Chapter 7: Camping

330 17 1
                                    

LAYTINA

NAGISING ako sa malakas na ringtone ng aking cellphone. Kinapa-kapa ko iyon sa tabi ko at walang tingin-tingin na sinagot.

“Bessy, nasaan ka?”

“Bakit?” inaantok na sabi ko.

“What the? Natutulog ka pa?” sigaw nito sa kabilang linya. Napapikit ako dahil sa katinisan ng boses niya.

“Kalma lang. Bakit ba?” antok pa ring tanong ko at dahan-dahang bumangon. Maingay ang paligid niya. Ano bang mayro’n?

“Nasaan ka ba?” tanong ko pa.

“Anong nasaan ako? Bessy, ikaw na lang ang hinihintay dito. Ano, sasama ka ba?” tanong nito kaya napakunot-noo ako. Anong sasama ako? Saan--- oh, shet!

“A-Ah, oo! Sabihin mo, wait lang!” sigaw ko at tiningnan ang oras sa cellphone ko.

“Anong oras ba dapat ang punta d’yan?” tanong ko kay Daphne ng makatakbo ako sa kusina para maghilamos.

“7:30, Bessy! Bilisan mo, aalis na tayo! Papasundo kita kay Dale.” sabi nito na ikinagulat ko. What the? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Hindi naman no’n alam ang bahay namin.

“Huwag na, please! Mabilis lang ako. Papunta na ako d’yan.” sabi ko bago putulin ang tawag at mabilis na naghilamos.

Limang minuto lang naman akong naligo bago naisipang kunin muli ang aking cellphone. Oh, ‘di ba? Ang bilis kong maligo.

08:10 A.M.

“Bye, Kuya! Bye Lola!” paalam ko sa mga ito bago lumabas ng bahay at tinakbo ang sakayan ng trycicle.

Mabuti na lang at malapit ang school namin, kung hindi baka hindi na ako makasama.


SCHOOL

Napanganga ako ng makita ang isang bus na nakaparada sa harapan ng aming school. Don’t tell me, ‘yan ang sasakyan namin? Umuwi na kaya ako?

“Laytina!”

Napatingin ako doon sa tumawag sa akin at nakita ko si Adrien na nasa loob ng bus at kumakaway-kaway pa sa akin. Napalunok-lunok ako bago naglakad palapit sa bus.

Lord, kayo na pong bahala sa akin ha?

Nang makapasok ako sa bus ay agad hinanap ng mga mata ko si Daphne. At ang bruhilda, may katabing iba. Hindi siya loyal.

Naupo na lang ako sa bakanteng upuan sa harap ng pinto. Kaya ko ito! Malalagpasan ko ito!

“Okay, mukhang kumpleto na tayong lahat.”

Nagulat ako ng marinig ang malakas na sound noong nagsalita. Pumasok si Sir Dwayne sa loob ng bus at agad na nagtama ang mga paningin namin. Kasunod niya si Dale sa likod kaya agad akong umiwas sa tingin ni Sir para tingnan ito.

“Handa na ba kayong lahat?” tanong ni Sir kaya naman napalunok-lunok ako. Kaya ko ba? Mukhang kaya ko naman, kaso ang katawan ko? My gosh!

“Yes, Sir!”

“So, let’s go now.” sabi ni Sir at sinenyasan ng maupo si Dale kaya naman agad itong naupo sa tabi ni Adrien na nasa kabilang side ko lang. Bakit hindi ko kaagad napansin na si Adrien ang nakaupo sa side na iyon? Hays!

Napatingin naman ako sa taong nasa harapan ko at may balak pa yatang umupo sa may tabi ko. Nakangiti ito sa akin sabay naupo na.

“Mabuti naman at sumama ka. No choice?” imik ni Sir pero hindi ko lang siya pinansin at inihanda ang sarili dahil nagsisimula ng umandar ang bus at nagsisimula na ring umikot ang mga bituka ko sa tiyan ko.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now