa tingin ko ay may laman na alak. Taka siyang napatingin sa akin.

"Kuya, ang OA mo." sabi ko tinaasan siya ng kilay.

"I'm sorry, bunso. Masakit lang kasi para sa akin ang iwan ng taong mahal mo." pagdadrama nito. Napatawa naman ako sa hindi malamang kadahilanan.

Tiningnan ko siya ng seryoso, 'yong mukha ng hindi na natutuwa. "Seryoso ka, Kuya?" tanong ko.

Tumingin muli siya sa akin at tumango-tango. Akmang kukunin na niya sa akin ang baso na may lamang alak ng ilayo ko pa ito sa kaniya.

Sinapak ko siya na malakas na ikina-daing niya. Sorry, Kuya. Ang sobrang delulu mo kasi.

"Sobrang OA mo naman!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Napatayo naman siya at seryosong tumingin sa akin.

"Layt, wala kang alam." sabi nito at umalis sa harap ko.

Agad ko siyang sinundan papuntang kuwarto namin.

"Kuya, sobrang OA mo. Wala ka naman girlfriend!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin at napakunot-noo pa.

"Ay, wala ba? Akala ko meron." biglang sabi nito at pinunasan ang mukha nitong nabasa ng luha. Ang OA talaga! Nakakatawa.

"Huwag kang umiyak d'yan, ang baduy mo." natatawang sabi ko at hinampas sa balikat ito. "Ang drama mo. Best actor of the year yern?" dagdag ko pa.

"Sorry, akala ko may girlfriend ako. Hiwalay na nga pala kami, matagal na." sabi naman ni Kuya at naglakad palabas ng kuwarto. May palasing-lasing pa siyang drama ha? Pero, infairness ha? Nakuha ako doon ni Kuya. Akala ko, lasing talaga siya.

"Oh, apo! Anong nangyari? Ba't ka sumisigaw?" salubong ni lola sa amin at hinawakan ako sa mukha.

"Lola, si Kuya kasi parang panis. Wala naman siyang girlfriend, kung anong kadramahan ang ginagawa." reklamo ko na ikinatawa ni Lola.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now