Chapter 19: Ballroom

180 6 1
                                    

PAGKATAPOS ng napakahabang break time ay walang ganang kinuha ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Nakita ko ang pamamaga ng aking mga mata dulot ng pag-iyak.

Sinuklay ko rin ang aking mahabang buhok at pinuyod iyon. Habang nanalamin ay may bigla na lang akong narinig na malakas na sigaw.

"Ate Laytinaaaa!"

Napatayo ako ng may matinis na boses ang tumawag sa akin.

"Ateee!"

Tiningnan ko ang taong sigaw ng sigaw sa labas ng room namin.

At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si...

"Azalea?"

Mabilis na tumakbo ako palabas ng room at agad na niyakap ito.

"Azalea, I miss you!" masayang sabi ko habang yakap-yakap ito ng mahigpit.

"I miss you too, ate Layt!" sabi naman nito.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap niya at tiningnan ito. "Lalo kang gumaganda, Azalea!" sabi ko.

"Kidding!" sabi nito at nagpout.

"HAHAHA I'm not! I'm seriousss---"

"Zaza?"

Parehas kaming napatingin doon sa nagsalita sa bandang tabi ko at nakita ko si Daphne.

"Daph!" tili naman ni Azalea at nagyakapan ang dalawa.

"Shet! Lalo kang gumanda, Zaza!"sabi ni Daphne kaya natawa ako.

Ate ang tawag sa akin ni Azalea dahil ang alam niya mas matanda ako sa kaniya at kay Daphne pero ang totoo mas matanda si Daphne sa akin.

"Kamusta na Zaza?" tanong ni Daphne.

"I'm fine, Daph! By the way, dito na ako papasok!" sabi pa nito at inakbayan pa kaming dalawa ni Daphne.

Si Azalea kasi sa ibang university napasok. Hmm, ano kayang naisipan nito at gusto niyang lumipat? At itong school namin ang napiling lipatan?

"Talaga? Yern naman!" gigil na sabi ko at pinisil ang pisngi nito.

"Ouch! Ate Layt naman e!" nakangusong sabi nito.

"Oh, bakit and'yan pa kayo? Pasok na!" sabi ni Daphne kaya natatawang pumasok na kami.

Si Azalea nagpunta muna siyang una para magpakilala pagkatapos naupo na rin.

Dumating naman si Mrs. Tolentino kaya umayos na kami ng upo.

LUNCH time na kaya sabay-sabay kaming pumunta nina Azalea at Daphne sa canteen. Bumili muna kami bago naghanap ng table.

"Zaza, kwentuhan mo naman kami about sa lovelife mo." sabi ni Daphne kaya napatingin ako kay Azalea.

"Actually guys, wala pa akong boyfriend. Looking pa lang." sabi nito at tumawa. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"What? Wala ka pang boyfriend?" gulat na tanong ni Daphne na tinanguan lang ni Azalea.

"Zaza, mag-lovelife ka na!" dagdag pa ni Daphne.

"Hep hep hep! Ang tanong... gusto mo na ba, Azalea?" tanong ko.

Nagpout naman ito at ipinalibot ang paningin sa buong canteen kaya napatingin-tingin rin ako.

Hanggang sa makita ko si Sir Dwayne na kumakain habang nakatingin sa amin. Napakunot-noo ako at napakunot-noo rin siya.

Ngek!

Kanina pa ka nniyakami tinitingnan?

Hala!

Nakatingin ako sa kaniya hanggang sa tumayo siya at umalis.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now