Chapter 6: Brothers

354 17 0
                                    

LAYTINA

Nakalipas ang mahigit isang oras ng matapos kami ni Adrien sa paglilinis ng pool. Hingal kaming naupo sa bench na katabi lang nito atsaka naisipang bumili ng pagkain sa canteen.

“Laytina, anong gusto mo? Ako na ang bibili.” sabi ni Adrien kaya naman napangiti ako at napatango.

“Thank you. Dalawang cheese burger atsaka french fries at isang softdrink lang.” sabi ko at inabutan siya ng 200 pesos. Agad naman siyang tumango at umalis na.

Naghanap ako ng mauupuan namin at mabuti na lang may isa pang bakante doon sa may sulok. Agad akong naupo doon at hinintay si Adrien. Habang inililibot ko ang  paningin ko ay may bigla na lang lumapit sa may harapan ko kaya napatingala ako dito.

Si Dale.

“Hello.” bati nito sa akin at ngumiti ng matamis. Lumabas ang mga ngipin nitong mapuputi.

“Hi.” tipid na bati ko.

“Can I join?”

Tumango lang ako kaya naupo na ito. Tinitigan ko ito at sinuri. Kamukha niya talaga si Sir Dwayne. Isang tingin mo palang masasabi mo talagang magkapatid sila, pero bakit kamukha niya si Kuya? O baka, naduduling lang ako?

“Hm, by the way, what’s your name?” tanong nito kaya napabalik ako sa wisyo. Napalingon-lingon ako sa paligid. Nakita niya ba akong nakatitig sa kaniya? Sana hindi.

“Laytina.” muli kong tipid na sabi. Hanggang sa makita kong papalapit si Adrien sa table namin.

“Nice name. I’m Dale.” sabi nito at ngumiti. Napalingon siya bigla kay Adrien na naupo sa tabi ko.

Agad kong kinuha ang food na nasa tray niya atsaka mabilis iyong nilantakan bago muling napatingin kay Dale na napapangiti na lang.

“Related ka ba kay Sir Dwayne?” tanong ko  at uminom ng softdrink. Napatango-tango naman ito.

“Actually, he’s my older brother.” sabi nito. Nasamid naman ako sa iniinom ko kaya napa-ubo ako. Ay, kadiri!

Pero, what? Brother?

“I-I see.” sabi ko at pinunasan ang bibig ko. Napatingin pa ako dito kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo, pero mukhang kapatid niya talaga ang teacher namin.

Ngumiti naman ito. “Hmm, then who are you?” tanong ni Dale kay Adrien kaya napalingon ako sa kaniya.

“A-Adrien. You’re our new classmate, right?” tanong ni Adrien na ikinalaki ng mga mata ni Dale.

“Are we classmates? Oh, i’m sorry. Hindi ko kayo nakilala.” sabi nito. Medyo nagulat rin ako ng marinig itong mag-tagalog. Mukhang may englishero pa kaming kaklase.

“Okay lang. We understand na bago ka lang dito atsaka hindi mo talaga kami makikilala agad dahil kami ang ipinatawag ng kuya mo kanina.” sabi ko at kumain ng burger. Napatango naman siya ng ulo.

“Ah, okay. He’s not mad at all, right? Tell me, i’ll tell him to our grandfather.” sabi nito kaya napalaki ko bigla ang butas ng ilong ko. Sana all, grandfather. What if tawagin ko ring ganoon si Lola? Haha, hindi bagay sa kaniya.

“Kapatid mo si Sir Dwayne?” bulong ni Adrien kaya napatango si Dale. Hindi ba obvious?

“Well, mabait naman siya. Strikto lang pagdating sa pakikinig at paggawa ng activities sa subjects niya.” sabi pa ni Adrien na ikinasang-ayon ko.

“Yeah. Sorry to hear that but believe me, he’s good.” sabi nito kaya napataas kilay na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

“S’yempre, kapatid mo ‘yon eh.” bulong ko at lumingon sa paligid hanggang sa mapadapo ang mata ko kay Sir Dwayne na nakatingin rin pala sa gawi namin.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon