Chapter 18: Hurts

381 13 5
                                    

Nanghihina na tinungo ko ang C.R. para maghilamos. Hindi pa rin mawala-wala ang sakit ng tiyan ko dahil sa pagkakasuntok sa akin ni Mandy.

Makakaganti rin ako sa kaniya, hintayin niya lang.

"Ouch, Tsk." daing ko ng mahawakan ko ang tiyan ko. Mukhang hindi ako makakakain ng marami nito.

Tiningnan ko naman ang pisngi ko at namamaga na rin iyon dahil sa lakas ng pakakasampal sa akin ni Mandy.

"Lagot talaga sa akin ang Mandy na 'yon. Ginigigil niya ako. Hindi pa kami tapos." bulong ko at lumabas sa banyo.

Saktong pagkalabas ko ay may nasagi ako, isang magandang babae. Napatulala lang ako sa kaniya sandali. Ang ganda.

"I-I'm sorry," paumanhin nito sa akin pero agad akong napailing.

"Ah, naku. Ako po dapat ang magsorry--" natigil ako sa pagsasalita ng makilala kung sino ito.

Girlfriend ni Sir Dwayne.

"I'm sorry po, Ma'am," sabi ko at mabilis na lumakad palayo.

Ang bango niya at sobrang ganda. Ilang taon na kaya siya?

Tinignan ko ang oras sa relo ko at shet! Late na ako! Ilang oras na ba akong nasa C.R.? Naku naman!

Tinakbo ko ang papuntang room namin at dali-daling tumuntong sa pinto atsaka yumuko.

"I'm sorry po! I'm late!" sabi ko habang nakayuko. Lagot ako nito.

"HAHAHAHA!"

"HAHAHA Laytina, ayos ka lang?"

"Nababaliw na siguro si Laytina! HAHAHAHA!"

Agad akong napatunghay sa pagkakayuko ng marinig ang sigawan ng mga kaklase ko.

Eh?

Walang klase? Gosh! Nakakahiya! Hindi na ako uulit.

Sinamaan ko naman sila ng tingin atsaka dabog na naupo sa upuan ko sa unahan.

Yeah. Sa unahan na ako nakaupo. May manyak kasi doon sa likod e. Atsaka, si Mrs. Lontok ang nagdesisyon na dito na ako maupo dahil wala raw akong natutunan sa tabi ni Daphne. Psh. Sayang.

"Nasaan ang teacher natin?" tanong ko sa katabi kong nerdy. Gwapo naman siya. Ang kaso 'yong salamin niya. Medyo hindi bagay sa mukha niya.

"I don't know." malamig na sabi nito na hindi man lang lumilingon sa akin.

"Yabang." bulong ko at kinuha ang cellphone ko.

"What?" cold pero may halong inis na sabi nito.

Tiningnan ko naman ito at tinaasan ng kilay. "Nothing," mataray kong sabi.

"Tsk." 'yon lang at hindi na ito umimik.

Dumating na nga ang teacher namin at si Sir Dwayne na naman iyon. Ilang subject ba talaga ang hinahawakan niya? Bakit parang siya na lang palagi ang teacher namin?

Nakatingin ito doon sa dating upuan ko. Siguro, hinahanap ako nito. Well, huwag tayong assuming, baka naman nagkataon lang na doon siya napatingin.

"Okay, bukas i-pe-present ang ballroom." sabi nito.

"Bukas na bukas na talaga, Sir?" tanong ng mga kaklase ko na ikinatango lang ni Sir.

"Now, for your attendance, copy this." sabi nito at nagsimulang magsulat sa blackboard.

Hays. Magkokopya na naman?

Natapos ang pagkokopya ni Sir Dwayne ng nakaub-ob lang ako sa desk ko. Nakakatamad kayang magkopya. Masakit pa rin kasi ang tiyan ko. Psh.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now